LIN: II

499 14 10
                                    

Chapter II: "ANG TUNAY NA MAGKAIBIGAN, NAGBABATUKAN"



Ako nga pala si Lin short for POLINDA DELOS SANTOS DELOS REYES.

Kung nakakanerbyos ang kape, malamang meron din ako non. Pero kahit ninenerbyos ako minsan, mahilig parin akong manood ng mga horror movies.

Pero walang kwenta naman ang mga napapanood ko. Minsan natatawa nalang ako dahil muntikan ng maging computerized yung movie, (insert sarcasm) nakakaasar lang.

Pero, mas nakakanerbyos kung iisipin mo pabalik kung paano ka nagkaroon ng kaibigan. Nenerbyosin ka sa kakatawa, at nenerbyosin ka sa kakaiyak.

Minsan pa nga maitatanong mo, bakit nga ba sila ang naging mga kaibigan ko?

Minsan din, ang mga iniisip mong katangian ng gusto mong maging kaibigan, ay taliwas sa mga nakukuha mo.

Nakakapagtaka hindi ba? Tapos ang lagi pang sinasabi ng nanay ko nung buhay pa sya.

"Makipagbarkada ka dun sa mga taong dadalhin ka sa mabuti, hindi yung gagawin kang masama".

Kung iisipin kong mabuti, ano nga ba ang konsepto ng mabuti at masama pag dating sa pagkakaibigan? Dahil isa akong masunuring bata.

Nakipagkaibigan ako sa mga taong may ipinakitang mabuting puso, matalino at popular. Ngunit, akalain mo nga naman, ang mga taong ito ay doble kara.

Nakakatawang isipin na habang bait-baitan sila sa harap mo ay inuupos na pala ang katauhan mo ng nakatalikod.

Umiwas ako at mas piniling mapag-isa.

Mapanlinlang ang mundo, maging mabuti ka man sa kapwa mo, meron paring mga tao na hindi kayang suklian ang mga ginagawa mo.

Kahit nga minsan, hindi ka na humihingi ng kapalit, uutangan ka pa! Parang nagbayad ka na sa jeepney ng hindi ka sinusuklian, pero, sisingilin ka ulit ng driver?

Napaka unfair nga naman.

May mga pagkakataon din na naiisip ko na maraming tao ang nagsusuot ng maskara, at marahil panahon narin upang magsuot nadin ako ng isa.

Huwag daw akong babarkada sa mga taong mukang adik, durogista at may masasamang bisyo. Pero, nasaan nga ba ako ngayon?

Sila na mukang adik (muka lang ha? At napapagkamalan lang silang adik) ang mga taong hindi nakakalimot ng kaarawan ko. Sila na kahit na mga walang kwenta ang prinsipyo sa buhay ay napapangiti ako, sila na kasabay kong mangarap at mga nangako na sama sama parin kami pag nakamit na namin ang tagumpay.

Isang bagong araw naman at dating gawi, tambay sa school canteen kasama ang aking libro, at bibili nanaman ulit ako ng kape.

Nang malapit na ako sa coffee machine may kasunod akong lalaki. Hindi ko ito pinansin, amoy pawis sya at nagmamadali akong ihulog ang limang piso, sa kasawiang palad, pagkatapos ng kakatwang ingay na nagmula sa coffee machine ay walang nagawang kape.



"Anak ng pilay na tipaklong! Pag mamalasin ka nga naman!" bulong ko sa aking sarili. At dahil tamad akong magreklamo, bumalik nalang ako sa pwesto ko.

"Waaaaaaaaaaaaaah, Bwiset! Bakit punit ang page kung saan maganda na ang nangayayari?" kamot-ulo kong saad. 

Biglang dumating si Zel.

"Li-li-li-lin? S-s-s-sino yang katabi mo?" Tinitigan nya ko na para bang luluwa na ang mata nya at akala mo ay nakita si Micheal Jackson na sumasayaw ng thriller.

"Ha? Pinapairal mo nanaman yang imagination mo. Wala pang nagkamaling tumabi sakin!" Napalingon naman ako sa kanang pwesto. 

"Wooooh! Ang sarap talaga ng kape! Ah? Pasensya ka na. Naabala ba kita?" saad ng nilalang na nasa tabi ko.

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon