1 message.
Fr: 09010203040
KhuMaEn kHa nHa foo..? ;)
Paksh*t! Sino ba 'to!? Kung kilala ko lang baka nasapak ko na! Yung style ng text niya, ang sakit sa mata! Takte.
" Hey Rics! Nyare sa mukha mo? " sabi ni Luna, kaibigan ko.
" Eh pucha kase! May text ng text sakin tapos jeje pa! Ang sakit lang sa mata! May wink wink pang nalalaman! " sabi ko.
" Hahaha. Chill lang Rics, juice colored. " sabi naman ni Gail.
Tekk na mga kaibigan 'to. Pagtutulungan pa ko -.- Lalo lang nag init ang ulo ko. Sa sobrang init pede ng sumabog na parang bulkan.
" Baka naman... secret admirer mo! Hahaha " binato ko nga ng fries si Luna. Asar eh.
Andito kami sa Mcdo. Technically, nag skip kami ng class. Boring kase ng History eh. Past is past na nga kelangan pang ibalik. Tsk.
Fr: 09010203040
Bkt wLah kaH sA cLasS mOh? NaG cuTting kAh?
Lintekk! Di ko na nga nirereplayan todo text pa! Napaka manhid ng taong 'to! Putspa naman oh!
Mahigit 3 days simula nung unang mag text ang unknown number na 'to. Hindi ko alam kung paano nakuha ng lecheng tao 'to ang number ko. Asar.
" Replayan mo Girl! Kunware Death threats. Hahaha " isa pa 'tong si Gail eh. Di ko alam kung pano ko natitiis ang mga loka lokang 'to.
Nga pala, ako si Rica Georgia Santos. 4th year college na. Dyan lang sa tabi tabi. Joke! Malapit lang ang Mcdo sa University kaya nakaka punta kami, syempre tatalon muna kami sa bakod para di mahalata ni Manong Guard. Bad girl? Hindi din. Slight lang kapag nasa mood. Tulad ngayon, lahat na lang kasi ng ginagawa ko alam nung Jeje na yun! Feeling ko tuloy hinahabol ako ni kamatayan.
" Tsk. Tara na Guys! Terror next prof ko eh. " biglang sabi ni Luna.
Wala na kaming nagawa kunde ang umakyat na naman sa bakod ng hindi nahahalata ng Guard. Medyo matanda na din eh.
Vacant ako ng 1 hour. Great. Dapat pala nag paiwan na lang ako sa Mcdo
Mabubusog pa ko, kahit na maubos pera. Hmp.
Sa huli, napagpasyahan ko na lang na pumunta sa favorite spot ko, sa field. Malapit sa Gym. Marami kasing puno puno dun eh, ang presko lang sa pakiramdam. Kadalasan kase dun din ako nag re'review.
Nilabas ko yung reviewer ko sa Math. Last subject ko after this vacant. And I know magkakaroon na naman ng surprise quiz. Mahilig sa ganun ang prof namin sa Math eh. Psh. Si Luna naman uuwi na pagkatapos ng time na 'to. Eh alam ko din namang hindi makakasabay si Gail sakin kasi susunduin niya pa ang kanyang bulinggit na kapatid. Tsk. Tuwing Friday lang kami nagkakasabay. Leche kaseng sched eh. Di pa kami napagsabay-sabay. Asar!
Fr: 09010203040
Hai..... RicS...... bkT maG iSa kHa LhnG....?
Naman oh! Kelan ba ko matitigilan ng anonymous na taong 'to!? Talagang kelangan ng mahabang pasensya. Ini-off ko na lang ang phone ko para walang isturbo sa pag rereview ko.
Siguro mag iisang oras na rin akong nakakapag review kaya naman pupunta na ko sa last subject ko. Math. Great. Sabog na naman ang utak ko sa mga math equation and problems. Ugh.
" Good Afternoon Class.. " -sabi ng Prof namin pagka pasok niya.
" Good afternoon Mam. " sabay sabay namin sabi atsaka nag upuan
" Ok, I got a surprise exam to all of you. Get one and pass. "
At yun na nga, nagsimula na kong magsagot. Buti na lang at yung 1-25 laging multiple choice. Mehehe. Pero kelangan pa ring mag solve para makuha ang tamang sagot. Asar!
Pagkatapos kong masagutan ang test paper na binigay ng Prof namin ay agad ko ng pinasa ang test paper atsaka lumabas. Gusto ko ng umuwi. I miss my bed.
Ini-open ko na ang phone ko. Please, sana walang text galing sa jeje na yun.
*toot *toot *toot
At yun nga sunod sunod na ang text na natanggap ko. Powtekk. Sasakit na naman mata ko dito!
Fr: 09010203040
LonEly kHa nGauN... aSn kSmA muH....?
Fr: 09010203040
TeKah... sAn kHa phuPunTah...? aALis kHa nHa...?
Fr: 09010203040
AhH.. mY lAst suBjeCt kHa nGaH pLahh... :)
Fr: 09010203040
GuD lUck sAh ExAm nYuoo... ;)
Fr: 09010203040
InGatszx kHa riCa.... ;)
Powtek! Kung hindi lang mahal 'tong phone ko, baka naitapon ko na! Leche.
---
Stop the Jeje muna xD Di na keriii ng utak ko. Haha! So yeah, another short story. Hope you like it. Kindly vote please *u* Thanks! Saranghaeyo! ~~~
@PixieeeDusty
BINABASA MO ANG
Jeje Lovers
Short StoryHai. TaRah tecsz! esteh cmuLhan nHa nTeN ang sTorI ;) You love a person for who they are, not for what you want. By: PixieeeDust ★ @PixieeeDusty