Friendzoned guy's diary

92 2 2
                                    

      Warning!!!

      You will be reading a confidential diary. This is a true story. A real experience by yours truly. Gusto ko itong I share para malaman niyo kahit kunti ang storya ng buhay ko . Hindi ko lang sasabihin kung sino ako. Baka kasi hanapin niyo ako sa Facebook O kaya sa tweeter. Hindi ako sikat na tao. Pero maraming nakakakilala sa akin dahil palakaaibigan akong tao. Itago niyo na lang ako sa pangalan spade.

magsimula na tayo sa storya ng buhay ko. Baka sabihin niyo corny ang story ko. Ok lang yun sa akin. Nag share lang naman ako para may matutunan kayo sa buhay ko. Magsimula tayo yung nasa elementary ako.

   Natuto ako mag mahal yung grade 6 pa ako. Di ba sabi nga nila na hindi mo makakalimutan ang unang crush mo?  Yan ang nangyari sa akin,. Hindi ko nga siya makakalimutan sa masakit na paraan. 

Yung grade 6 pa ako may 2 akong bestfriend sila ay si Francis at Jp. Ewan ko ba kung bakit kami nagging close. Ang naalala ko lang palagi kaming nagsasama.  Dumating ang isang araw na nag aminan kami kung sino ang crush namin. ‘’alam niyo matagal na tayong magkaibigan pero hindi pa rin natin alam kung sino ang crush ng isa’t-isa.” Sabi ni Jp sa amin.

‘’alam mo tama ka diyan sa sinabi mo”sagot ni francis. “tara mag aminan tayo kung sino ang crush natin!!!  Siyempre ikaw ang mauuna kasi ikaw ang naka isip niya.”

“Huh? Bakit ako?  Sige na nga lang. kilala niyo naman siguro si Rhesam no?”

Tanong ni Jp.

“siyempre naman!!!” sabay na sagot naming ni francis.

“teka huwag mong sabihin siya ang crush mo?” tanong ko naman.

“oo siya nga!!! May problema ka?”sagot ni jp.

“Oo siya din kasi crush ko!!!” sagot ko naman.

“weh?”pabirong tanong ni jp. “eh ikaw francis? Sino crush mo?”

“Ummmmm siya din ang crush”  nahihiyang sagot ni francis.

“Ang galing naman!!! Tayong mag bestfriend pare pareho ang crush!!!”

Tuwang tuwa ako ng sinabi ko ito.

Alam ko parang imposible eto mangyari. Pero totoo to!!! Tatlong magkakaibigan na iisa ang crush. Siguro TInatanong niyo sarili niyo kung anong nangyari sa amin pagkatapos niyon. Maniwala man kayo sa hindi. Mas nagging close kami simula niyon.

  Isang araw napagdesisyunan ko na sabihin sa kay rhesam ang nararamdaman ko. Sumulat ako ng liham sa kaniya na ang nakalagay ay.

“ Dear Rhesam,

           Matagal na kitang mahal. Pakiusap pumunta ka sa bakanteng building mamayang Lunch time. May sasabihin ako sa iyong importante. Maghihintay ako.

                     Secret admirer mo pala ito.”

  Madali ko naman nailagay ito sa kanyang mga gamit. Mabuti naman at nakita niya eto kaagad. Nagtanong naman siya sa akin kung may lumapit bas a kanyang upuan. Ang sabi ko naman  wala akong napansin.

  Medyo nagpahuli ako para hindi niya mapansin na ako pala yung nagsulat. Pagdating ko doon. Nan doon na pala si rhesam. 

“Oh!!! Rg bakit ka nandito?” Tanong ni rhesam.

“ako pala yung nagsulat. Ako din yung secret admirer mo” Sagot ko naman. Halatang nanginginig ako habang sinasabi ko.

“Okay. Tapos ano yung Importanteng sasabihin mo?” Tanong ulit ni rhesam.

“ Rhesam”sagot ko sa kaniya. “Matagal na ako na may gusto sa iyo. Simula pa noong una kitang nakita. Nahulog na ako sa kagandahan mo.”

“Pasensiya na Spade” sagot naman iya. “may mahal kasi akong iba. Tapos hindi ko din kaya tanggapin ang pagmamahal mo.” Sagot niya sa akin.

“Ah ok.. cge babalik na ako sa klase.” Sagot ko naman.

“ spade pasensiya na talaga. Kaibigan lang talaga ang pagtingin ko sa iyo.” Sagot naman ni rhesam.

“hehehe Ok lang yun at least kaibigan pa rin tayo ha?” sagot ko naman na parang natututwa. Pero ang totoo nasaktan ako ng sobra.

“siyempre naman!!! Tara bumalik na tayo sa klase.” 

“Sige ma una ka na. may hinihintay pa akong iba dito.” Nagsinungaling na lang ako sa kanya para hindi niya Makita nasaktan ako sa ginawa niya.

Pagkatapos ng araw na iyon. Nangyari ang kinatatakutan ko. Nag iba na ang kanyang pagtrato sa akin. Hindi na kami masyado nag-uusap. Hind na din kami palaging nag kukulitan tulad ng dati.              

At yun nan ga pinaka una kong pagmamahal at pinakauna kong kasawian.  Sana ma enjoy niyo itong story na ito. Kung magugustuhan niyo po ito siguro ipagpapatuloy ko ang iba kong experience.

                                                                                                                                Your writer, 

                                                                                                                                Shadowstar

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendzoned guy's diaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon