Let me move on

19 17 1
                                    

Let me move one.

Tatlong buwan na ang lumipas, sa tatlong buwan na 'yon ay nag pa kasaya ako, nagawa ko ang mga di ko nagagawa dahil lagi nya'kong pinapagalitan sa mga gawaing gusto ko.

Ngayong araw naramdaman ko nalang bigla ang sakit, mga ala-alang gusto kong ibalik, hindi lang pala pati ang ala-ala pati rin ang taong dati kong minahal at minamahal parin hanggang ngayon.

Ngayon nalaman kong mahal ko pa sya, hindi. hindi naman nawala ang pag mamahal ko sa'kanya, kinalimutan ko lang ang lahat ng sakit at naging masaya.

"Mahal ko kailan ka uli mapapasakin?" tanging nabulong ko sa hangin. Dahan dahan lumalandas ang mga luha ko habang binabasa ang ka'y sayang pag uusap naming dalawa noon.

"Cally! Tama na! Tama na!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko, Ang kuya ko.

Nagulat ako nang siya'y lumapit at hinablot ang aking telepono, mga masasaya naming ala-ala ay kanyang binura na nag palakas ng aking hikbi't pag tulo ng kay bilis ng aking luha na nag sasabing nasaktan ako.

Nasasaktan ako dahil hindi ko sya kayang kalimutan at di ako gumawa ng paraan na magkasama muli kaming dalawa nung maaga pa.

-

"Cally!?" isa nanamang malakas na sigaw, hawak kong kutsilyo'y nabitawan, mga dugo ko'y pumapatak sa sahig kung saan ako nakatapak.

"Cally maawa ka naman sa sarili mo!" marahas niya kong tinulak.
"cally tigilan mo na!" saad niyang muli at niyakap ako.

"Bawal bang mahalin ko uli sya?" bulong ko na mas lalong nagpa labas ng luha kong puno ng sakit.
"Bakit ang hirap mong kalimutan rai?! Bakit ang hirap?!" malakas kong sigaw bago mawalan ng malay.

Sana sa aking pagpikit ika'y nasa aking tabi na.

Let me move onWhere stories live. Discover now