Kabanata 41
NAUNANG lumipad patungo ng London sina Ivler at Phiam para sa trainings niya upang makahabol sa darating na finals. Inabangan naman sila ng kanyang kuya Alvern sa airport, at nang makarating ay kaagad siyang binigyan ng mahigpit na yakap.
"Bro, good to see you trying to get back on track again."
Ivler flashed a smile. "I guess it's for the best, kuya." Huminga siya nang malalim saka tinignan si Phiam na kanina pa wala sa mood. "Phiam, magmano kay tito Alvern, nak."
Alvern looked happy with how he's treating Phiam like his own. Yumuko naman ito at ginulo ang buhok ng bata saka pinisil ang pisngi. "Pogi, ah? Hi, big boy."
Yumakap si Phiam sa kanyang binti bago nahihiyang kumaway kay Alvern.
"Hindi sanay sa panget 'to," biro ni Ivler sa kapatid dahilan upang mahina itong matawa saka siya nakangising tinaasan ng kilay.
"Oh, eh bakit sumasama sa mas panget?"
He mouthed a curse at his older brother before they both chuckled. Mayamaya ay niyaya na sila ni Alvern na umuwi sa family house ng pamilya Beckham sa London kung saan si Alvern ang tumatao.
Nang marating ang bahay, hindi na nakatiis pa si Ivler. Matapos niyang bihisan ng damit si Phiam ay kinandong niya ito at masinsinang kinausap nang mapansing malungkot talaga ito.
"What's wrong, Phiam? Masama ba ang pakiramdam mo? Is it because of the plane?" he asked in a fatherly tone.
Phiam shook his head, his innocent brown eyes stared at Ivler. "Daddy, bakit niiwan daddy Linus? Ayaw niya sasama? Takot siya sa airplane?"
Kumirot ang puso ni Ivler sa tanong ng bata. He's been trying to avoid any conversation about Linus even when they're at Bayou. Kapag nagtatanong si Phiam tungkol kay Linus, mabilis siyang naliligtas ng mga magulang niya dahil alam ng mga ito kung gaano kasakit sa kanya tuwing nababanggit ang pangalan nito.
Napahugot na lamang siya ng hininga saka niyakap si Phiam. "He's... still sick, Phiam. I guess we have to wait a little more. Don't worry, daddy Ivler will always be here for you, makaalala man si daddy Linus o hindi." Hinalikan niya ito sa ulo saka niya tinignan sa mga mata. "Wanna play outside at the park? They have a really huge park here."
Excited naman itong tumango-tango. "Daddy, wala snow. Wala ako nakita sa labas wala snowman."
"That's because snow doesn't stay on the ground for long here, Phiam."
Napasinamangot ito. "Sabi ng pops meron? Sabi niya mag-build kami ng Olaf?"
"He's probably gonna take you somewhere else once he gets here. Kapag umuuwi kami rito noon, pumupunta kami sa ibang parte ng Europe para makapaglaro sa snow. Sometimes we go to the US, too and do skiing in the mountains. Kapag malaki ka na, we'll snow board, Phiam. Daddy is good at snow boarding but tito Alvern is better."
Tinignan nito ang sarili at inituro. "Malaki na ako malaki pa ako kay Keina, daddy eh. Big ako sa kanya ng ganito, oh." Phiam showed an inch using his finger. "'Di ba, daddy malaki na ako? Big baby na ako?"
The curve on his lips slowly faded away and his eyes suddenly turned sad. Bigla niyang naalala si Linus dahil sa "big baby". Napabuntong hininga tuloy siya at mapakla na lamang na nginitian ang anak-anakan.
"Of course, Phiam. You are daddy Ivler's big baby and I love you so much." Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Phiam, remember when daddy said that I am not the tree where you, the fruit, came from?"
Tumango ito. "But ikaw ang basket na nagki-carry kay Phiam, daddy 'di ba?"
"That's right, son. Hindi man si daddy Ivler ang real dad mo, hindi man gaya si daddy ng ibang tatay na mayroong mommy na kasama sa buhay, ano ang sabi ko sayo, anak?"
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...