KABANATA 6

58 8 0
                                    

WARNING: Abuse

Bumangon ako sa pagkakahiga ko ng biglang may malakas na kalabog akong narinig sa labas,Maga parin ang mga mata ko dahil sa pagkakaiyak kagabi.

Dahil sa sinabi ni Hash kagabi para tuloy akong nabuhayan,Diko alam kung anong nararamdaman ko pero sya ang unang bumati sakin dati si Papa yung laging unang babati sakin at si Tonton.Si Astrid minsan nakakalimutan tyaka lang babati pag nakalipas na ang isang araw,Si Mama siguro hindi na din nya alam yun wala naman syang pakielam.

Pinagtataka ko lang bat ang daming alam ni Hash sakin?At kay Papa?Magkakilala ba sila?Imposible naman ata yun.

Dali-dali akong bumaba at naabutan si Astrid na nag-mamadaling mag suot ng sapatos at bihis na bihis.

"San ka pupunta?" Tanong ko sakanya,Gulat naman syang napatingin sakin.

"Hi Ate Morning..Umm..may pupuntahan lang kami ng kaibigan ko..byee!" Napanguso naman ako dahil nakalimutan na nya na Birthday ko.

Agad ko naman tiningnan ang buong bahay sobrang tahimik,Gandang bungad.

Baka mamaya pumunta ako sa puntod ni Papa ang tagal kona ding hindi nakapunta dun dahil sa sobrang busy.Miss kona si Papa.

Aakyat na sana ako nang biglang pumasok si Mama na may dalang kung ano sa bag nya,Tyaka ko lang nalaman ng ibuhos nya ang mga droga sa mesa.Pagawaan naba dito ng droga?At dito pa talaga nya pinili mag ayos ng mga yun..Ibang klase..

"Ma..," Tawag ko sakanya,Hindi nya ako pinansin at patuloy parin sa ginagawa nya," Death Aniversarry ngayon ni Papa dimo ba sya dadalawin?" Dugtong ko.

Napatigil naman sya sa ginagawa nya at galit na tumingin sakin.

"Para san pa?ha Vien?!Mabubuhay ba sya kung sakaling dalawin ko sya?!Ha?!Diba hindi!" Galit nyang sigaw sakin,"Mag aaksaya ka lang ng oras."

"Pero asawa mo parin sya Ma!Miss kana din nya..miss kana din namin.." At dun na ako napayuko.

Sobrang miss kana namin Ma,Kailangan kana din namin gusto na ulit namin maranasan yung may nag mamahal na ina.

"Tumigil ka jan diko kayo kailangan sa buhay ko,Tyaka Birthday mo ngayon diba?" Bigla naman ako napaangat ng tingin alam ni Mama?Diko alam kung matutuwa ako pero masaya ako at alam parin ni Mama yun.

Ngayon ay Feb 22 at yan din ang araw na namatay si Papa.

"Opo.."

"Sana dina lang dumating ang araw na yan..Edi sana buhay parin ang tatay mo ngayon diba?Malas ka talaga.." Yung saya na naramdaman ko kanina agad nanglaho.

Tama nga si Mama pano kung hindi bumili si Papa ng cake ko buhay parin kaya sya?kasama parin kaya sya namin ngayon?Masaya parin kaya kami ngayon?Ang tanga mo kase Vien e kung hindi ka humiling kay Papa na bilhan ka nya ng cake edi sana hindi nangyari yun.

"S-sorry.." Yun nalang ang nasabi ko,At umakyat na nang kwarto.

Ayoko na makarinig nang masasakit na salita ang sakit sakit na..Birthday na Birthday ko ganito?Tanginang yan,Kung magbitiw si Mama ng salita sakin parang hindi nya ako anak.

"Vien!" Tawag sakin ni Mama,Parang dati Czereena ang tawag nya sakin.Dati lang yun Vien.

"Po?" Sagot ko at pinunasan ang mga luha.

"Bumaba ka at kailangan ko ng pera!" Bumaba ako pero hindi ako nagdala ng pera.

"Ma may utang kapa sa kapit bahay natin.." Mahinahon kong saad,Nakakapagod magalit kung wala naman mangyayari.

"Edi ikaw magbayad..Penge nang pera bilis!" Wang pakielam nyang saad.

"Lagi nalang bang ganito Ma?Maging ina ka naman kahit minsan." Agad syang tumayo at agad hinila ang buhok ko.

"Kaya nyo ang sarili nyo diba?Pinapalamon ko lang kayo dito!Tapos ayaw nyo pa akong bigyan ng pera!" Parang wala sa sarili si Mama ng tingnan ko sya sa mata,Parang lahat ng galit nya sakin nya ibubuhos.

"Ma nasasaktan ako!" Sigaw ko dahil sobrang higpit na nang hawak nya sa buhok ko.

"Dapat lang yan para mag tanda ka,Ang galing mo nang sumagot ikaw lang ang pabigat dito!" Sigaw nya.

"Hindi Ma!Ikaw ang pabigat dito!Imbes na maging ina ka samin parang kami pa ngayon ang tumatayo para maging ina sayo!Wala kang kwenta!" Parang baliw syang tumatawa ngayon,Pero agad din itong napalitan ng galit umalis muna sya saglit at bumalik na may dalang kahoy.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko habang dinaramdam ang mga hampas sakin ni Mama,Hindi ko maramdaman ang hampas ng kahoy sakin ni Mama kundi ang sakit na nararadaman ko ngayon dahil sa ginagawa nya sakin na parang kinalimutan na talaga nya ang lahat yung droga at pera nalang talaga ang mahalaga sakanya..Nawawalan na ako nag pag asa na hindi na talaga magbabago si Mama.

"Cheska!Anong ginagawa mo sa Bata!" Napamulat ako ng biglang dating ni Tita Lira ang panganay na kapatid ni Papa.

Close sila ni Mama pero nang marinig ni Tita Lira ang mga balita na nagbebenta at gumagamit din ng droga si Mama ay hindi sya makapaniwala,Gusto nya kaming kunin pero ayaw ni Mama.

"Lira bitawan moko!Kailangan nyang parusahan dahil ang bastos na ng bibig nyan!Sana sya nalang ang namatay--"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa muka ni Mama na ikinagulat ko,Galit na galit si Tita Lira parang hindi na sya yung Tita na masiyahin at madaldal.Mukang natauhan naman si Mama dahil dun.

"A-anak p-pasensya na okay lang ba?Masakit ba?" Gulat akong napatingin kay Mama na ngayon ay parang concern na sakin.

"Umalis ka.." Walang emosyon na saad ni Tita Lira.Hindi nakinig si Mama at patuloy parin sa paghaplos sakin.

Si Mama naba toh?Nakikita kona ang dating sya ngayon totoo ba toh?

"Aalis ka o tatawag ako ng pulis!" Sigaw ni Tita Lira na ikinabigla ni Mama.

"O-oo aalis na,Sorry anak ha.." Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Mama.

"Czereena.." Tawag sakin ni Tita Lira na ngayon ay umiiyak na,Parehas talaga kami na iyakin.

"Tita.." Tawag ko at humagulgol na nang iyak,Agad nya akong niyakap na miss ko sya.

"Shh..I'm here na,Pupunta tayo sa puntod ng Papa mo okay?Asan si Heirra?Dun tayo kakain may cake akong binili diba Birthday mo?Ang laki muna.." Tumango ako sa sinabi ni Tita Lira,Ang bait talaga nya simula ng nawala si Papa lagi na syang nanjan sa tabi namin,Pero nawala lang ngayon dahil busy narin sya pero nandito na sya ngayon gusto kona sumama sakanya.

"S-sorry..h-hindi ko alam na ginagawa yun sayo ng Mama mo..I'm sorry Czereena..H-hindi mo dapat toh nararanasan.." Umiiyak nyang saad.

"I'm okay now Tita anjan kana po e.." Umalis sya sa pagkayakap sakin at hinaplos ang muka ko,Dahil sa ginawa nya napapikit ako.

"Tahan na anak baka makita tayo ni Heirra,Ayaw mo pa naman syang malungkot pagnakita ka nyang ganito." Napangiti nalang ako dahil alam parin talaga ni Tita Lira yun madalas kase akong nag kwe-kwento sakanya noon kala ko nakalimutan na nya.

"I have a gift for you..Suotin mo yun ha?Pink dress yun." Nakangiti nyang saad.

"But..i hate dress Tita.." Sabay nguso ko.

"Hindi pwede Czereena.." Parang bata nyang saad,Kaya napatawa ako.

"Opo.." Agad nyang ginulo ang buhok ko.

"Ang laki mo na talaga,Siguro kung nabubuhay lang Papa mo masaya sya para sayo st proud na proud pa." Napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Tita Lira.

"I..i miss Papa na po.." Sabay tulo ulit ng luha ko,Napatingala naman si Tita Lira dahil naiiyak na din sya.

"Me too,But we need to be strong.." Tumango ako ng dahan-dahan at niyakap nya ulit ako ng mahigpit.

May nanay nga kami na ganun,Pero may Tita naman kami na handang maging pangalawang ina para samin.

That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon