Lumipas ang ilang buwan ay malapit na ako mag Senior High diko alam kung itutuloy ko paba ang pag-aaral ko dahil alam kong dadami na naman ang gastusin.
Siguro mag tra-trabaho nalang ako gusto kong makapag tapos si Astrid kahit hindi na ako.
Bata palang ako pangarap ko ng makapag tapos kaso wala biglang nag laho ang lahat,Siguro ayaw talaga ng tadhana at kailangan ko nalang itong tanggapin.
𝘛𝘰𝘬!𝘵𝘰𝘬!𝘵𝘰𝘬!
Isang malakas na katok ang nagpbalik sa diwa ko,Kaya agad akong lumapit sa pinto ng makita yung kapit bahay namin.
"Vien anjan ba Nanay mo?" Inis na sambit nya.
"Wala po e,Bakit po?"
"Jusko Vien ang tagal nang di nag babayad sakin ang Nanay mo!Ano bang ginagawa nya sa malaking pera na yun ha?Para sa shabu nya." Galit na saad nya.
"Magkano poba?" Tanong ko.
"Bakit may pambayad ka?" Taas kilay nyang saad.
"Masama ba mag tanong?" Gusto ko sanang sabihin yan pero pinanatili ko nalang na-nakatikom ang bibig ko.
"30k yun!Pag hindi pa sya nagbayad ipapakulong ko yang adik mong nanay!" Sabay alis nya.
Ma!Problema nalang ba ang dala mo sakin?Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera!Tanginang buhay naman toh!.
Siguro tama na talaga yung napagdesisyonan kong di nalang mag aral,Saan ako hahanap ng ganun kalaking pera.
"Ma naman e.." Bulong ko at napa-upo nalang.
Ang hirap naman ng ganito gusto ko ng matapos nakakapagod.
"Ate may problema ba?" Agad akong napatayo dahil sa biglang dating nang kapatid ko.
"W-wala naman,Tara kumain kana.." Sabay akbay sakanya.
"You look stress.." Sabay haplos nya sa pisngi ko.
Sana bata nalang ulit kami kase pag ginaganito nya ako umiiyak ako,At gusto kong umiyak ngayon pero ayoko mag aalala sya kaya ngumiti nalang ako.
"Hindi kaya." Sabay gulo ko sa buhok nya,Tumawa nalang sya at umupo na kami para kumain.
Nang matapos kaming kumain ay ginawa na namin ang dapat gawin,Bago pumasok sa kwarto.
"Astrid.." Tawag ko sakanya ng maalala yung sinabi ni Kate,Dali-dali naman syang tumabi sa kama ko at niyakap ako.
"Bakit Ate?"
"T-totoo ba yung humalik ka ng..lalaki?" Bigla naman syang napatigil at tumingin sakin.
"Sorry Ate kasalanan kase ng girlfriend nya sinabi nya na malandi ka daw at di ako papayag nun!Ginagalang kita tapos sila kung makapag sabi nang malandi ka parang ang dali lang sakanila kaya hinalikan ko ang boyfriend nya pero wag kang mag alala ate diko naman dinikit pinahalata ko lang hehe" Agad naman akong napatawa sakanya.
Tyaka ako malandi?Pano?Ni diko nga alam pano lumandi jusko mga tao talaga!
"Thank you Astrid,Pero dapat hindi mo ginawa yun pano kung mahulog sayo yung lalaki?Edi kawawa yung girlfriend nya na matagal na nyang kasama.Pero nang dahil lang sa ginawa mo baka maghiwalay sila."
"Sorry Ate di kona uulitin promise,Hanggat andito ako Ate diko hahayaang may manakit sayo walang pwedeng manakit sayo at mas lalong di kita sasaktan pangako yan." Napangiti naman ako ng malapad dahil sa sinabi nya.
Buti nalang may kapatid ako na handang mag pasaya sakin.
"Ate anong pangarap mo?" Tanong nya bigla.
"Maging okay ang lahat"
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomanceThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...