Kabanata 32

11.7K 485 117
                                    

Kabanata 32

LINUS was confined for a couple days because of the extreme headache he suffered from after having flashbacks because Linus forced himself to remember Ivler.

Ang sabi ni Silver ay kung uulitin nitong pilitin ang sariling makaalala, maaaring imbes na magbalik ang memorya nito ay permanente pang mabura. Isang bagay na hindi nais mangyari ni Ivler kaya naman kahit na mahirap para sa kanya, hindi na siya sumilip sa ospital.

Nang maiuwi ito ay hindi rin niya masyadong pinansin o nilapitan. Tinuon na lamang muna ni Ivler ang kanyang atensyon sa kanilang anak-anakan nang hindi siya masyadong mahirapan sa pagdistansya kay Linus.

Matapos mapaliguan si Phiam ay binihisan ni Ivler ang anak. Balak niya itong isama sa practice game nila nina Keison at Percy upang ihanda si Percy sa nalalapit na world cup. Naging qualifier ang team kahit na maraming nalagas dahil na rin sa pagsuporta ng ama ni Keison. Percy became the new talk of the town, and people are calling him the dark horse of football since nobody really expected a lanky, rural gay to be such a bad bitch when playing.

"Ayos hair?" tanong ni Phiam na kahit paano ay nagagawa nang makipag-usap sa piling mga tao.

Ivler smiled at his adopted son then let Phiam sit on the edge of the bed. Kumuyakoy naman ang bata at tumitig sa kanya nang tumayo siya. "Wait for me here, Phiam I'll just get my hair wax."

Tumango-tango naman ang bata saka tahimik na nanood sa kanya nang lumabas siya ng silid nito. He went to his room and took the wax from the bathroom. Nang bumalik siya sa silid ni Phiam, nakatutok pa ang kanyang atensyon sa hawak na wax upang basahin kung wala itong ingredients na pwedeng maka-irritate sa bata. Hindi tuloy niya napansin na nasa loob na ng silid si Linus at nakaluhod habang kinakausap ang kanilang ampon.

Natigilan siya bigla nang lingunin siya ni Linus. Siya na rin ang naunang umiwas ng tingin saka humugot ng malalim na hininga.

"Phiam, let's fix your hair. Sit here."

He patted the small chair. Hinayaan naman ito ni Linus saka ito naglakad patungo sa pinto. Ngunit nang akala ni Ivler na lalabas na ito, nakita niya sa repleksyon ng salamin na huminto ito at nilingon sila ni Phiam.

"W—Where are you taking Phiam?"

Sandaling nilunok ni Ivler ang kanyang laway saka ito sinagot habang nakatutok nang pilit ang mga mata sa buhok ni Phiam.

"Isasama ko lang sa training. I'll be meeting up friends," simple niyang sagot.

Nakita niya ang pagtango nito nang mahina. Mayamaya ay humugot ito ng malalim na hininga saka nagkamot ng patilya.

"I uh... remembered something."

Natigilan siya at halos maestatwa sandali bago niya nagawang makakibo. "W—What did you remember?" kunwari ay hindi niya interesadong tanong ngunit sinilip niya ito sa sulok ng kanyang mata.

Linus breathed in sharply. "We were... fishing somewhere I'm still not familiar with. We seemed very close so... maybe you're my best friend or something? I don't know. It's not vivid yet."

Mahina na lamang na tinango ni Ivler ang kanyang ulo saka sinimulang ayusin ang buhok ni Phiam. "Don't force yourself to remember. Babalik din naman lahat 'yan."

Nakita niya ang paghilamos nito ng palad sa mukha. "I don't know but I feel like I have to start remembering faster. Pakiramdam ko... may mawawala kung hindi kaagad ako makaalala." Tumingin ito sa kanya. "I can feel that you're trying to keep your distance. If... that's because of my rudeness towards you then... I'm sorry..."

Napatitig siya kay Linus saka basag na ngumiti. "I don't mind. I just... don't wanna trigger you so much. Baka permanente lang na mawala ang mahahalagang alaalang nakalimutan mo."

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon