~Escaping A Serial Killer
One Shot Story
Word Count: 2552
!! TRIGGER WARNING: BLOOD !!
“Rica, aalis na kami. May pagkain sa baba, initin mo na lang.” Rinig kong sambit ng ama ko mula sa labas.
Kinusot ko ang mata ko bago sumagot, “Opo, ba-bye! Ingat!” Tsaka ko narinig ang mga yapak papaalis.
Wala kaming pasok ngayon dahil Sabado, kaya late na rin ako gumising.
Maya-maya pa ay napag-desisyunan ko ng bumangon. Kinuha ko ang telepono kong nakapatong lang sa gilid ng kama ko. Tinignan ko iyon.
May tatlong mensahe mula sa magkakaibang numero.
Mommy:
Wala si manang ngayon at birthday daw ng apo niya. Will you be fine alone? O papuntahin ko mga pinsan mo?
Napangiti ako at nag-reply.
Me:
no prob my, kaya ko naman mag isa
Hindi ko na hinintay pa ang reply ni Mommy dahil alam kong nasa trabaho na siya. Tinignan ko ang iba.
Beki:
Nay, pakopya sa math plss
Mahina akong napatawa at ngumiwi pagkabasa sa message niya. Iiling-iling akong nag-reply.
Me:
good morning din bakla
Nakakatawa dahil nagawa niya pang magpa-load para lang maitext ako.
Tinignan ko pa ang isa. Mula rin ito sa kaibigan ko.
Merly:
Good morning nay! Tapos ka na ba sa act natin sa PE?
I smiled at her message. Alam ko na kung saan patungo ito pero kahit ganoon ay hindi ako nakaramdam ng inis. I love the way of how she asks me about our activities.
Me:
good morning merls! tapos na, ikaw?
Ngumiti ako matapos isend. Pinatay ko muna ang telepono ko at hindi na naghintay sa mga reply nila.
Tuluyan akong tumayo tsaka nag-inat.
Buti na lang talaga at tinapos ko na ang mga gawain ko. Puro pahinga lang ang gagawin ko ngayon.
Lumabas ako ng kwarto ko. Agad akong binalot ng katahimikan.
This would be a perfect day, mag-isa lang ako sa dalawang palapag na bahay na ito. Tahimik pero sa tingin ko ay hindi naman ako mabo-bored. As long as I have my phone with me.
Bumaba ako ng kwarto ko at dumeretso sa kusina.
Totoo ngang wala si manang ngayon.
Pumunta ako sa may lababo at naghilamos. Pagkatapos ay agad akong kumuha ng pandesal na nasa lamesa at kumain. Tinignan ko rin kung ano ang uulamin ko mamaya.
I can cook, though. But my parents don't let me handle little things much. And I'm fine with it.
Biglang tumunog ang telepono kong nasa lamesa hudyat na may mensahe doon. Kinuha ko iyon at binasa.
Merly:
Hindi pa nga eh
Me:
turo ko sayo
YOU ARE READING
Escaping A Serial Killer | One Shot Story
HorrorIn a completely normal day, a stranger came and ask for food. But unbeknownst to her, that was not the only thing he wanted.