How to love a single mom

0 0 0
                                    

                        CHAPTER 1

”kung wala kang pangarap sa mga anak mo , pwes ako meron!!!
parang ako lang ang gumawa sa mga bata na to , daig mo pa binata sa asta mo !tigilan mo na ako,kami ng mga bata mag hiwalay na tayo !!!! “  saad ni aya habang umiiyak kausap ang tatay ng kanyang anak sa kabilang linya.

“nasasabi mo lang yan kasi wala ako sa harap mo . mag usap tayo uuwi ako jan “ sagot ni luis sa kabilang linya

” hindi ka namin kailangan, wag ka nang mag papakita samin muli . hindi kita kailangan ,kaya kong buyahin ang mga anak ko ng mag isa !”  sabay patay ng cellphone ,

Nasabi ni aya nag lahat ng yon dahil sa sama ng kanyang loob sa ama ng kanyang mga anak ,matapos sabihin nito na “ anong magagawa nya wala syang pera “. habang si aya ay namomoblema sa kanyang anak na may sakit , may tatlo na silang anak ni luis ngunit si luis ay asal binata pa din , hindi pa ganap na buo ang responsibilidad nya

Nung nakaraang linggo lamang ay nawalan ng gatas ang kanyang anak ngunit hindi man lamang gumawa ito ng paraan , iyon lamang ulit ang sinabi “anong magagawa ko wala akong pera ?“ nung nakaraan linggo ay pinag pasensyahan nya pa ito at si aya ang gumawa ng paraan para maka hanap ng mauutangan pambili ng gatas ng kanyang mga anak .

ngunit ngayon ay naubos na ang kanyang pasensya sa pag titiis nya sa loob ng pitong taon ,pitong taon sila nagsama ngunit pasakit lamang at pahirap ang naranasan ni aya kay luis dahil napaka irresponsable at mama’s boy nito , pinagtiisan nya lang ito dahil ayaw nya ng broken family ,kahit noong una palang ay tutol na ang kanyang pamilya kay luis .

Sinubukan kausapin ni luis si aya inabangan nya ito sa laging dinadaanan ni aya tuwing sya ay pumapasok sa trabaho ,

”anung gingawa mo dito ? “ iritadong tanong ni aya
”ayusin natin to , para sa mga bata “ nag mamakaawang saad ni luis
”wala na tayong dapat ayusin!”  walang emosyon wika ni aya

” ano ? papayag ka nalang bang lumaki na walang tatay ang mga bata ? anong gusto mo lumuhod pa ako dito? “ at sya ngang ginawa ni luis ang pag luhod sa harap ni aya kahit na napakaraming tao sa lugar na yun

sya naman pag iwas ni aya , lumakad sya palayo dahil nahihiya sya sa pagluhod na ginawa ni luis ,. tumayo si luis at sinundan sya .
pinag titinginan na sila ng mga tao sa eksenang gingawa nila  ,.

”gusto mo bang lumaki na walang tatay ang mga bata ?” umiiyak na tanong ni luis

” bakit nag paka tatay kaba ? wala ka naman ginawa kundi matulog,mag cellphone at mag basketball , ni hindi mo kayang buhatin ang bata ng matagal, kung wala kang pangarap sa mga bata ! pwes ako meron ,” pag mamalaking saad ni aya

“anong gusto mong gawin ko para maging okay tayo ? “ walang tigil sa pag iyak si luis

“ mag hiwalay na tayo ! layuan mo nalang ako tsaka ang mga anak ko . kaya ko kahit wala ka !. galit na sabi ni Aya at agad syang sumakay sa jeep upang makalayo kay luis

wala ng nagawa si luis kundi titigan na lamang ang papalayong si aya

Wala ng nararamdaman na kahit anong sakit si aya .  sa loob ng pitong taon ng kanilang pag sasama naubos na ang pag mamahal nya sa taong akala nya makakasama nya habang buhay . na ipinag laban nya kahit sa pamilya nya  ,

agad nyang inopen ang ganyang cellphone ,at blinock sa kanyang social media si luis para tuluyan ng maputol ang kanilang ugnayan .

Kinabukasan ay agad na tumawag ang ina ni luis upang mag maka awa na balikan ang kanyang anak

” ineng magusap kayo ni luis para sa mga bata , kawawa naman si luis at iyak ng iyak at nakipag hiwalay ka na daw “, pag mamaka awa ni aling aurora

”wala po sa akin ang problema,na anak nyo na po , matagal na po ako nag papasensya pero sya lang naman po ang walang pag babago .” pag mamatigas ni aya

“ineng nakikiusap ako sa inyo , mag bakasyon kayo dito sa pasko ng mga bata at ipapasyal nant sila “

”titignan ko po , sige po papasok na po ako sa trabaho” walang emosyon saad ni Aya sa kanyang byenan

HOW TO LOVE A SINGLE MOMWhere stories live. Discover now