Matapos ang gabing yun ay patuloy parin akong pumapasok at after work ko naman ay aakyat sa 50 floor para mag linis ulit.
Makalipas ang tatlong araw na ganon lang ang mga gawain ko, pagod ako pag kadating sa bahay, mabuti nalang minsan pag hindi masyado makalat ang kwarto ni sir ay nakakauwi ako ng maaga kaya naabutan ko pang gising ang anak ko.
"What's my schedule today?" Napatayo ako at bumati kay Mr. Dark Maximo na kakarating lang.
"Good morning sir, you have an appointment this morning at nine o'clock and then this afternoon again at three to four o'clock." Saad ko habang nakatayo.
"Okay." Aniya at nilampasan ako.
"Sungit ang aga pa eh." Reklamo ko sabay upo.
"Are you saying something Miss Montiesh?" Napatalon ako sa gulat nang sumulpot ito bigla sa harapan ko.
"Po? Wala po ah." Agad kong tanggi. Gago ka self.
"Hmmm?" Taas kilay niyang tanong.
"Opo." Kagat labi kong sagot.
"Don't do that again." At nilayasan ako.
"Yung alin sir?!" Sigaw ko.
"Isipin mo kong ano!" At pabagsak na sinira ang pinto.
"Ano? Yung pagbubulong ko?" Tsk. Weird talaga ng lalaking yun.
Nag focus nalang ako sa trabaho ko na tambak naman. Siguro naman pag nagtagal na ako dito mababawasan din ito diba? Huhuhu mabalis akong tatanda dito eh.
Tatayo na sana ako para baba for lunch nang tumunog ang cellphone ko.
"Hmmm Lander? Bakit naman kaya." Binuksan ko ang message nya at napangiti nalang.
LANDER PANGIT
Nandito ako ngayon sa labas ng building nyo, nakalimutan mo daw kasi yung lunch mo sabi ni Darklyn kaya binulabog akong ihatid daw ito sayo.
Basa ko sa text nya. Ang sweet talaga ng anak ko, at nang lalaking to.
Me:
Pababa na po ako Mr. Pangit.
Mahina akong natawa kasi alam ko na kong ano bubungad sa akin mamaya.
Dumeretso ako sa parking lot kong nasaan sya. At tama nga ako na ang unang bumungad sa akin ay ganon.
"Hoy! Bruha ka! Sinong Mr. Pangit tinutukoy mo?" Tinawanan ko nalang sya at naglahad ng kamay.
"Akin na." Binigay niya naman.
"Ilang minuto lang lunch break mo?" Tanong nya.
"40 minutes, why?" Ngumisi sya at lumingon sa kotse nya kata napatingin din ako at ganon nalang nanlaki ang mga mata ko na naka upo pala sa hood ng kotse ang anak ko.
"Baby!" Patakbo akong lumapit sa kaniya. Sya naman ay hindi makababa at bag hintay nalang habang naka buka ang dalawang kamay.
"Amma!" Binuhat ko siya nang makarating ako sa kaniya. "Miss you amma!"
"I miss you too baby!" Kagabi nang makauwi ako tulog na sya, kanina naman pagka alis ko tulog pa.
"Amma let's eat latsh po." Ngumiti ako at tumango.
YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
RomanceJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...