Chapter 41

556 41 8
                                    

"Aalis ka na, Miss Nerium?"

Tumango si Yazafra kay Gideon. "Yes. Something came up."

Matapos siyang samahan ni Andros sa pag-empake ay dumiretso sila sa tahanan ng mga Rodrigo. Madilim na ang paligid nang makarating sila rito.

"Kung ganon, tara na at mag-usap ng pribado." Tumungo silang tatlo sa isang opisina.

Habang nagbibigay ng instruksiyon si Yaza kay Gideon, si Andros ay nakaupo lamang sa single leather sofa. Naka-upo ito na tila 'Don.' Ang paa ay naka-krus at ang kanang kamay ay nakapatong sa gilid ng upuan habang nakasandal ng husto ang likod. Siya rin ay tahimik lamang at nag-iisip.

'I don't understand the words they are saying but I know that my eyes will  look for her tomorrow. I won't be able to see her again...?' Tumaas na lamang ang kanyang mga mata nang tumayo na sina Yaza at Gideon. Bumaling sa kanya ang dalawa.

"Andros, patungo na raw sa airport ang mga kasamahan ni Miss Nerium. Ihahatid ko na siya," kaswal na sabi ni Gideon.

Tumayo naman agad si Andros. "Ako na."

Nagkatinginan sina Gideon at Yaza dahil hindi ito maaaring maiwan mag-isa pabalik.

Nagkibit-balikat na lamang si Gideon. "Sige. Ngunit kailangan na kasama rin ako."

Tumungo sila ng airport na si Andros ang nagmaneho. Tahimik ang biyahe at si Gideon ay nakaupo at nakatulog na sa likod ng kotse.

Nanibago si Yaza sa katahimikan ng binatang Rodrigo sapagka't kadalasan ay hindi ito tumitigil sa pananalita.

Hanggang sa makarating sila sa kanilang patutunguhan ay hindi ito umimik. Lumabas sila ng kotse at pumasok sa loob ng airport. Hawak ngayon ni Andros ang ilang luggage ng babae habang si Gideon ay itinungo ang kotse sa parking lot.

"I can take it from here." Kinuha ni Yaza ang bagahe mula kay Andros at hinarap ito. Umiwas naman agad ng tingin ang lalaki sa biglang pagkailang.

Naghintay si Yaza nang sasabihin nito pero nanatili itong tahimik kaya't siya na ang nagsalita.

"Umm. I guess this is it. It was nice meeting you Mr. Andros Rodrigo." Inilahad niya ang kanyang kamay. Nahulog naman doon ang tingin ng lalaki.

Doon sinalubong ni Andros ang tingin ni Yaza. Wala na ang pagkailang nito. Seryosong mga mata ngayon ang nakatingin sa babae.

Bahagya munang ngumiti si Andros. Maya-maya ay lumawak na ang ngiti nito at napayuko bago ibinalik ang tingin kay Nerium at nakipagkamay sa huli.

He squeezed her hand gently after.
"It was nice meeting you too, mi futura esposa."

Bahagyang napangiti rin si Yaza. "Stay alive."






[LOCATION: FORMER AGENTS HEADQUARTERS]

Sabay na nakarating ang mga Venenatus at Volkovs sa harap ng lumang headquarters. Bumaba sila ng kani-kanilang gamit na kotse.

Tinanguan ni Vii si Yaza na sinagot din ng huli.

"I can sense Ferocious's rage," pabulong na komento ni DK habang papasok pa lamang sila dahil sa iritadong postura ni Vii. Kasunod ng huli ang ibang Volkovs.

"What do you expect? She just figured out we were sent away on purpose for a revenge mission that shouldn't have taken place," saad ni Mentos.

"Should we slow down? Sigurado akong papagalitan pa niya ang mga Pythons at si Mr. Volcov," nakangiwing komento ni Yusue.

"Shhh," pagpapatahimik sa kanila ni Kano.

"That's good then. They deserve the scolding of the highest ranking agent," walang emosyong saad din ni Yazafra. Bumaling sa kanya ang apat at siya naman ay pinag-krus ang mga kamay at naunang lumakad.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon