Natasha's POV:
Napapikit ako sa inis dahil sa napagusapan namin ni Wade kanina lang, hindi niya naman kailangang ipasok ang personal na issue niya sa akin. Alam ko, ako ang nang-iwan at ako rin ang sumuko. Masisisi mo ba ako? I was hurt, really hurt that I couldn't hide it anymore. Mukha lang akong maangas pero sa loob loob ko, mahina ako. Siguro ito nga ang sinasabi ni Mommy na kapag matalino kang tao sawi ka sa pag-ibig.
Nagpasundo ako kay Kuya dahil na rin hindi ko kayang makita si Wade, nagtataka ako dahil na rin paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na 'yun. Masaya na s'ya kaya bakit niya ako kailangang pakielamanan? Hindi ko talaga s'ya maintindihan. Nakakainis na palagi ko s'yang nakikita sa kahit saan man ako magpunta.
"Okay ka lang?" tanong ni Kuya na kanina pa sulyap ng sulyap sa akin.
I nod. "I'm sorry. I disturbed you, naabala ko pa ata kayo ni Zein..." saad ko habang nakasandal sa upuan ng sasakyan niya.
"Nah, maiintindihan naman ni Zein 'yun. Isa pa, busy rin s'ya sa pag-aalaga ng kambal naming dalawa..." nakangiting saad niya, kitang kita ko ang saya.
Nakarating kami sa airport at panay ang biro niya na aalis na naman ako, iiwan ko na naman daw sila. Napailing nalang ako at mabilis s'yang niyakap bilang pasasalamat na rin sa lahat ng ginawa niya. Kumaway ako sa kanya at dumiretso sa private plane ko, tinanguan ko lang ang mga tauhan ko.
"Deretso tayo sa France..." saad ko sa butler kong si Icarus.
"Sure," saad niya at sinabi na sa piloto ang gagawin.
I looked at my wrist watch at alam kong ilang oras ang gugugulin ko para sa pahihintay na makarating doon. Miss ko na silang tatlo at nasasabik na akong makita silang tatlo at sa isiping 'yun ay napangiti ako sa kawalan. I crossed my legs and sipped on my wine as the plane goes up, katabi ko si Icarus at pinaguusapan namin ang tungkol sa business ko.
"All the guns are now heading at Batangas..." saad niya.
"Make sure na walang magiging hadlang doon, I want it to be safe and unharmed. Lalo pa't malaki at mahal ang kalidad ng bawat armas na 'yun..." kalmadong saad ko.
Nakatulog ako at pagdilat ng mata ko ay ang malamig na simoy ng France. I'm wearing a brown sweater and a black ripped pants, caterpillar boots, at nakatali ang buhok ko. Bumaba kaagad ako at nakita na ang kotse na maghahatid sa akin sa hotel kung nasaan sila nandoon.
Ako:
I'll be there in 15 minutes. I can't wait to see you three.
Nang makarating ay kasama ko pa rin si Icarus dahil na rin may iilan s'yang kakilala dito. Tumango nalang ako sa kanya at kaagad na sumakay sa elevator para makita silang tatlo panay ang tapik ng boots ko sa loob ng elevator. Nang sa wakas ay bumukas na ay kaagad na akong pumanhik at tinignan ang bawat room number at napangiti ako ng makita ang room number nilang tatlo.
Huminga ako ng malalim. Ito ang ayaw ko sa lahat nang dahil sa nangyari sa nakaraan natatakot na akong pumasok sa mga condo unit, kinagat ko ang labi ko para alisin ang naisip ko. Hindi niya magagawa sa'kin ang ganito. I tried to smile nang mabuksan ko ang pintuan.
"Momma!" pagtili ng isang batang makulit ang narinig ko.
Tumambad sa akin ang dalawang makulit na bata na gapang ng gapang sa carpet. Kasama nila si Emmanuel na nakangisi sa'kin at dinamba ako ng yakap muntik na akong matumba kaya natawa ako at niyakap s'ya.
"I miss you, honey..." malambing ang boses niya at hinalikan ang noo ko.
I looked at him and smiled ngunit napatingin ulit ako sa dalawang batang makulit na nakikisiksik sa hita ko. Pareho kaming natawa sa inasta nila kaya kaagad kong kinarga ang isa sa kambal at pinugpog ng halik. He giggled and I heard his laughed kaagad akong napangiti.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AcciónBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...