"You are beautiful!"
congratulations graduates!!!
___________________
Sa kasamaang palad hindi ko na send and dapat na sagot ko kay Zick sa Ask.Fm. Now, I am preparing for a public appology.
"Love my shirt today, Go #SCU Womens Basketball Team #Go4theWin"
I captioned on my photo in my Instagram post.
I am on my way to the Arena, walang kasama kasi si Cia umalis for a seminar. I am about to turn on my left ng nakita ko ang team papasok na sa locker room.
"Inaaaa" tawag ko kay Winona.
"Trincs! Glad you're here." sabi niya.
"Of course! I'll be here talaga to cheer you. Goodluck girls!" sabi ko.
"Thanks babe." sabi naman ni Calvin, student manager nila.
"Heee, wait nasan si Zick?" palinga-lingang tanong ko.
"Kasama si Coach Seth sa rest room." sagot ni Carol.
"Trincs, una na kami ha? We need to meditate, see you." pag-papaalam ni Winona.
"Oo nga pala, Sorry and Good luck again. Kayang-kaya niyo yan."
Nasa rest room siya? I bit my lower lip.
My ever favorite place with him.
Pumapasok kasi si Zick noon sa ladies room pag galit ako at ayaw ko siyang kausapin, he even enter the cubicle where I am in pero syempre tapos na ako ready to go outside. Haaay.
"Trincs nandon sa kabila yong pang girls" tawag pansin sa akin ni Seth.
"Ah, yah I know. Seth pwede bang pumasok?"
"Ha? eh pang lalaki to eh at may tao pa sa loob."
"Gusto ko kasing kausapin si Zick."
"hintayin mo na lang siya dito, baka mapagalitan tayo."
"Seth, I know naman na di ka papagalitan dito, pleasee? please?"
Hindi ako nagpa-puppy eyes ha? Bulldog eyes lang."Haay trincs, kong sabagay para ma inspire din siya, wait lang."
Pumasok siya ulit sa loob. I've waited 1 minute bgo nagsilabasan ang lahat na nasa loob. He then sign me na pwede ng pumasok.
"Thanks Seth it means so much to me."
He just smiled at me.
Pag pasok ko.
"Hinayaan ko nga siyang umalis kasi I want to make it up to her."
May kasama pa siya. Taratado tong si Seth.
"So pakana mo lahat ng yon?"
"I wouldn't allow anybody to hurt or touch her. Nag kataon lang na ganon. I don't have to explain to you."
"Bakit mo hinayaan na mahawakan siya?"
"I found it very reasonable para magalit ako sa kanya, but you know what happened to that lesbian."
Who is he talking to? and who are they talking about?
"Oh yes muntik ka ng mabilanggo kasi papatayin mo talaga siya. Zick, bumalik ako para sa kanya."
"Hindi ako papayag na makukuha mo uli si Trinca."
Shiyt! I can't think of anything.
Dali-dali akong umalis.