Kabanata 40

14.2K 526 203
                                    

Kabanata 40

NAGISING kinabukasan si Ivler na wala na sa tabi niya si Phiam kaya dali-dali siyang bumangon at hinanap ito matapos makapaghilamos at magsipilyo. He missed his room so much that he had the best sleep he ever had since Linus lost his memories. Tila pakiramdam niya kahit paano ay nabawasan din ang bigat na dinadala niya.

When he heard Phiam's familiar giggles coming from the kitchen, Ivler walked towards it and saw Phiam sitting on the kitchen counter, his dad was on a stool holding Phiam by his sides to prevent him from falling. Panay naman ang sulyap ng kanyang mommy sa dalawa habang ngumingisi tuwing naririnig ang hagikgik ni Phiam.

"Come on, who's the most handsome man on Earth, buddy?" tanong ng kanyang daddy.

"Daddy Ivler," sagot ni Phiam kaya kiniliting muli ng daddy niya. "Pops po, pops Azul!" bawi nito kalaunan nang hindi na kilitiin pa.

"Hay, naku Azul hindi ka talaga nagpapatalo. Mamaya mabusog na 'yang apo mo sa katatawa at hindi na mag-almusal."

Apo mo...

The term his mom used to Phiam melted Ivler's heart. Pakiramdam tuloy ni Ivler ay nananaginip pa rin siya kaya nang makita siya ng mommy niyang nakatayo sa bungad ng kitchen, hindi siya kaagad nakagalaw nang lumapit ito at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Good morning, anak," nakangiting bati ng kanyang ina.

Ivler's heart throbbed. Niyakap niya ito nang mahigpit saka siya humugot ng malalim na hininga. "I missed mornings like this, mom. Thank you for taking me in again."

"Kagabi ka pa thank you nang thank you, Ivler. Ilang beses ba naming sasabihin ng daddy mo na hinihintay ka lang naman naming umuwi?" Kumalas ito ng yakap at inipit ang tungki ng kanyang ilong. "Ang sarap ng tulog mo hindi ka namin magising kanina no'ng kinuha namin si Phiam. Hindi pala sanay sa cereals? Mas gusto raw ng kanin kaya ngayon pa lang makakakain."

"Nasanay po. I always make sure he eats heavy breakfast just like what you always serve to me and kuya." Nahagod niya ang kanyang tiyan. "Is that garlic rice, mom?"

"Umupo ka na sa tabi ng daddy mo at kakain na."

Ngumiti si Ivler at lumapit sa daddy niya na kaagad kinandong si Phiam na akala mo naman ay aagawin niya ang bata. Palibhasa ay hindi pa nagkakaanak ang kuya Alvern niya kaya naman parang si Phiam ang pinakauna nitong apo.

He's happy with how his family accepted Phiam as their own, just like how his dad told them that eventhough they had a hard time accepting his sexuality before, kalaunan ay natanggap din nang makitang masaya naman siya. Sadyang hinintay lamang din ng mga ito na siya ang kusang magpakababa at umuwi upang maiayos ang kanilang pamilya.

Last night, they talked about everything. Nalaman niyang alam na ng mga ito ang sitwasyon dahil ina-update ito ni Alvern. Napag-usapan din nila ng daddy niya ang tungkol sa nangyayaring bentahan ng players. He learned that Keios Ducani, Keison's father, is about to take over the team to finally put an end on the sabotage cases they are facing.

"Your ninong Keios is hoping that you can join the team again. Nakausap ko siya kanina, Ivler," anang daddy niya nang mapanood nila sa news habang kumakain ang announcement tungkol sa pagkakatanggal ng daddy ni Macey.

Well now that he's keeping his distance from Linus, might as well start working on himself again and go back to what he loves to do. Siguro ito na rin ang daan para maiayos niya ang gusot sa pamilya niya pati na ang nangyari sa career niya. Sabi nga, kung may nawala ay mayroong babalik.

"Can I still qualify for the finals?"

"Technically, your name is still part of the final list the team submitted in the beginning of the season. You will still qualify for the last game."

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon