Dahan dahan kong inimulat ang mata ko. Masakit ang mga katawan ko at pakiramdam ko namamanhid ito.
Napatingin ako sa paligid. Puro puti ang mga dingding. Nasan ako?
Sa gilid ko ay may isang lalaki na nakayuko sa kamay ko at mahimbing na natutulog. It was Isaac.
Naramdaman nya ata ang pag galaw ko kaya umangat ang tingin nya. Agad nya akong niyakap ng makita akong gising na. "God, thank you you're awake." Bulong nya.
Yumakap naman ako pabalik. "Nasan ba tayo?" Tanong ko. Kumalas sya sa pagkakayakap at hinarap ako. "Hospital." Simpleng sagot nya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Tito at Ate Jemalli. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Tito habang pinagmamasdan ako.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hinawi ko yung kumot na nakapalibot sa akin at tinignan ang legs ko. May tahi na ito.
Tangina. Yung maganda kong legs magkakapeklat na!
"Don't worry, may ilalagay ako dyan pag magaling kana para hindi ka magkapeklat." Nakangiting sabi ni Ate Jem. Tumango nalang ako.
Kilalang kilala nya talaga ako.
Tumingin ako sa paligid. "Ano bang nangyare? Asan din si Papa?" Tanong ko.
"May dumating na ambulansya sa village natin, at sigaw ng sigaw si Aleng kaya lumabas kami ng bahay ni Papa. Sinabi nya sa amin na nakita ka nyang ganyan na ang itsura. Pinacheck ni Papa yung cctv sa Village natin at nakita namin ang lahat, Leei." Si Ate ang sumagot.
"Asan si Papa?" Tanong ko ulit.
Ganito na ang kalagayan ko at hindi manlang ba sya mag aalala? Hindi manlang ba nya ako kakamustahin?
Kahit dalaw lang.
"Hinahanap nya ngayon ang mga gumawa sa iyo nyan." Sagot ni Tito kaya nag angat ako ng tingin.
Baka mapatay nya iyon? Ganun pa naman si Papa kapag naputol na ang pasensya nya. Wala na syang pake sa kalalagyan nya basta mailabas lang ang galit na nararamdaman nya.
"Ilang oras ba akong natulog, Ate?" Tanong ko. Kumunot ang noo nya. "Anong oras? Isang araw kang tulog tanga.", Sabi nya na nagpalaki ng mata ko.
Huwat?!
"Sabi ng Doctor kaya ka daw nahimatay dahil mahina ang katawan mo, kapag may sakit ka naaapektuhan agad ang katawan mo. Simula ngayon kumain kana ng gulay, okay?" Maingat na ani ni Tito at may inilapag sa lamesa.
Kapag mahina ang katawan gulay talaga ang sagot eh no? Hahaha
"Lalabas lang ako at kakausapin ang doctor. Tatanongin ko din kung kailan ka maaaring lumabas." Paalam ni Tito. Tumayo na din si Ate. "Nakalimutan kong bilhan ka ng mineral water, bibili lang ako." Paalam nya din.
Naiwan kaming dalawa ni Isaac kaya hinarap ko sya. Pinagmamasdan nya lang ako kanina pa habang malalim ang iniisip.
Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi nya ako nginitian pabalik.
Bumuntong hininga sya at lumapit sa tabi ko at niyakap ako. "Huwag ka ng makipag away ulit, Leei. I can't see you like this." Nahihirapang wika nya.
Ramdam kong nasasaktan sya. Niyakap ko din sya pabalik. "Hindi naman ako nakipag away, eh. Hinarang lang nila ako." Nakangusong ani ko.
Hinaplos nya ang buhok ko. "I'm sorry, I wasn't there." Sabi nya. Umiling ako.
"Okay lang yun. Mukhang naabala pa nga ata kita, eh."
Humarap sya sa akin. "Gabi na nung nakauwi kami sa bahay at nabalitaan namin ang nangyare, I went straight to the hospital because I was worried about you." Nag aalalang ani nya.
"Hindi ka pa natutulog? Hindi pa ka din umuuwi sa bahay ninyo? 8pm na ngayon, ah?" Sunod sunod na tanong ko.
"My Mom came here earlier and brought me clothes."
Nanlaki ang mata ko. "Hindi ka din pumasok? Monday na Monday, ah?"
Hinalikan nya ako sa kamay. "No, I was worried about you that I don't want to go anywhere." Napangiti ako.
"Umuwi ka na ngayon at pumasok bukas. Okay naman na ako. Ayokong umabsent ka ng dahil sa akin, Isaac." Seryosong sabi ko.
Alam ko kase kung gaano kailangan si Isaac sa school at lalong lalo na sa room nila. President sya ng section 1 at hindi pwedeng umabsent absent sya.
Bumalik si Tito dito kasama ang doctor at sinabing pwede na akong umuwi bukas. Binayaran na din ni Tito ang ginastos sa ospital.
Pinauwi ko na din si Isaac kase nga may pasok pa bukas. Si Ate naman ay umuwi na din dahil hindi din sya pwedeng umabsent.
12am na at gising pa din ako, nakahiga sa sunod sunod na upuan si Tito at binabantayan ako.
Dumating din kanina si Papa pagkaalis nila Ate at Isaac kaso umalis din dahil kakausapin nya daw si Mama. Buti nalang at umalis sya dahil away sila ng away ni Tito Nathan.
Hindi ko alam bakit ganyan sila, laging nag babardagulan.
KINABUKASAN ay nandito pa din ako sa ospital, nakauwi nalang galing si Isaac sa school ay nandito pa din ako. Hindi naman sinabi ng doctor na bukas ng gabi pa pala ako uuwi. Kainis.
"Nababagot ka na ba?" Natatawang tanong ni Isaac ng makita ang mukha ko. Dumaretso agad sya dito pag kauwi nya sa school.
"Gusto mong kumanta ako, Isaac?" Nakangiting tanong ko. Tumango naman sya. "Abot mo nga yung gitara ni Ate Jem." Utos ko.
Kinuha naman nya iyon at binigay sa akin.
~When I was younger I saw my Daddy cry and cursed at the wind he broke his own heart and I watched as he tried to reassemble it
~And my Momma swore that she would never let her self forget, and that was the day that I promised, I'd never sing of love if it does not exist
Tumingin ako kay Isaac habang kinakanta iyon. Pinagmamasdan nya lang din naman ako ng seryoso.
~But darling you are the only exception, you are the only exception ×3
~Maybe I know somewhere deep in my soul, that love never last, and we've got to find other ways to make it alone, but keep a straight face
Hindi ko inaakala talaga na darating ako sa punto na makakahanap ako ng lalaking ipaparamdam sa akin na mahalaga ako.
Ngayon ko lang naramdaman ito, na mahalin ako. At hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ko si Isaac.
~And I always lived like this, keeping a comfortable distance, and up until now I had sworn to my self that I'm content with loneliness
Lumaki akong ramdam ko na nag iisa lang ako. Maaga akong iniwan ni Mama, si Papa naman ay kasama ko nga ngunit pakiramdam ko malayo sya sa akin.
Nag iisa lang ako, not until dumating sya. Pinaramdam nya sa akin ang gusto kong maramdaman. Pinaramdam nya ang hinahanap ko na isang bagay na hindi ko mahanap sa iba.
At iyon ay ang pagmamahal.
~Because none of it was ever worth the risk for. Well you are the only exception, you are the only exception
Sa tingin ko...
Sa tingin ko mahal ko na din si Isaac. At natatakot ako na mawala sya sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomanceHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...