Chapter 8

7.8K 211 10
                                    

Wade's POV:

Dumating ang hapon at naghanda na kami para hulihin ang isa sa mga boss ng malaking transaction. Napag-usapan na namin kung paano huhulihin ang mga sindikato na nagbebenta ng illegal na armas. Alam kong magiging maayos ang aming mission dahil ako ang nagplano ng lahat, gusto ko na walang mapapamahak ni isa sa team ko dahil lahat sila ay kargo ko.

Ginugol ko ang marami kong oras sa pagt-trabaho, pambababae, at kung anu-ano pa para hindi ko maisip si Natasha. Ayoko na ulit umiyak dahil napapagod na ako. Kapag naging maayos na ang lahat tiyaka ako kikilos para makuha si Natasha, aagawin ko s'ya kung kinakailangan. I don't care kung may masaktan ako! Ang mahalaga ay nasa puder ko si Natasha.

Sinuot ko ang earpiece ko at kaagad sinuot ang bulletproof vest para sa kaligtasan naming lahat. Sinuksok ko ang dalawang baril sa bulsa ko at hinanda ang mahaba kong baril, huminga ako ng malalim. Tingnan ko pang muli ang mga litrarto na nasa likod ng swivel chair ko, pinilig ko ang ulo ko. I need to focus on my job, I need to divert my attention.

"Handa na ba kayo?" tanong ko sa mga kasama ko.

"Yes, sir. Handa na rin ang gagamitin nating sasakyan papuntang Pangasinan..." sambit ni Clever, isa sa mga naging kaibigan ko.

Tumango nalang ako. Naghintay kami ng signal galing sa chief namin, nang makita niya kami ay sabay sabay kaming nagsalute sa kanya. Pinaalala niya sa'min kung gaano kaimportante ang mission namin kaya nakinig ako sa lahat ng sinsasabi niya. Tumango ako sa kanya at nagsalute bago tumalikod sa kanya.

"Pagdating natin doon, magsipagkalat kayong lahat. Make sure na walang masasagutan o madadaplisan sa inyong lahat. You're my responsibility at kapag may hindi magandang nangyari masisira ang plano natin..." pangaral ko sa kanilang lahat.

"Malawak ang port kaya kailangan talaga nating kumalat sa paligid. Tangke tangkeng truck ang nandoon para ilipat sa malaking barko papunta sa airport..." sambit ni Brent, isa rin sa mga naging kaibigan ko.

Tumango ako at tahimik na pinagmasdan ang buong siyudad ng Mindoro kung saan kami nakadestino. Medyo malayo sa Laguna pero maayos naman dahil kayang kaya kong umuwi sa laguna gamit ang sasakyan ko, isa pa sa condo ako nauwi kaya hindi na rin mahirap sa 'kin dahil nakasanayan ko na.

"Malapit na tayo..." sambit ng driver namin na si Lino.

Tinignan ko ang kabuaan ng nalalapit na Pangasinan, nakita ko na ang karatula at kaagad na kaming nag-ayos. Kanya kanya ang suot ng earpiece, tinignan ko rin ang dagat malapit at nakita na rin namin at bagsakan ng mga truck. Nakita ko pa ang iilang mga trabahante na naghahanapbuhay para sa kanila kanilang pamilya.

"Let's go, let's go..." sambit ko at naunang bumaba.

Sa tagong lugar nakaparada ang aming sasakayan at mabuti na lamang ay malayo sa mga dikit dikit na bahay ang mission namin. Nakahinga ako ng pagkaluwag-luwag dahil walang madadamay na tao, sumenyas ako sa kanila. Nagkalat na silang lahat sa mga container na nasa harapan namin dahil patong-patong ang mga ito.

Lumakad ako at nagkanya kanya kaming abang sa malalaking barkong paparating, nakita ko na ang mga dayuhan. Umayos ako ng tayo at nakita ang mga mamahaling sasakyan, nakita ko na ang mga karga nilang mga armas. Tinignan ko ang team ko at kanya kanya na silang pwesto sa taas ng container at ang iba ay sniper, at iba ay mga nakatago sa likod ng container.

"Focus on your sight. Wag niyong papatayin dahil kailangan nating dalhin sa presinto ang mga 'yan..." sambit ko sa earpiece ko.

[Yes, Sir...] sabay-sabay na sambit nila sa earpiece na suot nila.

Lumapit ako at nagtago sa ilalim ng puno, nakita kong nagu-usap na silang lahat. Hindi ko masyadong naririnig pero sapat na para makita ko sila, nakita ko ang mga tauhan ng dayuhan na nakakalat. May mga malalaking armas sila, nakita kong nagbigay na ng pera ang isang dayuhan sa kanilang kasosyo.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon