Kabanata 34

11.9K 454 89
                                    

Kabanata 34

NAPAPARAMI na ang naiinom ni Ivler ngunit tila hindi pa rin nawawala ang bigat ng dibdib niya. Micah bombarded him with lots of terrible messages earlier. Kung bakit hindi pa rin siya tinitigilan ng babaeng iyon kahit hawak na nito si Linus ay hindi niya alam.

"Hindi man lang naisip na kung wala ka lang puso, hindi mo na pinayagang umuwi 'yan at sakyan ang gusto ni Linus dahil lang siya ang naunang natandaan," hindi napigilang kumento ni Keison bago bumuntonghininga. "I told Ania about it. Kahit si ate Harmony hindi nagustuhan ang ginagawa ni Micah. If those two girls come into conclusion then we know they're a hundred and one percent correct. Micah is really insecure because she knows Linus will toss her to the side once his memories come back."

Percy drank some on his Margarita. "Anong plano mo ngayon, kuya? Uuwi ka ba?"

He sighed. "I don't know, Percy. I honestly don't know."

"Hindi sa nakikialam ako, kuya Ivler pero baka mas magandang umuwi ka at makipag-usap. Doon pa lang sa pagsundo niya kanina kay Phiam at pagsasabi niya sayo na hihintayin ka niya, halatang ayaw niyang mag-away kayo kahit na hindi niya pa naaalala lahat," ani Percy.

"Percy is right, Ivler. Nakakapagsalita lang siguro si Linus nang gano'n dahil kaya pa siyang paikutin ni Micah, pero siguro if ma-establish mo ang sarili mo at makilala ka niya nang paunti-unti, baka mahirapan na si Micah na bilugin ang ulo ni Linus. Kaunting laban pa, bro," dagdag ni Keison.

Natahimik sandali si Ivler. Nang lumabas ng pool area ang kapatid ni Keison na si Serene kasama ang anak ni Keison na tinatago nang husto ngayon sa publiko hangga't hindi pa tapos ang world cup, kaagad na tinawag ni Ivler si Keina.

Nag-bless ang bata sa kanya bago bibong-bibo na ipinakita ang suot na dating uniform ni Keison.

"Let's take a photo, Keina. We'll send it to mommy Ania," ani Keison.

"Minsan nga isasama ko si Phiam nang makalaro mo, Keina. He's scared to make friends but maybe you'll be able to tame him."

Ngumisi si Keison at hinayaan ang anak na maupo sa tabi nito. "Sa kulit nito kahit mag-three pa lang, ewan ko lang kung hindi dumaldal 'yang anak ninyo."

"Kuya Ivler, are you gonna stay here tonight? Pinapatanong ni daddy dahil pina-ready na niya ang guest rooms para sa inyo ni Percy," ani Serene.

Ivler sighed. "I will, Serene. Thank you."

"Hindi ka talaga uuwi, Ivler?" tanong ni Keison.

He shook his head then drank his beer again, silently wishing he would get drunk tonight and just have a peaceful sleep. Kahit ngayong gabi man lang...


BUMABAGSAK na ang mga mata ni Linus sa paghihintay. Halos alas dose na ng madaling araw ngunit wala pa rin talagang Ivler na dumarating kaya nawawalan na siya ng pag-asa na uuwi ito ngayon.

Sayang. Pinagluto pa naman niya ito ng pagkain para makabawi rito kahit paano kaya lang mukhang masasayang pala ang mga pagkain.

He sighed and waited another half an hour, ngunit lumipas na ang oras ay wala pa rin talagang Ivler na umuuwi.

Ililigpit na sana niya ang mga pagkain nang humihikab na pumasok ng kusina ang kakambal niya. Halatang nagising ang diwa nito nang makitang naroroon pa rin siya at naghihintay. Dumiretso naman ito sa lagayan ng gatas dahil mukhang nagising si Eijaz at imbes na si Ae pa ang pagtimplahin ay ang kapatid niya na ang kumilos.

"Oh, bakit gising ka pa?" tanong nito habang nagtitimpla ng gatas ng anak.

"Hinihintay ko si Ivler," pag-amin niyang nakapagpatigil sa kanyang kapatid. Nilingon siya nito at sandaling ngumisi bago bumalik sa pagtitimpla.

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon