A/N: You should read "Innocent Tides" to know who Phiam is.
Kabanata 28
AMNESIA. Tama nga ang hinala nilang lahat na amnesia ang kundisyon ni Linus. Ang bagay na pinakakinatatakutan ni Ivler dahil ibig sabihin ay maaaring kasama ng nawalang mga alaala ni Linus ay ang pagmamahal nito para kay Ivler.
Takot na takot si Ivler, ngunit gaya ng sinabi sa kanya ni Ae, siya lamang din ang makakatulong kay Linus na maalala siya nitong muli. Kung pati siya ay panghihinaan na ng loob, wala nang mangyayari.
Hindi rin naman nila pwedeng pwersahin si Linus na makaalala dahil baka mamaya ay mayroong pumutok na ugat sa ulo nito na pwede nitong ikamatay kaya kahit ang sakit-sakit sa kalooban ni Ivler na makita kung gaano kalamig ang tingin sa kanya ni Linus, pilit niyang tinatatagan ang kapit sa mga pangako nila sa isa't isa.
Buhat ang mga pagkaing siya mismo ang naghanda sa tulong ng ina ni Linus, humugot ng malalim na hininga si Ivler bago niya itinulak ang pinto.
Naabutan niya siya Linus na nakatitig sa kisame na tila pinipilit mag-isip. Nang marinig nito ang pagbukas-sara ng pinto ay bumaling ito sa kanya kaya alam ni Ivler na kailangan niyang ihandang muli ang kanyang sarili... dahil isang bagay na pinakaproblema nila ngayon ay ang iritasyong nadarama ni Linus para sa kanya.
Ang sabi ng mga doktor, epekto iyon ng malaking impact niya kay Linus. He might also be the last person Linus was thinking before his memories were erased. Hindi niya tuloy alam ang mararamdaman dahil sa balitang iyon.
He triggers something in Linus that puts Linus in a bad mood whenever he's around that's why they already warned him that he's gonna need a lot of patience to handle Linus. Normal daw iyon ayon kay Silver dahil malaki ang emotional investment sa kanya ni Linus kaya kahit gusto niyang magmukmok na lamang, piniling magtiis ni Ivler kahit napakasama ng pakikitungo ni Linus sa kanya.
Gusto niya tuloy matawa. Sa kanilang dalawa ni Linus, siya itong may mas maikling pasensya at saksakan ng sungit pero bumaliktad ang sitwasyon at siya ang dapat maging mas pasensyoso ngayon.
Lumunok siya at dumiretso muna sa mesa, iniiwasan ang masungit na tingin ni Linus sa kanya. Siguradong tatanungin na naman siya nito kung bakit nandoon siya kahit sinabi na nito sa kapatid na iritable ito tuwing nasa paligid siya.
Nang mailapag niya ang mga pagkain sa mesa, humugot siya ng malalim na hininga at pekeng ngumiti bago ito hinarap, ngunit pabuka pa lamang ang kanyang mga labi ay inunahan na siya nito.
"Bakit nandito ka na naman? Didn't I say I'm too irritated with your presence?"
Ivler tried to dodge Linus' sharp gaze. Sumikip ang dibdib niya sa mga salitang binitiwan nito ngunit alam ni Ivler na kung gusto niyang maalala siya ni Linus, kailangan niya itong pagtiisan sa kabila ng magaspang na pakikitungo sa kanya. He knew his Linus will never want him to just give up anyway so he'd just try to prolong his patience for Linus' sake.
Kinuha niya ang monobloc chair at binaliktad, ang kanyang mga braso ay sinangkal niya sa sandalan bago siya sumagot. "Sabi ng doktor pwede ka nang magpagaling sa bahay nina Linel. Susunod sila rito para sunduin ka."
Iniwas nito ang tingin sa kanya ngunit ang iritasyon ay nanatiling nakapinta sa mukha nito. "Si Phiam, gusto kong makita," masungit nitong ani na ang tinutukoy ay ang bata na kasama nitong isinugod sa ospital at mula nang makilala ay kinagiliwan nang husto ni Linus dala marahil ng pangarap nitong magkaroon ng anak.
"He's asleep. Kagagaling ko lang kina Attorney."
Bumuntong hininga ito at nahiga na lamang. Tinakip pa nito ang braso sa mga mata na tila pinararating na huwag niya na itong guluhin. Siguradong lumalala na naman ang iritasyon nito sa kanya kaya halos ayaw na naman siyang makita o makausap. Napabuntong hininga na lamang tuloy si Ivler at hinayaan na ito.
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...