Chapter 1: Target Found

30.4K 284 27
                                    

Ang mga eksena sa story na to ay puro gawa gawa lamang, may iba ngang parang imposibleng gawin ng isang tao; (lol) This is just for fun!
ENJOY READING :)

---------

1

Kaisipan ni Rhine

"Young lady, gumising na po kayo" sabi sa akin ni manang.

.

.

.

.

Kring,kring,kring

Ahh, nagising ako dahil nagring na ang bell.

Sa wakas tapos na rin ang klase pero naputol naman ang daydream ko.

Palakad-lakad ako dito sa labas ng campus. Kakapagod, ang tagal naman kasi ng mga estudyante.

Don't get me wrong ha, hindi pa ako estudyante sa paaralang ito, yes hindi PA kasi naman naghahanap pa ako ng taong makakatulong sa akin para makapag-aral ako dito.

Normal na babae na gustong mag-explore. Yan ako. Naglayas kasi ako sa bahay namin dahil ang gulo ng parents ko, kaya ito naghahanap ako ng makakatulong sakin. Alam ko namang na mahahanap din nila ako pero sa ngayon ay kailangan ko munang mabuhay mag-isa.

Ayan lumabas na yung ibang estudyante, tinitingnan ko sila isa-isa baka kasi makita ko na kung sino ba ang pwedeng makatulong sa akin.

After 30 minutes.

Ano ba yan, wala pa rin akong nakikita, makapasok nga sa loob.

Ang laki pala sa loob ng campus, at ang ganda pa, kaya nga gusto kong makapag-aral dito eh, pero bago yun dapat makakita na ako ng taong makakatulong sa akin.

Lingon, lingon at pa-ikot ikot sa campus. Sa sobrang laki ba naman nito.

Kanina pa ako dito sa campus, pero wala pa rin. Pero alam kong makikita ko rin siya.

Napadaan ako sa hallway, medyo madami pang estudyante na nag i-stay dito.

Ayun!!

Target detected

Napangiti ako dahil sa wakas nakita ko na rin ang hinahanap ko. Tumakbo ako para habulin siya.

"Watch where you're going, ahh such a stupid girl." iritadong sabi ng lalaking nabunggo ko, ang sungit naman nito, sayang ang gwapo pa naman ang sama sama ng ugali, nakakainit ng ulo bahala siya sa buhay niya kailangan ko pang habulin yung taong yun.

"Hey" tawag sa akin ng lalaking nabunggo ko pero hindi ko siya nilingon, tumakbo ako ng mabilis baka habulin pa ako nun.

Ay ano ba yan, nasa'n na yung taong yun?

Hinanap ko na lang ulit siya.

Pero nawala na talaga siya. Tsssk sayang! Malakas pa naman feeling ko na mabait yun at pwede ko siyang maging amo.... Haist.

Naglakad na lang ulit ako palabas ng school.

Yun nakita ko rin siya ulit, sa wakas!

"Hoy lalaking naka blue na t-shirt." tawag ko.

Di siya lumingon kaya naman tinawag ko siya ulit habang naglalakad ako palapit sa kanya.
"Naka blue na guy!"

Tiningnan pa niya ang t-shirt niya kung siya ba ang tinawag ko. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

Tiningnan lang niya ako at hindi nagsalita, ngumiti ako

(^_^) ang gwapo pala nito.

"I want to be your maid."

0_0

-------

A/N

{edited 150108}

^_^

vote

comment

be a fan

Never_TheLess

Even Though [Exo-K's Sehun] {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon