Kabanata 24
IVLER could feel how heavy the atmosphere is around their house when he and Linus went in. Nakatayo ang kanyang ama habang nakatiklop ang mga braso, ang mukha ang halos hindi na talaga maipinta dala ng nakarating sa mga itong balita.
He wasn't surprise, though. He just... expected them to be at least more open-minded because he's family and he did everything he can to make them proud.
Hindi pa sila kaagad napansin ni Azul kung hindi ito tinapik ng asawang si Zaskia. Nang mabaling ang tingin ng kanyang daddy sa direksyon nila ni Linus, nakita niya kung papaano itong humugot ng matalim na hininga bago nagsalita sa tila hirap na tinig.
"I-Is it true that... you're in a... relationship?"
Ivler readied himself before he simply nodded. Iyon pa lamang ang nagiging tugon niya ay nawalan na ng lakas ang mga tuhod ng kanyang daddy. Muntik na itong matumba kung hindi naalalayan ng asawa na impit pang napatili sa gulat.
Sinubukang tumulong ni Ivler sa pag-alalay sa daddy niya ngunit hinawi siya nito na tila ba nandidiri sa kanya. Sumikip ang dibdib niya sa ginawa nito ngunit sa totoo lang ay matagal naman nang inaasahan ni Ivler na hindi magiging madali para sa pamilya niya ang lahat, lalo na para sa daddy niya.
Napahagod ito ng palad sa dibdib nang tuluyang makaupo kaya lalong ninerboys ang mommy niya.
"Manang! Pahingi ng tubig!"
Ivler's eyes soften when his dad dodged his gaze and looked at Linus as if he's disgusted with the both of them. Masakit para sa kanya bilang anak, ngunit mas masasaktan siya kung si Linus ang mas pandidirian ng pamilya niya.
Napatanong tuloy si Ivler sa kanyang isip. Bakit ang sarili pang mga kadugo ang madalas na hindi makatanggap sa mga tulad nila? Hindi ba ay kapag mahal mo ang isang tao, susuportahan mo siya sa kung anong makapagpapasaya sa kanya? Then why are there people like his own dad who seemed to hate his son's choices?
His mother looked at him and Linus before she sighed. "Sige na umupo muna kayo at mag-uusap tayo. Diyos ko, anak saan ba kami nagkulang ng daddy mo?"
Kumirot ang puso ni Ivler lalo nang makita kung papaanong yumuko si Linus sa hiya sa mommy niya. He knows Linus doesn't really care about himself, but Linus is clearly worried their relationship will affect his bond with his family. Lalo na ngayong ganito ang reaksyon ng parents niya.
He took in a sharp sigh then told Linus to sit. Nang makaupo sila sa sofa at nagtabi, napaigting ng panga ang kanyang ama na katatapos lamang uminom ng tubig.
"Kumalma ka, Azul. Hayaan mong magpaliwanag bago ka magalit," paalala ng kanyang ina.
His dad sighed. Hinagod nito ang mga palad sa magkabilang hita bago pinagsalikop ang mga palad, ang magkabilang siko ay sumangkal sa mga tuhod nito. "How did this happened?" Lumamig ang titig nito sa kanya. "Pinalaki ka namin nang maayos tapos ito ang igaganti mo, Ivler? Saan ako nagkulang sayo?"
Napalunok siya nang may namuong bara sa kanyang lalamunan. Nang ibubuka niya na ang bibig niya ay naunahan siya ni Linus.
"It's my fault, Sir."
Napabaling siya sa nobyo na matalim ding tinitigan ng kanyang ama, ngunit sa kabila ng galit na nakapinta sa mukha ng daddy niya ay hindi umiwas ng tingin si Linus.
His dad's eyes sharpened. "I'm not asking you."
"Daddy, please." He sighed. "Huwag niyo naman hong bastusin-"
"Why, Ivler? Did you even respect me when you decided to be..." His dad's teeth gritted. "I couldn't even say the fucking word!"
"Azul!" sita ng kanyang mommy.
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomantizmWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...