"Where are you going"tanong ng mommy ko.
Lagot na....nakita pa ako.
11:15 na ng gabi at pupunta ako sa party ng kaibigan ko kaso baka mabubulilyaso pa ata>_
"Ahmm mag grogroup study po sana"sabay ngiti ko kaso mukhang hindi umiipikto kasi nakasimangot parin sya.
"Tapos kanang mag-aral Shanna!" Patay matagal na nga pala akong graduate. Ang bobo ko talaga. "Pasok sa loob!" Sabay turo sa pinto.
Sabi ko nga...papasok ako.
Ni lock ko yung pinto.
Kathy calling....
(Hello Shanna... Asan ka na ba?)
Nailayo ko sa tainga ko ang cellphone sa lakas ng pagkakasigaw nya.
"Sorry baka di ako makakapunta kasi hindi ako pinayagan ni mommy...pero wag kang mag-alala susubukan kung makapunta."
(Sige hihintayin ka namin) at nawala na sya sa linya.
Naghintay ako ng ilang minuto bago napagpasyahang dumaan sa bintana.
Sinigurado ko munang tulog na sila bago ako tumakas. Dahan dahan lang ang pagbaba ko at pagtalon sa puno.
Nakahinga ako ng maluwag ng nakababa ako ng walang nililikhang ingay.
Pinaandar ko na ang sasakyan.
Nasa tapat ng bahay na ako at naririnig ko na rin ang ingay galing sa bahay nina Kathy .
Its party time^_^
Nang makita ako ni Kathy ay niyakap nya ako.
"Happy birthday best"
"Kala ko di kana dadating...magtatampo na sana ako eh" sabi nya at niyakap na naman ako.
Nagpatuloy ang party at sayaw dito sayaw doon...
Nakikipagsayaw ako sa pinsan ni Kathy ng biglang may humila sa braso ko at kinaladkad ako papunta sa gilid.
"YOU!!" Sigaw ko ng makita ko kung sino ang humila sa akin.
Carl...at mukhang galit na galit sya.
"Why are you here?" Takang tanong ko sa kanya.
"I'm the one who should ask you that question!! Why are you here and why did you flirting a lot of guys this day?" Mahina nyang sabi pero halata mo sa boses nya na galit sya.
At ano? Flirting?? Yun ba talaga ang tingin nya??
Nagsukatan kami ng tingin at sa huli ako ang sumuko, hindi ko kayang pantayan ang titig nya.
"I will take you home"sabi nya at hihilahin na naman sana ako ng pinigilan ko sya.
"No. I stay here, you can go home if you want" sabi ko
Tiningnan nya muna ako ng mabuti bago binitiwan ang kamay ko. Umalis sya sa harap ko, akala ko ay uuwi na sya pero nagkamali ako.
Nanatili sya sa party at nakikipag usap sa mga Babae. Yung mga babae naman ay wagas makahawak sa kanya.
Shit. I act like a jealous girlfriend to his boyfriend.
Pinagtuonan ko nalang ng pansin ang pagsasayaw ko kesa pansinin sila.
I can say na I am a good dancer hindi naman sa pagmamayabang pero kasali ako sa dancer ng school namin dati.
Napatigil ang lahat at napatingin sakin...nakuha ko ang atensyon ng lahat ng biglang may humila sakin.
"Sexy"sabi nya at hahalikan na sana ako ng biglang may sumuntok sa kanya kaya napahandusay sya sa sahig.
"Stop it Carl." Tiningnan nya lang ako ng masama tsaka ako binuhat na parang sako ng bigas.
Nagpupumiglas ako pero sobrang lakas nya.
Ibinagsak nya ako sa kotse nya at umikot papunta sa driver seat .
"Your such a jerk" sigaw ko sa kanya
"Say it again and i will kiss you." Paghahamon nya.
"Your such a jer--" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng naglapat ang labi nya sa labi ko.
Gahd. Feeling ko nalulunod ako sa halik nya. Ako naman tong si tanga ay tumugon sa halik nya.
Naririnig ko na ang tibok ng puso ko sa mga oras nato.
Sya na mismo ang pumutol sa halik at tinitigan ako. Magkalapit parin ang mukha naming dalawa.
"Such a jerk"sabi ko at napangiti sya sabay lapit ng mukha nya sakin kaya napapikit ako.
1
2
3
4
5
Wala paring lumalapat na labi sa labi ko kaya napamulat ako.
Nakita ko syang nakangiti ng mapangasar.
"Gustong-gusto mo talaga yong labi ko" sabi nya
Hinampas ko naman sya>\\<
"In your dreams" sabi ko
Pero nabitin ako dun ah. Muntik pa akong mapasigaw ng one more.
Nag simula na syang mag drive at tahimik lang kami habang nasa byahe.