Chapter 10

7.7K 209 12
                                    

Wade's POV:

Magg-gabi na at nagising lang ako dahil nandito sila Jaques at si Kent sa condo ko nambubulabog na naman sa 'kin. Naiinis nga ako dahil puyat ako sa kakamanage ng isang bake shop na pinagawa ko para sa isang taong importante sa 'kin. Bumangon ako at kaagad na lumabas ng kwarto na naka boxer lang at nakita silang apat na nandoon sa sofa.

Nagtaas ng kilay si Kent. "What's with that stare? Come on, kanina ka pa namin tinatawagan dahil engagement ni Stella ngayon. Move your ass!" Si Kent sa iritadong boses at tinatamad akong tinignan.

"It's new huh? No girls around your condo o baka naman nandiyan sa kwarto mo?" nakangising sambit niya at sumilip sa kwarto ko.

I rolled my eyes at padabog na pumasok sa kwarto ko, silang apat ang nandito. Kent, Jaques, Clyde, at si Roswell kaya napailing ako kahit papaano namiss ko silang apat. Mabilis akong naligo at nagbihis dahil kanina pa sila nagiingay sa labas, inayos ko ang collar ng damit ko. I'm wearing a dark blue longsleeve polo na nakatupi hanggang siko ko, a white pants, and a brown leather shoes.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at ang cellphone ko, inayos ko ang tsokolate kong buhok at kaagad na lumabas. Tinignan ako ni Clyde mula ulo hanggang paa at panay ang tango, inismiran ko lang s'ya. Mabilis kaming naglakad palabas habang nagkuwekuwentuhan silang apat sa likod ko. Sumakay kami sa elevator at nakangisi ako habang nakikinig sa kanila.

"Madami pang hindi nag-aasawa sa'tin, isa na doon si Wade..." narinig kong sambit ni Clyde, may asawa at anak na.

"Tss. Hindi naman siguro paunahan mag-asawa diba?" nakangising sambit ko at sinuot ang shades ko.

Kent chuckled. "Sabihin mo, you're waiting for someone we already know..." nang-aasar na sambit niya at nagtawanan silang apat.

"Oh, come on. Shut your ass," iritadong sambit ko.

Paglabas namin sa lobby ay kaagad kaming pinagtitinginan ng mga babae, ang tatlo ay deretso lang ang lakad ni hindi manlang lumingon. Natawa ako at napailing, halatang takot sa mga asawa nila. Sumakay ako sa black vios ko at kaagad na sumabay sa kanila papunta sa Martinez Mansion, huminga ako ng malalim.

Hindi malabong magkita kaming dalawa o baka naman nasa Italy pa rin s'ya? Kasama niya ang lalaking 'yun. Sa isiping isasama niya ang lalaking 'yun ay nagagalit lang ako. Huminga ako ng malalim at kaagad na tinignan ang tatlong sasakyan na nasa unahan ko. Bumusina si Kent sa gate nila at bumukas kaagad ang malaking gate nila.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa tabi ni Jaques, sinuklay ko ang buhok ko at kaagad na lumabas dala ang paper bag. Sumabay ako kila Kent papasok sa bahay nila at kaagad kong nakita si Tita na inaasikaso ang anak nila, tinignan niya ako at ngumiti sa 'kin.

"Good evening, Tita.." nagaalinlangang bati ko sa kanya.

"Hmm. Good evening, Wade. Kamusta ka?" nakangiting sambit niya sa 'kin kaya nabigla naman ako sa inaasta niya.

"I-im good, Tita..." mahinang sambit ko kaya tumango siya.

Hinalikan ni Kent si Tita at kaagad kaming pumunta sa malaking garden nila. Madami na rin ang tao, huminga ako ng malalim at kaagad nakita sila Mom at Dad. Binati ako ng iilan sa mga naging kaibigan namin sa dating school, tumawa ako sa kanilang lahat. Nadaanan ko pa ang mga kapatid ni Kent kaya mabilis akong nakipagkulitan sa kanilang tatlo.

"Wade!" Si Reina sa masiglang boses at yumakap sa akin matapos halikan ang pisngi ko.

Nginisian ko lahat ng kaibigan kong babae na pinsan ni Kent at ni Stella. Umupo ako sa tabi ni Shane at kinarga si Troy na nagliwanag ang mata. Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan sa noo, hindi ko tinignan si Shane kahit alam kong nakatitig s'ya sa 'kin.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon