Nasa skul noon ang magbestfriend na si Myca at Raven nang hiramin ni Myca ang notes ng bestfriend niya dahil isang linggo siyang absent sa skul.Nang binuksan ni Myca ang notebook ay may nakita siyan nakasulat na " M.J I love you so much!!!" Nakaramdam nang kirot sa puso si Myca nang makita ang simbolo nang pangalan nang pinakamagandang babae sa room nila,si Mandie Jaravilla, kaya dinaan niya na lang ito sa sa joke.Tinukso niya ang bestfriend sa kaklase nilang may M.J ang pangalan.
Myca: WOw bhest ha! Crush mo plah si Mandie Jaravilla ha, hahah (ansakit! sa loob-loob lng ni Myca)
Galit na hinablot ni Raven ang notebook niya kay Myca.At bigla tumaas ang tono nag
g boses nito.
Raven: Mandie Jaravilla ka diyan, Pag M.J siya na agad?
Myca: Eh! Ayaw mo pang umamin eh!!
Raven: Ewan ko sayo!!(napipikon na sabi niya)
Natapos na ang isang linggo ay di pa rin siya kinakausap ni Raven.Miss na miss niya na ito.Si Raven ang crush na crush niya since grade 3 sila hanggang ngayong 4th year hayskul na sila.Kahit na nagkakasalubong sila sa skul ay di niya pa rin magawang kausapin si Raven dahil parang palagi itong may hinahabol.pag di nagmamadali,palagi namang busy.
*Beep
Nasa bahay si Myca noon nang may narecieve siyang message na hindi niya kilala kong kanino yung number.
(Sa text)
Unknown: HI:)
Myca: Hu u?
Unknown: Wow! Hu u talaga?
Myca: Bakit sino ka ba?
Unknown: Sorry ha..
Myca: Ha? Bakit?
Unknown: I Love You!
Myca: What!?Sino ka ba?
Unkown: Your Secret Lover Boy :)
Myca: hahhah Asa!Ako?May Lover Boy?? Ansave? ansama mong magjowk te..
Unknown: Di ah! Ang ganda mo kaya at ang bait mo pa:)
Myca: Haixt! cnu ka ba talaga?
Unknown: Makikilala mo rin ako sa Monday:)
Myca: huh?
Unknown: (blank message)
Unknown: I love You!
Unknown: :)
Kinabukasan may pasok na, pagkalabas na pagkalabas ni Myca sa gate nila ay may nakita siyang mga arrow at trampoline sa daan patungo sa school nila na may nakasulat na follow me..sinundan niya yun at nang nakarating na siya sa gate nang school ang tahimik,nagtaka siya,dumiretso siya sa classroom..ang dilim,tapos isa-isang nagsindi yung kandila..tapos nagulat siya nang may spotlight na tumutok sa kanya.Mula sa likod nang mga estuyanteng nakahawak ng kandila ay lumabas si Raven.Nagulat siya nang magkita ito.
Raven: Myca alam ko naguguluhan ka kung bakit nangyayari ito pero di ko na kasi kayang itago yung nararamdaman ko eh.Mahal na mahal kita.Since na naging magkaklase tayo noong grade 3 di na kita maalis sa isipan at puso ko,kaya masayang masaya ako at naging magbestfriend tayo,pero mahal na mahal talaga kita kay will you be my Girlfriend?
Di inaasahan ni Myca na ang taong pinangarap at minahal niya nang sobra-sobra ay nasa harap niya ngayon at sinasabing mahal na mahal siya nito..Napaluha siya at natarantang nilapitan siya ni Raven at pinahid ang mga luha niya.
Rven: SOrry ha..wag ka nang umiyak.Please...
Myca: Mahal mo ba talaga ako?
Raven: Hindi lang mahal bhest. Mahal na mahal na mahal kita sobra! at yung M.J na nakita mo sa notebook ko ikaw yun Myca Jevero. I love you so much!
Napangiti si Myca sa sobrang kilig at niyakap niya ito binulong niya ritong.." Mahal na mahal din kita Raven Javillo tinatago ko lang para di mo mahalata"
At nagyakap silang dalawa at lahat nang estudyante roon ay tinukso sila para maging dahilam para i-kiss nila sa pisngi ang isat-isa.
The End:)
Sana nagustuhan nyo po :)
Please comment and Vote!!
#MiJoReLa