Kabanata 46

14.8K 480 130
                                    

Kabanata 46

"LINUS, get Phiam and leave with Sandro and Alvern," utos ni Ivler habang sinusubukang pigilan ng mga kasamahan niya sa Azkals ang mga photographer.

Tinitigan  ni Linus sa nag-aalalang paraan si Ivler. "But what about you? They're gonna expose—"

"I don't give a damn. Exposed or not, I'll play. Just go. Trust me on this one."

Linus sighed but still listened. Nang makaalis na ang mga ito, tinignan ni Ivler si Keison at Percy. Mayamaya ay tinanguan ni Ivler si Keison. Dali-dali naman itong tumawag sa ama para magpahanda ng isang press conference.

When Ivler noticed Macey smirking, his eyes sharpened but Macey just showed her phone where she's doing a video call with a familiar girl.

Micah...

Talagang hindi na sila tinigilan nito at kinuntyaba pa ang ex niya! Micah surely did some digging to find allies. But Ivler is done. He's so done with this woman always getting the upper hand. Kung kinakailangang siya mismo ang mag-expose sa buong mundo ng totoo ay hindi na siya natatakot pang gawin iyon. After all, there's nothing to be ashamed of.

He loves Linus and Linus loves him. End of story. These girls will have a taste of their own medicine now. Pati ang teammates niyang nagsabi kay Macey, sisiguraduhin niyang mapapahiya ngayon.

Humugot siya ng malalim na hininga saka niya hinarap ang mga reporter. "Let's just meet at the sports center. I'll answer all your questions along with my coach and my team."

Tuluyan silang umalis ng lugar ng mga kasamahan niya at nagtungo sa sports center kung saan hinihintay sila ng kanilang bagong coach. Hindi niya naman inasahan na kararating lamang din pala ng London ng daddy niya kaya nang dumating siya sa sports center, kaagad niyang sinabi rito ang nangyari.

They already informed their parents about their wedding that's why Azul didn't look surprised at all. Inakbayan pa siya ng kanyang ama habang patungo sa mesa, at bago sila tuluyang naupo, marahan nitong tinapik ang kanyang balikat saka siya binigyan ng matipid na ngiti.

"You got this. Whatever happens, dad is here for you, Ivler."

Those words melted his heart and gave him more courage to speak up. Wala na siyang dapat na ikatakot pa. Everything is falling into place already and Ivler knows that whatever may follow, kakayanin niyang harapin ngayong nasa tabi niya na ang taong mahal niya, ang mga kaibigan niya, at ang kanyang pamilya para suportahan siya.

"Ivler?" tawag ng kanyang coach saka nito hinila ang silya sa pinakagitna.

Ivler took in a deep breath then nodded. Mayamaya ay tuluyan siyang naupo kasama ang coach niya at ang daddy niya habang nasa likod nila ang kanyang mga kasama sa team na tinanggap nang buong-buo ang kanyang pagkatao.

With all the courage he has in his heart, Ivler faced the reporters and Macey who expects her to fall after getting exposed today, but Ivler smiled and looked at each of them with nothing but pride as he finally spoke.


TUTOK na tutok ang mga mata ni Linus sa screen ng malaking telebisyon sa tahanan ni Alvern. Ivler and the Azkals called for a press conference and now it's being broadcast live probably in every sports channel in the world.

Kabado siya para sa asawa dahil alam niyang kababalik lamang ni Ivler sa team. Baka mamaya ay magmitsa pa ang pagkaka-expose ng kanilang kasal upang hindi na ito paglaruin pa sa finals.

Phiam innocently pointed the television when he saw his daddy Ivler sitting between his coach and his dad.

"Daddy Linus, artista na ang daddy Ivler! Pati ang Pops Azul artista na! Magpapapicture ang Phiam mamaya!"

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon