Kabanata 44

14.6K 552 161
                                    

Kabanata 44

LINUS groaned as he wiped the stain of blood on his lips. Parang naalog yata ang ulo niya sa lakas ng suntok na iyon, ah? Now he remembers to never make his big baby jealous at all cost. Dahil kung hindi siya natuluyan sa pagkakalaglag sa building, mukhang sa selos naman nito siya papanaw.

Pilit siyang bumangon at nagkamot ng likod ng tainga habang nakangisi. Matalim pa rin ang tingin sa kanya ng halatang galit na si Ivler ngunit imbes yata mangilag siya ay nagdiwang pa ang puso niya.

Malala na yata talaga siya. Galit na nga ito't lahat ay natutuwa pa siya dahil sa nakikitang selos sa mga mata nitong kung kaya lamang tumupok ay kanina pa siya natusta. Napabuga tuloy siya ng hangin bago bahagyang ngumuso. "My lips are bleeding. Maybe you should kiss it?"

Naningkit ang mga mata ni Ivler habang ang panga ay matinding umigting. Nang iamba nitong muli ang kamao ay sinalo niya na at ibinaba bago niya idinukdok ang kanyang mukha sa balikat nito.

Ivler stiffened when he gently kissed his neck before he inhaled his expensive manly perfume he remembers loving to sniff.

"Sorry na, love..." he uttered in a gentle and pleading way.

Hindi ito nakakibo kaya sasabihin na sana niyang hindi na nito kailangang magselos pa kay Micah kaya lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang pamilyar na janitress.

Nang makita sila nito ay napakamot na lamang ito ng ulo saka bumuntong hininga. "Kayo na namang dalawa? Diyos ko, hindi motel itong CR namin."

Pinalo nito ang pwet ni Linus gamit ang tangkay ng mop sa magaang paraan kaya bahagya siyang napahalakhak.

"What's your name, ma'am?" he asked the old woman.

"Rodora."

"I owe you a lot, Ma'am Rodora." Nakita niyang lumabas si Ivler kaya tinuro niya na lamang ang matandang babae. "I'll be back and pay you back for manifesting for us."

Pilit siyang sumunod kay Ivler ngunit nang makitang nakabuntot na si Sandro sa target, wala siyang nagawa kun'di unahin ito.

The lady agents who also followed them anchored their arms around his and Sandro's arm. Nanlamig tuloy siya nang makita kung papaanong naningkit nang husto ang mga mata ni Ivler bago ito tuluyang lumayas ng club.

Linus groaned in frustration. Pasimple niyang tinapakan ang paa ni Sandro na hindi niya mapigilang sisihin.

Sandro gritted his teeth and narrowed his eyes at him but Linus just glared. Bakit kasi siya kinaladkad ng kumag na ito? Siguradong lalong mag-aapoy sa galit si Ivler ngayong may babaeng nakalingkis sa kanya. Lintik na buhay! I just want some babe time, damn it!

Linus had no choice but to stick around longer than he planned. Nang sa wakas ay makawala sa mga kasamahan matapos makuha ang impormasyong kailangan nila, nagpahatid si Linus sa bahay nina Alvern bilang kabayaran sa ginawa nitong paghatak sa kanya sa assignment na hindi naman siya dapat kasama.

He accessed the important files he found that he could use on Alvern before he pressed the doorbell. Nang tuluyang bumukas ang pinto, inangat niya ang kanyang phone at ipinakita ang larawan ng isang babae.

"They're not dating. They're not even a thing. He's just a cover up. If you will let me in so I could talk to your brother, I'll throw you and her in a remote island where you can have all the time to explain and make it up to her. We're on the same page right now so we should—"

Malakas na sumara ang pinto, ngunit nagbilang lamang ng hanggang tatlo si Linus bago iyon muling bumukas. A hopeless and frustrated Alvern who's scratching his head sighed heavily while looking at him.

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon