Chapter 30/ EPILOGUE

3.2K 75 10
                                    

Chapter 30/ EPILOGUE




"Y-you still love me? A-are you sure?" nanginginig ang labi kong saad.

Sunod-sunod naman ang ginawa nyang pagtango. Hinampas ko sya dahilan para mapa-aray ito.

"Love? ni-hindi mo nga ako ne-replyan. Nakaya mo ako balewalain ng isang buwan. Paano mo ako mapapaniwala na mahal mo pa rin ako? Pakiramdam ko, may iba kang babae no'ng inakala mong patay ako! Ang totoo, hindi mo talaga ako mahal, Dustin---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang sunggaban ako nito ng malalim na halik. Nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa kasabay ng pagpintig ng malakas ang tibok ng puso ko.

"I love you. I will always love you, Christine." bulong nito matapos ang ginawa nyang paghalik sa'kin.

Hindi pa rin ma-sink in sa isip ko. D-did we just kiss? Hindi, sya lang. Hindi ako gumanti.

"B-bakit mo ginawa 'yon?"

"Where?" maang-maangan nito.

"H-hinalikan mo ako, Dustin!"

"Then? I don't see anything wrong with that. Besides, your my wife!" mas lalong nilapit nya ang upuan sa'kin, tinitigan ako sa mata. "And I can do what I want to do with you now," dugtong nito na ikinatayo ng balahibo ko. Lalo pang nagsitayuan ang mga iyon ng ngumisi sya.

"T-tumigil ka nga, Dustin!"

"It means, I'm forgiven?"

Argh! Ganito na pala ang way ng paghingi ng tawad ngayon?

Inilapit pa nito ang mukha sa'kin. "Makaya mo bang iwan ang gwapong katulad ko, baby?"

Nagpalinga-linga ako. Baka andyan na naman si Jenny, mahirap ng makita nya kami ng ganito.

"Oo na, oo na nga!"

"You don't leave me forever, baby?"

"Aishh! Ang corny mo na, Dustin."

"I love you," muli pa nitong saad.

Namula na lahat-lahat ang pisnge ko, ito pa rin syang todo asar.

"T-thank you for loving me, matutulog na ako."

Kaagad na akong tumayo. "Yon lang?" dismayang tanong nito. "Can I sleep beside you?"

Inirapan ko nalang sya. "Ihanda mo ang sarili mo, pupunta tayo sa abogado ko bukas."

"Baby---"

"Goodnight,"

Nang makarating sa kwarto. Halos habulin ko na ang hininga ko dahil sa kaba. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"Baby, can I?" katok pa ulit ni Dustin.

Pinagbuksan ko naman iyon. Napangiti nalang ako nang makitang may dala na syang kumot at unan.

Nakanguso pa itong nakatingin sa'kin. Sino ba naman ako para tanggihan si Dustin 'diba? Ang bukod tanging lalaking nakakapagpabaliw ng puso ko.

"Sige, basta sa kanan ka lang ni Justine."

"But--"

"No buts, or else, dyan ka sa sofa." pananakot ko pa.

"Okay, fine! Sisiguraduhin ko na talagang magkaayos tayo agad. I really miss you, and your scent--"

"Matulog ka na, Dustin! Dami mong daldal."

Pinatay ko na ang ilaw bago tumabi sa kabilang gilid ni Justine. Niyakap ko iyon, ngunit napatigil ako nang maramdaman ang kamay ni Dustin doon.

"I love you, Christine. Sleep tight, baby."

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon