Kabanata 30

12K 498 168
                                    

Kabanata 30

LINUS doesn't understand why he's so irritated with Ivler. Malapitan lang siya nito o mahawakan, may kung ano nang bumubugso sa kanyang damdamin na hindi niya maipaliwanag.

It's too much to handle most of the time. The overwhelming feeling makes his other emotions unstable, as if Ivler is that powerful to shake his ground.

Iyon ang hindi niya maintindihan. Sino ba kasi ito? Hindi niya talaga matandaan at kapag pinipilit niya namang alalahanin, sumasakit lang nang husto ang ulo niya at ibang bagay ang naaalala niya gaya na lang ng relasyon niya kay Micah.

"Ayos lang ba talaga na nasakripisyo mo ang projects mo?" nag-aalala niyang tanong kay Micah matapos nitong sabihing isinuko nito ang dalawang malaking proyekto sa Barcelona makauwi lamang ng Pilipinas at maprotektahan siya. Kung saan siya dapat protektahan ay hindi naman nito kinumpirma.

Ngumiti ito at sinuklay ang mga daliri sa kanyang buhok. "Mas mahalaga ka kaysa sa mga project ko. Sa career ko, Linus."

He doesn't know why but it feels like he'd heard something like that before. Not the exact words but meant the same. Kung si Micah rin ba ng mga salitang iyon ay hindi niya alam.

Mula sa balkonahe ng silid niya kung saan sila nakapwesto ni Micah ay natanaw niya si Ivler na buhat si baby Phiam at tila pinapaarawan ang bata. Ang sabi ng kapatid niya, ang mag-asawa lang daw ang pumirma sa legal papers pero si Ivler talaga ang tatayong ama.

Napapaisip tuloy siya kung sinong ipakikilala nitong nanay. May girlfriend ba ito? Kung wala ay ano'ng plano nito sa pagpapalaki sa bata? Hindi naman pwede na mag-isa lang nitong itataguyod si baby Phiam, hindi ba kaya siguro ay may girlfriend nga ito.

Siguro iyon ang pinupuntahan nito tuwing umaalis...

Hindi maintindihan ni Linus kung bakit nakaramdam siya ng inis sa naisip. Bakit niya naman mamasamain kung may girlfriend nga ito? Hindi ba maganda nga iyon kasi ibig sabihin mali ang una niyang inisip tungkol kay Ivler? Besides, it's impossible for someone as gorgeous and physically fit like Ivler to be single. Look at those biceps, right? Those probably feel good to get wrapped around.

Nahilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. Putangina, kailan mo pa in-appreciate nang gano'n ang katawan ng kapwa mo lalake, Linus? Hindi niya napigilang asik sa sarili sa kanyang isipan. Mukhang tama si Micah nang sabihin nitong dapat niyang layuan si Ivler dahil hindi ito kailanman naging magandang impluwensya sa kanya mula nang makilala niya.

He's got a beautiful girlfriend who takes care of him. He will never be gay for someone like Ivler. Iyon ang kailangan niya palaging ipaalala sa sarili niya.


PARANG nilalamutak ang puso ni Ivler nang makapasok siya ng bahay mula sa pagbili ng gamot ni Linus. Naabutan niya ito kasama si Micah na nanonood ng telebisyon. Nakaakbay pa ito kay Micah habang nagtatawanan ang mga ito, at nang makita siya ni Micah, kaagad itong umirap saka hinaplos ng palad ang dibdib ni Linus.

Iniwas na lamang ni Ivler ang kanyang tingin saka niya nilunok ang namuong bara sa kanyang lalamunan. Dumiretso na lamang siya sa kusina at inayos sa lagayan ng gamot ni Linus ang mga binili niya.

When Phiam went out of his room with Ae, dumiretso ang mga ito sa kusina upang makapagmiryenda ang bata. Kaagad namang pilit na ngumiti si Ivler sa ampon nila at binuhat ito upang halikan sa pisngi.

"Hey, big boy. I got you a little something."

Lumapit siya sa supot ng mga pinamili at ipinakita kay Phiam ang ice cream. Kahit hindi pa nagsasalita ang bata dala ng trauma na inabot sa kamay ni Tyra, sapat na para kay Ivler ang pag-aliwalas ng mukha nito.

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon