Chapter Two

140 3 0
                                    

(Felix's POV)

 Bumalikwas ako ng bangon.... Si Jamie... Napanaginipan ko nanaman siya... Tumingin ako sa bintana... Umaga na pala....

   Pero teka... Paano ako napunta sa kwarto ko eh kanina lang nasa bar kami ng mga kaibigan ko... Nakisayaw pa nga ako kasama ang mga babae roon...

  Narinig ko ang paglangitngit ng pinto... Si mommy pala... Nakasimangot siyang nakatingin sa akin...

"My son, where have you been last night?" tanong niya sakin. She's expecting I will tell a lie.

"A-aaah.." bakit ang salitang iyon ang lumabas sa bibig ko.  I was suppose to tell the truth.

"You went to the bar last night and you drunk?" dagdag pa niya. Alam niya pala eh bakit kailangan pa niyang tanungin sakin. Si mommy talaga oh.

"Mom, I just did it to--"

"Diba I told you huwag ka ng pumunta sa bar, at ngayon, uminom ka pa at nakisayaw ka pa sa mga babae roon." sumbat niya sakin. "And Hanson told me na nakailang bote ka ng wine at ng sumasayaw ka sa mga babae roon nakipaghalikan ka sa isang babae na may syota raw."

"May syota..." napaisip ako. Oo naalala ko na, yung babaeng akala ko si Jamie, sa isip-isip ko noon na bumalik na siya ay pinaghahagkan-hagkan ko yung babae na iyon, hanggang sa naramdaman kong may sumuntok sakin bago nagdilim ang lahat.

"Mom, I just did it to forget Jamie, hindi siya mawala sa isip ko matapos ang ginawa niya at hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. At lahat kami nakainom ng wine. Hindi lang ako." katwiran ko.

"But they don't smell bad unlike yours." sagot niya sakin. "There are so many ways to forget about Jamie my son. At hindi iyan ang paraan para makalimutan mo siya."

"I understand kung bakit ka nagkakaganyan, I know hindi ka pa rin maka-get over kay Jamie. Galit ako sa ginawa niya sayo. Pinagkatiwalaan natin siya at ang pamilya niya. But what did she did right." dagdag pa niya. Hindi ko akalaing maririnig ko iyan sa mama ko kahit hindi kami close.

"Son, ayokong mapariwara ang buhay mo. All you need to do is to forget her. There are two ways to forget her, huwag ka munang magmahal o magmahal ka muli."

That's all what she said and walk out of the door.

Inamoy ko nga ang sarili ko... Hmmmp..  Grabe amoy alak nga talaga ako. Mga ilang beses ba ako uminom ng alak at ang sabi pa ni mama sina Hanson hindi ganito ang amoy ng katulad ng amoy ko.... Teka o.O... Bakit nagkaganoon eh tig-iisa kami ng alak eh naka-ilang inom rin sila... Ano ba talaga bakit nagkaganon??? Ah... Alam ko na, whether ako ang pinakamaraming nainom sa kanila dahil sa sakit na nararamdaman ko o sinadya nila talagang huwag magpakalasing para ako lang ang malasing.... Di bale sa susunod hindi na ako pupunta muli sa bar... Sa iba na lang...

Tiningnan ko ang sarili ko, naka-sundo at boxer shorts ako... Ano ba tong mga tropa ko... Talagang pagkatapos nila akong ihiga sa kama talagang hinubaran pa ako... Hinubaran?? Oo hinubaran ng uniform kasama na pantalon... Kaya eto naka-sundo at boxer shorts lang.. (Excuse sa mga green-minded diyan.).

Napatingin ako sa isang maliit na papel... Letter form siguro kaya kinuha ko at tiningnan... Amp.. CAT Training pala namin ngayon... Napatingin ako sa orasan... 10:30 am na... Eh anong oras ang dismissal namin pag CAT... 10:30 am... Which means tapos na CAT Training namin ngayon... Sayang yung binili kong CAT cap, CAT pin tsaka garrison belt... Di bale babawi na lang ako next Saturday...

Tumayo ako mula sa kama at tumungo sa banyo para maligo... Hay sarap-sarap ng tubig sa katawan ko... Katamtaman na lamig.... -.- Gusto ko ng mawala ang amoy ng alak sa katawan ko...

My Nerdy Girlfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon