Kabanata 35
MICAH didn't return the following days. Hindi rin ito ma-contact kaya nagmagandang loob si Linel na tanungin ang mga Veneracion kung naroon ba si Micah. Nang sabihin ng mga itong umuwi nga ito roon ay kahit paano nakampante si Linus na walang masamang nangyari rito.
Honestly, he's not looking for her presence as much as he expected. Tila ba hindi niya ito hinahanap-hanap hindi katulad kapag nawawala lamang sandali sa paningin niya si Ivler ay parang nami-miss niya na ito.
Linus knows that's not okay especially when he's with Micah. Besides, he's straight, right? So why the hell does he feel so good whenever he sees Ivler smiling at him?
"Saan ang Monte Costa? I remembered something about Monte Costa," bigla niyang sabi nang makapasok sa kusina. Naroon ang lahat para sa almusal ngunit ang mga mata niya ay kay Ivler at Phiam kaagad dumapo.
Nagkatinginan sina Linel, Ae, at Ivler bago tumikhim si Linel at nagsalita. "That's in Zambales. Members kami ni Ivler sa Monte Costa kaya may sarili kaming cabins sa clubhouse. Most of the gang are there right now actually."
Napakunot siya ng noo. "It's a gang?"
"No, love—I mean, Linus." Napatikhim si Ivler habang namumula ang mukha, ang mag-asawa naman ay nagpigil ng ngisi. "MCB is a brotherhood while the place where the clubhouse is, it's called Monte Costa. It's a huge piece of land in Northern Zambales."
"Is it by the beach?" tanong niya saka nilapitan si Phiam at binuhat upang banlawan ang namantsahan ng oats na pisngi. Nang matapos ay pinunasan naman ni Ivler ang mukha ng bata habang buhat niya kaya natahimik ang mag-asawa. Nang mapansin niyang may mantsa ng oats sa kanang pisngi ni Ivler, kumuha rin siya ng paper towel at pinunasan ito.
Hindi rin nila napansin ni Ivler ang kanilang mga kilos. It's as if they are very natural around each other when Linus isn't putting up his defense.
Nang mapagtanto ni Linus kung ano ang ginawa matapos matulala sa kanya si Ivler, napalunok na lamang siya alanganing ngumisi. "May ano, may dumi lang. Concern lang, oo."
Napabungisngis ng tawa si Linel kaya nahampas ng asawa nito ang braso. "Linel talaga mamaya magkahiyaan pa 'yan."
"Hay, ang saya ng bahay kapag walang epal," sagot naman ni Linel sa mahinang tinig kaya hindi narinig ni Linus dahil kinausap siya ni Phiam.
"Oo, Linus may beach doon," si Ae na ang sumagot sa kanyang tanong.
"Can we visit that place? Pakiramdam ko marami akong maaalala ro'n. Ilang araw nang pumapasok sa isip ko ang pangalan ng lugar."
Tumingin ang mag-asawa kay Ivler na tila narito ang susi ng lugar. Mariin naman nitong nilapat ang mga labi sa isa't isa saka ito tumikhim. "Pwede naman."
"That's our guy. Babe, empake na tayo," bigla na lamang sabi ni Linel dahilan para mapakunot ng noo si Linus.
"Hey, I didn't say now?"
"Well we wanna go now so start packing, people," tugon ni Linel bago nakaakbay sa asawang lumabas ng kusina upang mag-empake.
Napakamot ng patilya si Linus. "Huwag nilang sabihing gawang Monte Costa si Eijaz kaya ganyan makangisi 'yang utol ko?"
Ivler chuckled that made Linus look at him. Bigla yatang bumagal ang ikot ng mundo nang matitigan ni Linus ang gwapong mukha ni Ivler. Those perfect set of peal-white teeth are in total display. Mamula-mula rin ang mga labi at tila kumikislap ang asul na mga matang ngayon lang niya nakitaan ng sigla.
Even his breath smells so fucking good he wonders if he could just inhale it through his own mouth by kissing... What the fuck, Linus?!
"Pucha..." he said under his breath while rubbing his palm on his face. Napakunot naman ng noo si Ivler nang marinig ang kanyang sinabi.
"Hmm? What did you say?"
"Huh? Uh, nothing. I just..." Napalunok siya nang magsimulang uminit ang mukha niya sa kahihiyan. "Forget about it. Let's just start packing, too."
"Nah. Just sit down and eat your breakfast. Ako nang bahala sa gamit natin nina Phiam," tumingin ito sa kanyang mukha at mayamaya ay ngumisi. "May kilala akong ganyan. Namumula matapos matulala kasi iniisip kung gaano ako kasarap halikan. Hay, ang hirap talagang maging ganito kasarap. Mahirap kalimutan dahil sa kayang ipalasap."
His face turned more red. "I'm straight, Ivler so fuck you."
Tumawa ito at umiling-iling habang kagat ang ibabang labi. Mayamaya ay makahulugan din itong tumingin sa kanyang mga labi saka ito tumikhim at bumulong.
"Kung gusto mo lang bakit hindi..."
"What?"
"Hmm? Nothing. Sabi ko kumain ka na diyan. Mag-e-empake na ko," tugon nito saka akmang aalis na.
"No, I think you said something else."
Ngumisi lang ito at hindi na siya sinagot pa kaya lumakas ang kutob niyang may kahalayang halo ang binulong-bulong nito.
"HOLD ON, how come all the rooms are already taken when you don't even have a lot of guests right now, Miss?" kunot ang noong ulit ni Linus habang kausap ang receptionist na nakangisi sa kanya.
"Pasensya na talaga, Sir. Booked na raw po talaga sabi ni Sir Jael pero since may mga kasama naman po kayong member ng MCB, pwede naman po kayong maki-share muna sa cabin nila for the mean time. Kapag may bakante na po rito sa Raja Amor, sasabihan ko na lang po kayo kaagad," ani ng babaeng nagngangalang Neri habang nakangisi kaya hindi alam ni Linus kung paniniwalaan o hindi.
Ivler cleared his throat. "Seryoso, na-book na lahat? I wonder why? Dami naman yatang parating na guest ni Jael?"
"Pwede ko bang makita bago ako maniwala?" tanong ni Linus dahil hindi talaga siya kumbinsido kaya inanggulo ng babae ang monitor upang tignan.
Meanwhile, Ivler wanted to laugh when Neri was able to convince Linus that all the rooms have been taken already. Pagkasabi pa lamang nito kanina na puno ang Raja Amor, kinutuban na siya kaagad. Paano ba naman ay natanaw niya si Gui at Yvez sa lobby, parehong may pekeng mustache at sunglasses habang may binabasa kunwari na newspapers.
May nalalaman pang sabay na pagbaba ng salamin ang dalawa saka kumindat habang nakangiwi ang mga labi. Muntik na siyang bumungisngis ng tawa kung hindi lang siya tinignan ni Linus. Baka mamaya ay isipin pa nitong siya ang nag-book ng lahat ng room.
Nang makita ni Ivler ang mga pangalang naka-indicate sa bawat room ay halos kagatin niya ang dila niya huwag lamang tumawa. Oh, good Lord! His brothers did some magic again! Thirty rooms were reserved under Trunk's cat names, and then ten each under the fake families of his brothers. Walanghiya talaga. Baka mamaya ay singilin siya ng mga ito kalaunan.
Linus finally gave up. "Saan ba makakabili ng tent? Mag-camping na lang pala ako nakakahiya sayo kung makikisiksik ako sa cabin mo."
"Oh, don't worry I don't mind. It's not like you like me, right for you to worry. Wala namang mangyayari bukod sa pagtulog, 'di ba? Hindi naman ako rapist," he asked while trying to keep himself from bursting into laugh.
Umiwas ito ng tingin habang namumula ang mga tainga. "O—Of course. M—Makikitulog lang..."
Tinapik niya ito sa balikat habang nakangisi, sina Neri ay todo na rin ang pigil na matawa. "Then I see no problem for us not to share my cabin. We're not gonna have sex anyway since you said you're straight. Isa pa, parating din naman si Sandro. If you're not comfortable sharing a bed with me, I can ask Sandro para sa cabin niya na lang ako makitulog—"
"No, we're sharing." Napalunok ito at umiwas ng tingin dala ng hiya. "Y—You don't have to... share a cabin with anyone else."
Ngumisi si Ivler. "Well then it's final. We're gonna stay in my cabin while we're here. No sex or something else."
Tumikhim ito, ang mukha ay labis na uminit. "Syempre wala. I'm straight, Beckham."
He licked his lower lip then cocked a brow. "Then good..." Luck resisting me, love...
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...