Kabanata 29
NAKAKUNOT ang noong tumingin sa kanilang lahat si Linus matapos mabalot ng nakabibinging katahimikan ang hapag-kainan dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay nagtataka itong ngumisi sa kanila na tila nawiwirduhan sa kanila. "What's wrong, guys?"
Napahugot ng malalim na hininga si Ivler at nadampot ang kanyang inumin. Sumikip yata bigla ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga dahil sa narinig. Napatingin naman sa kanya ang mag-asawa, halatang nag-alala sa kanya.
Napatikhim si Linel. "Uh, bro kasi hindi—"
"Micah is in Barcelona right now," putol niya kay Linel sa takot na magtaka nang husto si Linus. Baka pilitin pa nitong makaalala at mapahamak kaya tinitigan niya sa mga mata si Linel upang sabihing huwag na nitong ituloy ang nais sabihin.
"Barcelona? Did she get her dream job already?" halatang excited na tanong ni Linus.
Napabuntong hininga si Linel dala ng awa sa kanya. Mayamaya ay bumaling ito sa kapatid at tuluyan nang sumagot. "I... I heard she didn't get the job yet but she's working in Barcelona right now as a freelancer."
"Tawagin mo siya, Linel baka mas mabilis akong gumaling kung kasama ko ang girlfriend ko."
Girlfriend ko...
Dalawang salita lang iyon ngunit para nang nilamutak ang puso ni Ivler, tapos gusto pa nito ay makausap ang taong sabi sa kanya noon ay hinding-hindi sila masisira? The irony makes him want to laugh in frustration.
"Uhm... I'll discuss this with... some people first," alanganing sagot ni Linel na nakapagpakunot muli sa noo ni Linus.
"Bakit kailangan pang i-discuss? Girlfriend ko naman ang ipinapatawag ko at gusto kong makasama habang nagpapagaling. Hindi naman ibang tao. Tsaka kilala naman siya ni mommy at alam ni mommy na may plano kami ni Micah na magpakasal na kapag natapos niya ang pag-aaral niya at nakuha niya na ang dream job niya. If she's in Barcelona right now then that means we're getting closer to our plans to get married."
Tuluyan nang sumikip nang husto ang dibdib ni Ivler kaya bago pa siya maluha habang nasa harap ng pagkainan, tumayo na siya at humugot ng matalim na hininga.
"Excuse me, I suddenly remembered that I have to phone someone."
Mabilis siyang umalis sa dining area at nagtungo sa silid na pinagagamit sa kanya. Nang maisara niya na ang pinto, tuluyang pumatak ang mga luhang pinipigilan niya kanina.
His nightmares are happening... but he didn't expect that the man he loves would be the one to cause it.
At iyon ang pinakamasakit sa lahat...
MABILIS na pinunasan ni Ivler ang kanyang mga luha nang makita na lumabas sa may pool area si Linel. Hindi niya ipinahalatang umiiyak siya dahil alam niyang mag-aalala ang mga ito kaya bago pa man ito makalapit, peke na siyang ngumiti at itinaas ang bote ng alak.
"Sorry, bro. Nakialam na ko." Tumikhim siya nang muntik gumaralgal ang tinig. "Medyo... hindi makatulog kaya kumuha ako ng alak sa mini bar. I'll just replace it tomorrow."
Linel sighed as he sat on the other sun lounger. "Nah, man. It's fine. Pareho nating kailangan 'yan kaya nag-stock din ako nang mas marami." Hinilamos nito ang palad sa mukha saka nito tinungga ang dala nitong alak. "Pagpasensyahan mo na si Linus."
Lumunok siya at pekeng ngumiti. "I'm..." His head bowed as pain clawed his heart. "Totally fine..."
He's not. He's definitely not. After hearing Linus say that he wanted his girlfriend Micah to be by his side, he's absolutely in the pits of despair right now. Pero anong magagawa niya? Si Micah ang naaalala. Si Micah ang kailangan ngayon. Right now, Linus is a straight man who only wants the only girl he's ever loved.
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...