"Nay, uhmmm pwedu ko bang iwan sa inyu si Lyn ng apat na araw?" Hindi naman nagulat si nanay pero tong dalawang to. Jusko.
"Hala bakit? Bakit ha? Mag tatanan ka? Iiwan mo anak mo sa amin at kunwaring babalikan pero yung totoo hindi nababalikan?" Pinalo ni nanay ang braso ni ate Kie na kakauwi lang kaninang umaga.
"Ate! Hindi ko naman magagawa yun ni Kate, ikaw talaga. Naiwan mo ata utak mo sa pinanggalingan mo eh." Pambabara sa kaniya ni Lander.
"Gago! Makisama ka nalang sana, hindi yung naninira ka ng trip dyan. Tawag kasi dito entry, tamo kakauwi ko lang kanina." Tinawan ko lang si ate.
"Ito nga ate, meron kaming business trip ng boss ko, eh secretary nga ako kaya kailangan ako ang kasama." Panimula ko. "Nababahala lang ako dahil kay Lyn, kilala nyo naman ang batang yun, dalawang taon palang at umiiyak pag hindi ako nakikita, kaya nahihirapan akong iwan sya." Gulong gulo kong saad.
"Okay lang naman kong iwan mo si Lyn sa amin, pamilya narin naman ang turing namin sa kaniya kaya walang problema kong maiwan sya dito. Nandito naman ang tita ninang at tito ninong nya." Sagot ni nanay na willing talagang bantayan anak ko.
"Bet ko ding bantayan ang cutie kong pamangking yun." Sagot ni ate,
"Wala ding problema sa akin, I want to buy her more ice cream. Hahahah." Tingnan nyo tong mga to, kahit di sabihin ni ate Kie yun din nasa isip nya.
"Thank you po nay, ate Lander. Pero shuta kayo, wag nyo namang i-spoil yan sa ice cream, baka masanay at hanap hanapin kayong dalawa ipapa sponsor ko." Nag kibit balikat lang sina na mukang walang problema. Mahal talaga nila anak ko.
"Kay Darklyn nalang ako magpapa alam, sana naman payagan ako ng batang yun." Natawa silang tatlo dahil sa itsura ko.
"Hahah. Look at your face Kate, para kang takot sa nanay mo mag paalam." Nginusuan ko lang sya.
"Amma!!!" Napatayo kaming lahat at dali daling pumunta sa kwarto ko kong nasaan si Darklyn,
"What happened anak?!" Nag aalala kong tanong nang makalapit sa kaniya.
"I'm hungry amma," naka puot nyang sagot. Napahinga naman kami ng maluwag dahil sa sagot nya.
"Baby, wag kang sisigaw ng ganon okay? Pinag alala mo kami," ngumiti sya at nag peace sign.
Binuhat ko sya at naglakad kami patungo sa kusina. Umaga palang ngayon at usapan namin ni sir ay alas dies kami aalis, magkita nalang daw kami sa airport.
"Mommy cook pancake for my sweetie pie, do you want pancake?" Malapad ang ngiting tumango sya.
"Good baby, and mommy want to tell you something." Sumeryuso ito nang makitang seryuso ako.
"What's it amma?"
"Mommy will be gone for four days, is that okay with you? Meron kasi kaming business trip baby, para sa work ni mommy, bawal akong tumanggi kasi mawawalan ng work si momny, you want that?" umiling sya. " I don't want that too, kaya mamaya aalis si mommy pwedi ba? Para mabilhan kita ng maraming toys, ice cream at barbie. Gusto mo yun?" Tumango sya pero walang ngiti sa labi.
Juskonh bata to, ang talino. Huhuhu san nag mana to? Mga ganitong edad ata ako puro dede lang alam ko. Pero itong anak ko? Naiiintindihan ako.
"Are you allowing me or no?" Kinakabahan kong tanong, matagal syang sumagot na mas lalong nagpa kaba sa akin, ganon din ata ang nararamdaman nila ate kasi makikita mo talaga yun sa muka nila.
"Yes po mommy," napahinga kami ng maluwag dahil dun.
"Talaga baby? Dika iiyak? Dika galit kasi dimo makikita si mommy?" Umiling sya.
"Why do I need to stop you work? Eh your doing that for me, I'm so proud to be your daughter amma," baby?
Niyakap ko habang tumutulo ang luha. Shemss, naiyak ako, her words kasi napaka touching, sa edad nyang yan naiiintindihan nya na ako at nakakapag salita na ng ganiyan.
"Omg Tin! Napaka talino ng anak mo! San nag mana yan eh boplaks ka naman." Ate talaga nag mo-moment ako pero panira.
"Kala mo naman talino eh nu," pambara sa kaniya ni Lander.
"Ang talino mo talaga baby, salamat sa pag intindi kay mommy ah." She smiled at nodded.
Pinakain ko na sya at binilhan muna ng ice cream bago umalis.
"Babye amma!" Sigaw nya mula sa gate.
"Babye my cutie pie, wag mag papasaway kay tita ninang at tito ninong ah, lalo na kay lola mama."
"Yes po amma, take care!" Nag flying kiss pa ako bago pumasok sa taxi. Hindi kasi ngayon papasok si Lander, tsaka sa airport rin tungo ko kaya baka maka istorbo pa ako don.
Kabado ako kasi wala akong kaalam alam kong saang lugar kami pupunta basta ang sabi nya ay sa beach daw, kaya lahat ng mga dala kong damit ay pang beach lang din.
Inaantok pa nga ako eh, haytss. Pano ba naman kasi anong oras na ako naka tulog kagabi kakaisip kong saan kami pupunta.
Saan ba kasi kami pupunta? May pa secret secret pa kasing alam yun pala ang balak ay itanan lang ako. Joke. Hahah pero malay nyo, hahah di na ako tatanggi sa grasya.
Nakarating ako sa airport pero yung boss kong yun diko mahanap. Jusko baka late yun, wag naman sana.
It-text ko na sana sya ng may kumablit sa likuran ko, nilingon ko ito at napatulala ako sa kaharap kong Goddess,
"OMG! Diyos kaba? Bakit ang gwapo gwapo mo?" Kunwaring gulat kong tanong habang hinihimas himas pa ang muka.
"Hahahha siraulo ka talaga Miss Montiesh." Tamo tinawanan lang ako eh seryuso yung sinabi ko.
"Totoo kaya yun, ayts. Bala ka nga, tara na, san ba tayo pupunta?" Tanong ko dito.
"Secret," ngisi nyang sagot.
"Saang lugar yang secret?" Tumigil ito at matalim akkng tiningnan.
"Joke po. Edi secret po." Kunwaring magalang kong saad.
"Whatever."
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makasakay kami sa airplane, maski yung ticket ko diko hawak kaya diko alam kong saang parte kami tutungo.
"Sir san nga kasi tayo pupunta? Baka mamaya nyan itatanan mo na ako ah." Pagbibiro ko na diko ineexpect yung sagot nya.
"Pwedi rin naman." Laglag panga akong tumingin sa kaniya.
"Kidding Miss sexretary,"
"What? Miss what?!"
"Nothing." At di na ako pinansin.
Hayop na lalaking to. Nag earpods nalang ako at nag pa music para makatulog. Wala namang balak to sabihin san kami tutungo eh. Matutulog nalang ako para naman hindi ako antukin mamaya.

YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
RomantikJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...