CHAPTER 4

34 3 0
                                    

PAYNALI

YEON-AH'S POV

"Happy Mood ka?" tanong ni Jake pero di ko pinansin. "Parang kanina lang pulang-pula yung mukha mo." pagpapaalala ni Jake kanina kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Oo nga pala! Gaano kamula mukha ko! Gago! Nakakahiya!" sabi ko at sinampal yung mukha ko. Unbelievable

"Gago! Sobra!" panong sobra? Daig ba yung red lipstick ni mama?

"Parehas pala kayo ng middle initial ni Xichen." bigla kong sabi.

"Obob ka? Malamang pinsan ko sya sa side ni mama! Mama ko mama nya magkapatid!" paliwanag nya with galit.

"Magkwento ka nga about kay Xichen!" utos ko sakanya.

"Eh! Ayoko nga!" tanggi nya.

"Sige na! Bibigyan kita ng cake na binake ni mama!" gusto nya kasi yun. Sana mapa oo ko sya.

"Sige na nga! Kahit labag sa kulangot, muta, dugo, libag ko." sabi nya. Sana ganun ko din kabalis mapa-oo si Xichen. Napangiti naman ako kasi umoo sya! Dapat be happy kasi about kay krass yung paguusapan namin.

"Si Xi, member sya ng basketball team dito. Magkaibigan si Qune at Xi, siguro. Medyo mainitin ulo ni Xi. Umaarte syang manhid pero ramdam nyang may gusto ka sakanya." gago? Literal? Pano magiging surprise yung confession ko sakanya kung alam nya na. "Ayaw ni Xi sa sweet. Kasama sya sa mga SSG, kasi Pres sya. Aware ka naman siguro na secretary ni Xi si Qune?" tanong nya. Ayaw ni Xichen sa sweet? Pano yan! Sweet ako! Matamis pa sa sweet.

"Gago? Seryoso? Hindi ko alam yun!" totoo naman! Di ko alam yun!

"Tsk! Tabi nga! Ako dapat yung kapatid ni Qune hindi ikaw!" sabi nya at umirap.

"Gago! Ib-block kita! Wala kang sinasabi na ganyan!" ib-block ko talaga sya! Mamaya.

"Ulol! Malay ko ba! Kapatid mo si Qune kaya dapat knows mo yan! LolU." Di porket kapatid dapat alam yung mga keneme cha-cha sa buhay nya.

"Wala naman kasi syang sinasabi sakin." nakakasad. Look oh! Sad na ako.

"Hala! Halatang di open kapatid mo sayo. Kasad naman nyan!" parang sarcastic nyang sabi.

"Buti pa ako! Yung kapatid ko open sakin." pagmamayabang nya.

"Gago ka? Ano nasinghot mo? Baka pwede mong ishare it. Gago! Yung kapatid mo kinder! Syempre bata, open yung mga bata sa matatanda nilang kapateyd!" gago po talaga si Jake. Halata! Alam ko yun! Halatang-halata.

"Eh! At least open sila sakin."

Edi ipilit mo!

"Crush mo ba si Xi?" bigla nyang tanong, hindi ko expect yun.

"Hindi."

Kasi mahal ko sya... Yieeee
UnANG aRAw MInahAL nAKITa~~

"YoU'RE NOT GOod AT LyiNg." edi ikaw na magaling magsinungaling.

"Kinakana mo? What do meyn~? Ohh~?" kanta ko.

"Gagi! Halata kayang krass mo si Xi! Grabe teteg mo sakanya. Nagblush ka pa! Yieee. Lumalove life kana ah!" pangaasar nya.

"Edi ikaw maging bridge namin." wala sa sarili kong sabi.

"Alal mo! Kala mo di ko forget yung ginawa nyong tatlo doon sa nililigawan ko dati." edi sowri.

"Hindi naman namin sadyang lagyan ng spinach yung pinaluto mo samin, i mean na sa ingredients na yun! Hindi naman namin alam na allergic sya sa spinach." totoo naman! Pinaluto nya samin yung may ingredient na spinach.

"Shot down!" robot ba ako? Bakit shot down? Diba dapat shut up.

"Tulungan muna kasi ako! Pleys!" pamimilit ko sakanya.

"Hindi ko naman alam kung pano anuhin yung pinsan kong yun. Ang alam ko lang mainitin ulo. Kaya alam kong ayaw nya ng sweet. Remember teh? Nagdala ako ng binake ni Tita Unice na cake, saktong andoon sya sa bahay. Inaalok ko sya, kahit din sila Jay at Jennie inalok na din sya, ayaw nya. Maliban sa chuckie, adik yun doon." kwento nya.

Parang ang sakit sa heart. Ayaw nyang tikman yung bake ni mama.

"Halika na nga." yaya ko kay Jake at bumalik na kami sa classroom.

Babawiin ko na yung request friend ko sakanya. Pinaghirapan ibake yun ni mama tapos ganun lang?

Anyways, uncrush ko na sya.

Perio--

"Yuna, right?" pakineng shet.

Kuya Igop, say my name again, pwiss UwU~

Iu-uncrush sana kita kaso nevermind, crush ulit kita.

"Oo, bakit?!" kunwari galit tayo.

"The fuck. Here." medyo inis na sabi nya, sabay abot ng ID ko kaya napatingin ako sa ID lace ko. Ayy sheymss wala nga. Agad kong kinuha yung ID ko.

"Thank--" ayy bastos. Magt-thank you na sana ako kaso naglakad na kaagad sya papunta sa upuan nya.

Ouch!

Ang sakit. Tagos to the bone. Uuncrush ko na nga sya.

Prom--

"Want mo teh? Bigay yan ni Xi. Akin na lang sana kaso, mukhang--meron ka ba ngayun? Sabi ni Xi, ilayo daw kita sakanya mukha daw meron ka ngayun." kwento ni Jake habang hawak-hawak yung chocolate bar.

Kilig overload

Para syang concern sakin. Owmagad!

"Pano nya yun sinabi?!"

"Eh! Ayoko! English. Nosebleed attack. You know." sabagay, mahirap naman talaga mag english.

Umupo kami ni Jake sa upuan namin bago mag tanungan ulit.

"Oo nga pala. Sa pangalan palang ni Xichen, halatang chinese na sya. So it means half ka din?" owmaygod. Besprend nya ako almost 1 decade tapos owmaygod, i can't.

"Half?" the heck. Lutang spotted.

"Half tao, half tae."

"Ang bastos nito." inis na sabi nya. "Ano nga kasi yun?" tanong nya.

"Half chinese ka ba?!!" sigaw ko.

"Hindi ko nga alam kung may dugo akong pilipino eh, kasi. Si mama 1/4 lang yata syang pilipino, may dugong red si mama."

"Kinakausap kita ng maayos! Sasapakin kita!" pagbabanta ko.

"Ito na. Si Papa, ewan ko kung anong klaseng dugong meron sya." tangina~!

"Si mama, may lahi syang japanese, tapos chinese, tapos pilipino. Yun! Sure ako doon!" soo... Kalahi ko pala tong putrages na to!?

"Shock ka?" tanong nya.

"Hindi, nagulat lang kasi hindi ko expect na kalahi kita." tangina! Mas gulat pa sa shock. I can't.

"Si papa, ahhh! Alam ko na! Natandaan ko tong sinabi ni mama! Sabi ni mama may lahi daw si papa na korean. Tapos pilipino" kwento nya. Ang dami naman ng lahi nya.

"Wala ka bang lahing bulldog?" nakakapagtaka lang, medyo hawig nya yung aso ng kapit-bahay nila pero wala syang lahing bulldog.

"What--sa gwapo kong toh! Tingin mo may lahi akong bulldog?!! Unbelievable!" masyado syang na offend.

"Oo, tingin kong may lahi kang bulldog. Tangapin mo na yung truth!" pangaasar ko lalo

"Shut up!" irita nyang sabi pero patuloy ko parin syang inaasar.

Totoo yung sinasabi ko! Half tao, half bulldog, half tae talaga si Jake.

THE LAST SECTION [ON-GOING] Where stories live. Discover now