Lamig at dilim

13 9 0
                                    

Gabing kay lamig,
Ang tanging nais ay itong pag ibig,
Kailangan ko ata ng yakap mo,
O ang init ng pagmamahal mo

Malakas ang ihip ng hangin,
Nagsisitunugan ang mga sanga,
Umaawit ang mga ibon,
Ang paligid ay tila kay saya.

Ako lang ata ang malungkot,
Ang iyong pinadama ay kay sakit,
Pagdurusa at puot,
Hindi matanggal na tila ba nakaukit.

Ako'y iniwan mong mag isa,
Sa ilalim ng gabing madilim,
May isang akong nagdurusa,
Kay sakit ng iyong pinadarama

12/01/2021 2:15

The Comfort of teaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon