"Ang tagal naman ni Heirra" Inip na sambit ni Tita Lira.
"Kasama daw po nya kaibigan nya e" Biglang humarap sakin si Tita Lira,Ang puti at parang bata parin talaga sya kahit may asawa na di nga lang nagkaroon ng anak.
"Ikaw may kaibigan kaba?" Tanong nya at napaisip naman ako.
May kaibigan ba ako?Si Chester kaibigan kona din ba sya?Hindi ko alam pero yung pakikitungo nya sakin ay Oo.
"Opo" Sabay tipid na ngiti ko.
"Oh bat namumula pisngi mo?Czereena?" Nakakalokong ngumiti sakin si Tita Lira.
"Luh kaibigan ko lang po si Chester noh,Sya din po ang tumatanggol sakin pag inaaway ako sa school,Sya din po ang nagpapasaya sakin."
"Muka nga..Kase tingnan mo kwento mo palang halatang masaya kana pero nakikita ko masaya ka lang talaga sakanya..Pero sino yung nagpabihag ng puso mo?" Napailing nalang ako sa tanong ni Tita Lira,Dami namang alam ni Tita na miss ko din sya ka kwentuhan.
"Is that Heirra?" Sabay turo ni Tita Lira sa nakatigil na jeep,Kaya dahan-dahan akong tumango.
"Ang laki nyo na talaga" Sabay simangot ni Tita,Maya-maya pa ay pumasok na si Astrid.
"Kyahh!Tita Lira i miss you!" Tili ni Astrid sabay hug kay Tita Lira.
"I miss you more Heirra.." Sabay hug ni Tita pabalik.
"Oh my gosh!Is that you Ate Vien?" Gulat na sambit ni Astrid sakin,Naka suot ako ng off shoulder pink dress na binigay ni Tita Lira naiilang nga ako kase kailangan talaga kita yung dibdib hays,Napairap nalang ako dahil di nya alam na Birthday ko hmp!
"Ate diko nakalimutan Birthday mo!Kaya nga ako wala kase bumili ako ng cake eh..Sorry na..Happy Birthday Ate Vien and I love you!" Sabay hug nya sakin.
"Thank you Astrid" Sabay hug ko sakanya pabalik,Napabitaw lang kami ng biglang may nag flash na ilaw samin.
"Tita!" Sabay naming sigaw ni Astrid,Tumawa naman si Tita Lira sa naging reaksyon namin.
"Look oh ang kyutt nyo kaya!" Agad naman akong napangiti,Ang kyutt nga.
"Let's go?" Tanong samin ni Tita,At agad naman kaming tumango.
"Papunta na kami Pa!" Sigaw ni Astrid sa loob ng sasakyan.
Hapon na nang makarating kami sa sementeryo dahil bumili pa kami ng bulaklak,kandila,at mga pagkain namin.
Bumaba ang tingin ko sa puntod ni Papa na nililinis na ngayon ni Tita Lira,Pagkatapos nyang linisan ay nilagay na nya ang puting bulaklak na binili namin kanina,At sunod namin sinindihan ang kandila.
"Charlie.." Tawag ni Tita Lira sa pangalan ni Papa.
"Kasama kona ang anak mo..Pasensya na pero mukang diko na sila ibabalik sa asawa mo,Ayokong mahirapan sila lalong lalo si Czereena.." Bigla naman napatingin sakin si Astrid na takang taka sa sinabi ni Tita Lira,Nag kibit balikat nalang ako kahit alam ko ang tinutukoy ni Tita.
"Ang laki na ng mga anak mo.." Bigla naman nasira ang boses ni Tita at alam kong umiiyak na sya ngayon,Napatingin naman ako sa taas dahil naiiyak nadin ako.
"Ang laki na nila pero alam kong baby mo parin sila..Hinding-hindi ko papabayaan ang mga anak mo bunso pangako yan" Umiiyak na sambit ni Tita Lira,Bigla naman akong niyakap ni Astrid naikinagulat ko.
"P-papa.." Hagulgol na iyak ni Astrid sakin,Mukang dina natiis ni Astrid ang di umiyak.
"Shhh..Papa is happy now Astrid" Pag-aalo ko kay Astrid.
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomanceThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...