Ranked #01: Sound

444 43 1
                                    

Chapter 01: Sound

Jeremy's Point Of View

Hindi ko na maisip pa kung ano na ang gagawin ko para lang mas mapadali ang pagpapatakbo ng kotse papunta sa bahay.

Kinakabahan ako pero hindi ako sigurado kung saang parte ako talaga kinakabahan. But I'm not sure what that thing really is na inaalala ko bukod sa kaligtasan ngayon ni Enerie.

"Admin. Nagmamadali kaba? Pwede mo naman sigurong hinaan lang ang pag da drive." Bigla namang sambit sakin ni Falcon na nasa likod na bahagi nitong kotse. Sorry Falcon pero kailangan ko talagang bilisan to.

"Sorry. May bisita kasi ako sa bahay baka hindi kona maabutan." Sagot ko naman at tinry ko ang best ko na maging casual and usual lang na sagot yun sa kanila para hindi nila yun paghinalaan.

Hindi ko sinabi sa kanila ang totoong dahilan kung bakit ako nagmamadali lalo na yung caller kanina dahil yun mismo ang utos sakin ng caller nayun.

He said not to tell anyone about what I just heard kung ayaw kong tuluyang mawala sakin si Enerie. Kahit na hindi ko siya nakikita dito hindi ako sigurado na hindi niya ako makikitang nagsasabi sa iba kong kasama tungkol sa sinabi nito dahil malay nyo may mga kasabwat ang lalaking to na tumatawag.

I cannot risk anything unsure dahil siguradong malaking consequence talaga ang magiging kapalit nun kapag sinuway ko ang kahit isang salita ng lalaking yun sa telepono. Hindi ko rin masasabing prank to or ano dahil malamang hindi ganito sakin si Enerie. At dahil nga hawak ngayon ng lalaking yun ang cellphone ni Enerie hindi ko nagagarantiya ang buong kaligtasan niya.

"Okay kalang ba? Bakit pinagpapawisan ka yata masyado? May aircon naman tong kotse mo diba?" Tanong ni Eerie sakin kaya't napalunok nalang ako ng laway.

"Oily lang ang mukha ko wag monang pansinin yan."

"Pati leeg oily? Wag ka ngang magpatawa." Matalinong sagot din naman nito pabalik tsaka ibinaling sa harapan ang kaniyang tingin by the way nasa shotgun seat siya ngayon katabi ko. Ihahatid kolang silang dalawa sa isang malapit na street at lalakarin nalang din nila ang bahay nila.

Tahimik naman akong inis na napamura dahil nag red light ang traffic light sa harapan kaya't kahit na gustong-gusto konang pabilisan pa ang takbo ng kotse hindi ko yun magawa at labag sa loob nalang itong pinahinto. I impatiently waited for the red light to change it's color, so that i can continue driving right away.

Pero tila pinaglalaruan ako ng tadhana dahil may isang matandang lalaki na naka coat ng itim at cap na itim din na mahinang dumadaan sa pedestrian lane katapat ng kotse ko ngayon. At nung mag green light na hindi pa ako makatawid dahil hinintay kopang tuluyang makaalis sa harapan ang matanda.

Muntikan kona ngang ma pindot ang busina ng kotse ko para lang makaalis na agad ang matanda pero natitiyak kong paghihinalaan ako ng mga kasama ko ngayon dahil unusual na makita nilang naging inconsiderate ako sa ibang tao. Kaya't tiniis ko ang halos isang minutong pananatili para lang makatawid ang matanda ng safe sa kabila at nung sandaling makaalis na rin ito sa daan dire diretso kona ring pinalipad ang kotse at sa pagkakataong ito wala na akong pakialam kung ilang traffic light pa akong ma violate dahil kailangan kona talagang makauwi ngayon samin as soon as possible.

By the way hindi sumama si ate sakin ngayon dahil may ka meet siyang isang old colleague galing sa gaming company na pinagtatrabahuan nilang dalawa at hinayaan nalang naman ito ni Eerie dun dahil ang sabi niya wala naman daw siyang kinalaman sa dalawang yun. At isa pa, babae naman yung colleague ni ate so 100% na walang malisya yun sa kaniya. Unless lesbian. Joke.

Hindi nagtagal bumaba na rin sina Falcon sa isang madilim na street at siguradong ilang metro nalang din ay mararating na nila ang bahay nila mula dito kaya dito na sila nagpahatid dahil para daw hindi na ako kailangan pang mag U-turn pabalik dito sa main highway road.

"Kita tayo bukas. Okay?"

"Ingat kayo sa pag-uwi." Saad ko din naman.

"Bye admin. Hinay hinay lang sa pag da drive. Hindi ko alam kung lasing kaba o hindi pero sana naman wag kang pasikat sa kotse mo."

"Baliw ka, Falcon. Umuwi kana nga."

"Aray! Masakit Eerie. Ilang daang beses mona ba akong nababatukan pero ni isa hindi pa kita nagagantihan."

"Tumahimik ka kasi para hindi na yun madagdagan. Ingat ulit Shadow."

"Sige." Natatawa ko namang saad sa kanila at nung nung sandaling tumalikod na sila at nakalakad na papalayo sakin sumeryoso ulit ang mukha ko at mabilis na pinaandar na ulit ng sobrang bilis ang kotse ko.

Medyo malapit lapit na ang bahay namin dito kaya't kailangan kopang bilisan dahil sobrang daming oras akong nasayang at nakakainis talagang isipin yun.

"Enerie. Don't worry, I'm coming." Bulong ko sa sarili ko at hindi nagtagal naaninag kona ang bahay namin sa may di kalayuan kaya't mabilis konang hininto sa tapat ng bahay namin ang kotse ko sabay hindi kona nagawa pang patayin ang makina nito at mabilis na tumalon palabas sabay muli itong sinara.

Patakbo akong lumapit sa main door ng bahay namin at nung isang metro nalang ang layo ng kamay ko sa doorknob ng pinto, "Bata! Sandali lang!" Bigla naman akong natigil sa paghakbang at napalingon saking likuran at napansin ang isang lalaking naka black coat at naka eyeglasses na nakatayong nakapamulsa dun sa kabilang side ng street ngayon.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan dahil nasisigurado kong bago sakin ang mukha niya at hindi kopa nakikita ang mukha niya. He is a total stranger to my eyes pero natitiyak ko din naman na hindi rin siya isang masamang tao dahil yun ang sinasabi ng instinct ko.

"I'm sorry sir but i need to go inside for now." Sambit ko naman sa kaniya.

"No. Sorry for disturbing you instead. Just don't mind me at all." Misteryosong sagot din naman sakin ng lalaking yun at bahagya pa itong ngumiti kaya't kahit gusto ko siyang kausapin o tanungin kung bakit niya ako tinawag bigla, naisip ko din agad ang dahilan kung bakit ako nagmamadaling makauwi—it's to make sure Enerie's safety kaya't hindi na ako nagsayang pa ng sandali at binalik sa harapan ng pinto ang aking atensiyon.

Mas nilapitan kopa ang pinto at hinawakan agad ang seradura nito at nung akmang itutulak kona ito nang mabilisan bigla nalang akong natigilan nang biglang tumunog ulit ang phone ko na hawak hawak ngayon ng isang kamay ko.

Nanlaki ang mata ko nang mapansing phone number ulit ni Enerie ang tumatawag sakin kaya't mabilis ko din itong sinagot. "Enerie! Ayos kalang ba?!..."

"Toot...."

"Toot...."

"Toot...."

That sound is coming from the very phone i'm calling right now. What is the meaning of this?! It is a slow sound repeating and repeating it's same tone from my ears.

"Enerie? Nandyan kaba?" Saad ko at nung sandaling binuksan kona ang pinto,

"Tot-tot-tot-tot-tot-tot-tot!"

Bigla nalang bumilis ang tunog nayun mula sa slow beeping bigla itong nag rapid beeping na dahilan para bigla akong kabahan at hindi nagtagal bigla nalang itong tumigil at kasabay din nun ay bigla bigla nalang ding sumabog ang buong loob ng bahay na nasa harapan ko ngayon mismo kaya't dahil sa sobrang lakas ng blasting effect na naganap mabilis at malakas akong napatalsik papalayo sa sumabog na bahay na nangyari pang lumagpas ako sa ibabaw ng kotse at pumagulong ang katawan sa gitna nitong sementadong kalsada at hindi agad ako nakagalaw at naramdaman ko nalang ang dahan dahang pagdaloy ng likido mula sa mahapding noo ko patungo sa pisnge ko hanggang sa pumatak ito sa semento ng ilang beses pero wala akong sapat na lakas para pahirin pa ito dahil nga  sobrang nabigla ako at nanghihina.

Nawalan din ako ng pandinig at isang nakakasakit na tunog lang sa tenga ko ang aking naririnig dahil sa sobrang lakas talaga ng nangyaring pagsabog nayun. And the last thing I remember bago ako tuluyang mawalan ng malay ay ang isang pares ng paa na tumayo sa harapan ng mismong mukha ko na naka sideview ng higa sa semento.

-_<
GRIMMREAPER18

A\N: Short chapter for the new beginning of this book. Isa lang ang sasabihin ko. Don't mistook this volume to be a tragic one because it certainly is not. Mabait ako kaya sinasabi ko to sa inyo. See you sa next update!

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon