"Everlasting, everlasting goes to the river, everlasting,everlasting what will you choose?" Sabay sabay namin kanta ng mga kaibigan ko.
"Animals" sagot ni Karell
"Oh sige go!" Wika ko naman.
"Bear!"
"Monkey!"
"Eagle!"
"Aso!"
"Butterfly!"
"Bug!"
"Ibon!"
"Pusa!"
"Daga!"
"Pikachu!"
"Anong pikachu?!" Pasigaw na tanong ni Sean sa akin.
"Diba animals si pikachu?" Patanong kong sagot sa kanila.
"Mau si pikachu pokemon! Okay?" Wika naman ni Lenette.
Malay ko bang pokemon si Pikachu. Eh sabi nang kuya ko animals kaya siya!
"Mukha naman daga si Pikachu, consider nalang please?" Pagmamakaawa ko sa kanila.
"Maureen hindi pwede, nasa rules yan ng laro natin." wika ni John.
"Pumili ka nalang Truth or Dare?" Tanong ni Martha sa akin.
"Dare." Wika ko. Tsk pahamak na pikachu!
"Oh sige puntahan mo yung crush mo tapos sigawan o sabihan mo ng i love you! Hahaha" wika ni karell
"Ano? Pwedeng Truth nalang?" Tanong ko sa kanila.
"Mau, Wala naman kaming mapapala pag nag truth ka kasi lahat ng secrets mo alam na namin haha." wika ni lenette.
"Ibang Dare nalang?" Tanong ko ulit.
Nakakahiya kayang magsabi ng "I love you" sa crush mo. Kahit hindi big deal yun sa kanya nakakahiya parin lalo ng may pinaghahalagan kang reputation sa school.
"Hindi pwede! Nasa rules natin yan" sagot ni karell.
"Pag hindi ako pumayag?" Tanong ko uit. Hindi kasi ako papayag sa dare nila, sino bang papayag ng ganoon?
"One month libre mo kami. Morning snacks, lunch at afternoon snacks. Deal?" Nakaingiting tanong ni sean sa akin.
One month? Nababaliw na ba siya at sila pang lahat? 50 nga lang yung baon ko tapos ililibre ko pa? Nako wag na!
"Dare nalang ako!" Sagot ko
"Edi gawin mo na!" Wika naman ni Martha.
Pahamak naman tong si pikachu! Tumayo ako sa upuan ko at hinanap ang isang matangkad na lalaki na may mga kulay brown na mata, matagos na ilong at mapupulang labi. Ilang rason kong bakit may gusto ako sa kanya. Ang gwapo talaga niya!
Nakita ko siyang naglalaro sa may blackboard namin kunwari isang malaking ring ang blackboard. Varsity siya sa school namin. Napakasporty niyang tao isa narin sa mga nagustohan ko sakanya.
Napatingin ako ulit sa mga kalaro ko kung baka maawa sila sa akin at palitan nalang ang dare. Grabe naman kasi nitong bestfriend ko ganun ba daw na dare? Nako maghanda nalang siya pag nakaganti ako.
"Pwede bang hindi nalang ituloy?" Tanong ko ulit sa kanila. Last na talaga eto.
"Pwede pag libre mo nga kami. Haha" wika ni john.
"Wag na!" Sagot ko sa kanila.
Tumalikod ako sa kanila at hinanap ko siya teka, nasaan na siya? Kanina naglalaro lang siya dito bakit bigla-bigla nalang siyang nawala?