Kabanata 11: Skateboarders

27 5 1
                                    

[Nhelandrie's POV]

I was catching my breath when I tried looking for a seat and when I found one, I was about to call Prince but I was surprised to see him opening his backpack.

"Dre, what are you doing?" Nakakunot ang noo kong pinapanuod ang ginagawa niyang paghahanap ng kung ano sa loob ng bag niya.

"Teka. Heto, nagdala rin ako nang para sayo." Nalilito kong sinalo yung damit na hinagis niya.

"Para sa'n 'to?"

"Iikot-ikot muna tayo sa downtown at magagawa natin lahat kapag hindi tayo naka-uniform." Page-explain niya at nagulat ako nung nagsimula na niyang hubarin ang kanyang damit.

"Seryoso?"

"Kung gusto mong dumiretsong umuwi at ayaw gumala, you don't need to change." Inayos nito ang kanyang damit na kulay grey at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

"Sasama ako. Wala naman sinabi sa akin si Vice na may curfew ako." Oo, tama. Tsaka nakakamiss din gumawa ng mga ganitong scene sa life ko. Kailangan dapat palaging may thrill.

.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko kay Prince nung makalabas na kami ng train.

"Tara, papakita ko sayo ang tambayan ko pagstress ako sa school works." Nauna na itong tumakbo kaya sumunod na lang ako.

Saan kaya ako dadalhin ng bubuyog na 'to?

Sunod lang ako nang sunod sa kanya hanggang sa pumasok kami sa isang masikip na eskina na pinapanggitnaan ng isang lumang apartment at mobile store.

"Ang layo ng tinakbo ko, siguraduhin mo lang na maganda yung pupuntahan natin kung hindi, makakatikim ka nang batok sa'kin."

Tumigil si Prince sa pagtakbo sa isang kindergarten school na tila abandunado na.

"Tara." Aya niya bago binuksan ang gate at pumasok. Nung pumasok din ako ay sinara niya ang maliit na lock at tsaka ako hinila papunta sa field ng school.

I was amaze. Hindi ko inaakala na sa ganitong klaseng lugar niya ako dadalhin. Ang mga pader ay puno ng mga graffiti at ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang malaking skating bowl na nasa gitna ng field.

Madaming tao ang nandun at karamihan ay mga lalaki. Masasabi ko na halos ka-edad ko ang mga nandun, yung iba mas bata pa.

"Nags-skateboarding ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah. I started when I was seven and my older cousin brought me here."

"Nasaan na siya ngayon?"

"Abroad. Nagt-trabaho bilang nurse." Nakangiting sagot niya pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata... siguro, namimiss niya?

"Pare, minsan ka na lang pumupunta dito ah?" May dalawang lalaking lumapit kay Prince at nakipagfist-bump sila.

Yung isa medyo maitim ang balat, nakabraid ang buhok at may kulay green na hikaw sa kaliwang tenga. Yung isa naman ay may itsura at nakasuot ng puting Nike na cap. Pareho silang may bitbit na skateboard na iba-iba ang mga designs.

"Busy na rin at madami palaging inuutos si Mom sa'kin, pabalik-balik nga ako sa bahay nina Tita dahil sa kanya." Nagrereklamong kwento nito sa kanyang mga kaibigan.

"Kaibigan mo?" Turo nung lalaking may hikaw sa akin. Lumingon naman si Prince at nakakamot sa ulong ngumiti.

"Si Nhelandrie pala, kaibigan at classmate ko. Nhelandrie, siya si Jaxx, ang may-ari ng pinakasikat na Skateboard Shop sa lugar natin." Pagpapakilala niya sa lalaking maitim ang balat, "si Ace naman, isa sa mga organizer ng Leap o malaking event ng Skateboarding na ginaganap once every two months." Kumaway sa akin ang lalaking nakacap.

"Gusto mo bang matuto?" Tinaas nito ang kanyang kamay at sinabayan ko na lang din ang pakikipaghand-shake niya.

"Nandito lang ako para samahan si Prince tsaka wala akong hilig sa skateboarding." Umiling ako.

"Hindi ka mags-skateboarding? Pa'no? Magbeer ka na lang ba?" Tinuro ni Ace ang isang maliit na kubo at naaaninag ko na madami ang nag-iinuman sa loob.

"Free ba?" Tanong ko dahilan para tumawa sila.

"Inom ka lang dun, sagot ko." Kinindatan ako ni Prince.

"Anong oras ba tayo aalis?"

"Tatawagin lang kita kung aalis na tayo. Don't worry, hindi naman tayo magpapagabi. Baka i-grounded ako ng parents ko."

I watch them run towards the skating bowl. Someone Prince know handed him a skateboard and they started riding their boards. Kitang-kita ko kung paano nag-eenjoy si Prince kasama ang mga kaibigan niya.

Kakamiss ang ganyang feeling, but I sorta pity Prince, knowing that nothing stays permanent.

Pumasok na ako sa kubo. Mga tunog ng bote at tawanan ang agad na sumalubong sa'kin.

Dumiretso ako sa counter at merong lalaking malaki ang katawan na mukhang may edad ang nagse-serve ng beers. Umupo ako sa mataas na upuan na gawa sa kahoy.

"Ano ang atin?" Tanong niya bago inabot ang isang bote ng beer sa isang skater.

"Isang beer nga. Yung mint." Turo ko sa isang familiar na inumin. Yung mga beers nila ay hindi by brand yung range ng prices kundi by flavors.

Ngayon ko lang nalaman na may flavoring din pala pati beer. Tumango ito bago kumuha ng bote ng Mint Beer.

"Hey." Napalingon ako nung may kumalabit sa braso ko.

My forehead creased when it was a girl... a familiar one. She's wearing a bonnet and some few strands of her hair were colored purple. She is smiling at me which made me confuse and started to think where I saw her. She's so familiar.

"Nhelandrie." She knew my name.

"Sorry?"

"It's me, Mexie Elle. Your new neighbor."

Oh... now I remember. Sinabayan ko pa yung Dad ko at Dad niya sa pag-inom dahilan para maabutan ako ng curfew.

"Skater ka?" Tanong ko, which is obvious naman sa pananamit niya.

"No, pero madalas akong magtambay dito dahil karamihan sa mga crew members ko sa dance group ay mga skateboarders. Ikaw ba?" Tinaas nito ang kanyang hintuturo sa taga-benta ng beer at agad naman siya binigyan ng beer.

Dancer pala...

"Bago lang dito. Sinamahan ko lang yung kaibigan ko." Sagot ko sabay turo kay Prince na kitang-kita sa bintana kung paano gumawa ng tricks sa slide.

"Si Founder yung kaibigan mo?" Gulat na tanong niya.

"Founder?"

"Oo. Si Sir Prince, siya kaya ang pasimuno ng lahat nang 'to. Balita ko raw na sa kanya ang lupang 'to." Sabi niya bago tinungga ang kanyang inumin.

Si Prince? He's that rich to buy a land for skaters?

"Nhelandrie." Tawag ni Mexie sa akin.

"Hmm?"

"Samahan mo ako bukas ah? Lilipat na ako dun sa K.P.A."

VOTE PLEASE!

Crossroads [SC SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon