Isang linggo. Isang linggo na pala ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Napahawak ako sa aking tiyan. Hindi pa naman klaro. Sunod-sunod nadin ang pagkahumaling ko sa iba't ibang pagkain. Napakahirap dahil tinitipid ko ang perang nasa akin ngayon. Marami ang tumulong sa pagkamatay ni mama. Marami ang nagbigay at ang sobrang pera na nalikom ko ay itinago ko.
Palagi rin akong inaantok sa klase. Sa tuwing magkasama kami ni Apollo ay either tulog ako o kumakain. Hindi parin alam ni Apollo na buntis ako.
Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya dahil natatakot ako na baka ewan niya ako. Na hindi niya matanggap ang pagdadalang tao ko.
“You're sleepy?” Napatingin ako kay Apollo. Umiling ako. Sabado ngayon at niyaya niya akong mamasyal.
Hindi sana ako papayag pero nagpumilit ito. Naisip ko rin na kailangan ko rin palang lumabas para suminghap ng sariwang hangin.
Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Specifically kanina pa pinagtitinginan si Apollo ng mga babae. He's too handsome for this place.
“Let's eat?” yaya niya. Tanging tango na lamang ang naging tugon ko. Naingganyo rin kasi ako sa mga pagkain na nasa paligid namin.
Nag request ako na dito na lang kami sa park maglakad-lakad, pumayag naman kaagad ito.
“Okay lang ba sa'yo kumain ng pagkain dito?” tanong ko. Hinawakan niya ang baywang ko at ngumiti.
“Of course.”
Lumapit kami sa isang stall kung saan nagbebenta ng mga street foods. Halos lahat ng paborito ko ay narito.
“Kwek-kwek?” tanong nito. Alam kasi niyang paborito ko talaga ang kwek-kwek.
Tumango ako. Bumili siya ng limang kwek-kwek at tempura. Pagkatapos ay naghanap na kami ng upuan.
Marami namang upuang nakakalat sa park dahil madami talaga ang pumupunta rito.
Sinubo ko na ang kwek-kwek pero biglang sumama ang pakiramdam ko. Bumaliktad ang sikmura ko nang maamoy ko ito.
Hindi ko na napigilan ang sarili at nasuka na ako sa gilid. Agad namang hinagod ni Apollo ang likod ko.
“Are you okay? What's wrong?” nag-aalalang tanong nito. Hindi ako makasagot sapagkat patuloy lang ang pagsusuka ko.
Hinawi niya ang buhok ko. “I will bring you to the Hospital!” Tatayo na sana siya pero agad ko siyang pinigilan.
“W-Wag okay na ako.” Bumalik siya sa pagkakaupo at alalang tinignan ako.
“Baka napoison ka?” tanong niya. Umiling ako. Hindi ko pa naman nakakain 'yong kwek-kwek eh.
“Okay lang ako, wag kanang mag-alala sa'kin!” Ngumiti ako para hindi na siya magdududa pa. Inilayo ko ang kwek-kwek saakin at baka masuka ulit ako.
Hinawakan niya ang kamay ko at piniling ako sa balikat niya.
“If you're not feeling well, ihahatid nalang kita pauwi?” offer niya.Umiling ako. “Okay lang ako ano kaba.” Hinaplos niya ang buhok ko. Nakaugalian na talaga niyang haplusin ang buhok ko.
“Mahal na mahal kita Safira.” mahinang wika niya. Pumikit ako.
“Mahal na mahal din kita Apollo.”
“Don't give up okay? I'm always here. One day you will finally reach your dream and by that time I want to be part of your success. Gusto kong sa lahat ng milestone mo nandon ako. Don't let these trials stop you from pursuing your dreams. There's always hope beyond deprivation love.”
Napangiti ako. Kahit kailan talaga ay hindi siya nagkulang na sabihan ako na lumaban. Isa si Apollo sa mga taong rason kung bakit ko kailangang lumaban at manatiling matatag sa kabila ng lahat.
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
Novela JuvenilHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...