Chapter 27

1.7K 48 2
                                    

Chapter 27




"Tiarra!" malakas kong sigaw.

Hindi ako makalapit sa kanya dahil sa nakatali pa rin ako hanggang ngayon.

"Try to come here, Christine. Ngayon mo tingnan ang nakakaawang si Tiarra."

Sa may bandang balikat natamaan si Tiarra. At bakas sa mukha nito ang sakit.

Matalim kong tiningnan si Hannah. "Pakawalan mo na sya, Hanah! Ako ang gusto mo diba? Ako nalang, 'wag mo ng idamay si Tiarra! G-gusto mo ng mawala ako, 'di ba? Bakit hindi mo ngayon gawin?"

"Because I want you to see how this woman suffers! Don't worry, Christine. Ikaw naman mamaya, 'wag kang atat!"

Dahan-dahan syang naglakad palayo at tinutukan ng baril si Tiarra. "But what if, unahin kita?" sa akin naman ngayon.

"H-hannah, 'wag si ate---"

"Tumahimik ka!" pinihit na nya ang gatilyo ng baril, napapikit nalang ako nang marinig ang malakas na putok ng baril.

Ngunit ilang minuto na ang lumipas, wala akong naramdamang sakit. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, nakita ko sa may likuran ni Hannah si Celestine. May dala itong baril at nanatiling nakatutok sa likuran ni Hannah, kasabay ng dahan-dahang pagkaluhod nito sa semento.

"C-celestine,"

THIRD PERSON'S POV.

napaluhod si Hannah sa sahig dahil sa matinding sakit na naramdaman. Natamaan ito sa likuran ng kanyang tuhod.

Nilingon nya kung sino ang nagpapaputok sa kanya. Ngunit hindi nito inaasahang si Celestine ang makita nya.

"C-celestine,"

"I already tell you, Hannah. 'wag mo ng gawin muli ang ganito. I warned you, but you didn't listen to me."

"Celestine, y-you are my bestfriend."

"And that girl is my sister in law, and her son is my nephew. Binigyan na kita ng pagkakataon, limang taon para makuha mo si Dustin, but what will you do? Sinayang mo. Now, you can't separate them because I'm the one you can fight."

Nagsilandasan ang luha sa pisnge ni Hannah. She can't believe that this time comes. Palagi nalang syang natatalo sa lahat ng bagay. Kahit minsan, hindi pumanig sa kanya ang mundo.

"I just want Dustin to love me, I just want him to come back to me. Pero, hindi ko magawa! C-celestine, you know h-how much I love your brother."

"But we can't change the fact na si Christine ang minahal nya, let's just move on Celestine. Nagawa mo na ang lahat, pakawalan mo na ang mag-asawa ngayon."

Sunod-sunod na umiling si Hannah, ngunit napatigil sya nang makitang paparating si Kristina. Ang Ina ni Dustin, ngunit imbes na sa kanya lalapit, kay Christine ito dumeretso at tinanggalan ng tali sa mga kamay.

Inilibot nya ang paningin sa buong paligid. Pakiramdam ni Hannah pinagtaksilan sya ng lahat. May dumating na pulis, marahan syang pinapatayo.

"Aray! Dahan-dahan naman, m-my legs. I-its hurts!" reklamo nito. "C-call my d-dad, i-i want h-him."

Ang daddy lang nya ang totoong nagmamahal sa kanya. Dahil simula't sapol, sinuportahan siya nito sa mga gusto nya. At ngayon, Isa nalang ang gusto niya. Ang mayakap ang ama, ayaw man nyang malayo sa ama ngunit kailangan nya dahil alam naman nito sa sariling may kailangan syang pagbabayaran.

'Im sorry, dad! But thank you for understanding me. Even if I'm hardheaded. I-im so sorry, my daddy.'

SAMANTALANG si Christine naman, hindi pa rin matingnan sa mata ng deretso ang ginang. Presko pa sa alaala nya ang ginawa nitong pang-iinsulto sa kanya. At si Tiarra, dinala na agad ito sa hospital dahil kailangang magamot agad dahil sa sugat nito. Pero kahit na bakas sa mukha ang sakit, paulit-ulit pa rin itong humingi ng tawad kay Christine.

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon