"What will you do? mahinang bulong ko, ang tagal na yata namin dito sa loob. Bakit ba inuna niya ako kahit may mga naunang dumating sa akin? Hindi naman siguro ito scheduled.
"Shh."
Natigilan ako at nagtaka. May dinudungaw siya at pasimpleng may pinapakiramdaman. What's wrong?
"Deborah," he whispered.
"Hmm?"
"If I'll do something, just let me and don't say anything. Understand?"
Napakurap ako. "I understand."
Tumango siya. Sabay kaming natigilan nang makarinig ng mabibigat na yapak at pabagsak na pagsara ng bakal na pinto. Nanlaki ang aking mga mata nang hawakan ni Yandiel ang vest ko. Akala ko ay bigla niya akong kinuwelyuhan.
"Aray!" daing ko at napangiwi sa sakit. What did he do?!
What happened to my shirt?
Bago pa ako makagalaw ay biglang may humawi ng kurtina. Padarag iyon dahilan para mas lalong kumabog ang aking dibdib dahil sa gulat. Muli akong napakurap at halos hindi makahinga, napatingin ako kay Yandiel na kasalukuyang inaayos ang butones ng long sleeve na suot ko na siya ang nagkalas.
I frowned while he's fixing my shirt and my vest. What is he doing?
Tumikhim si Ryker at tumitig sa aming dalawa, nilipat niya ang tingin kay Yandiel. "What are you doing?"
"I'm doing the same," sagot ng lalaking kaharap ko at tumingin pabalik sa kanya. "I'm fixing her clothes."
Nagkatinginan kami ni Ryker at matalim ang tingin niya sa akin. Muli siya tumikhim. "Then, are you two done?"
"I told you, I'm already fixing her clothes," kalmadong sambit ni Yandiel at pinagpag pa ang laylayan ng aking vest.
"Hindi ba pwedeng bilisan niyo, hindi lang iyan ang tatatakan mo, may mga naghihintay sa labas," maotoridad na sabi ni Ryker at nilipat ulit ang tingin sa akin. "Saan mo ba tinatakan 'yan? Ang tagal mo."
"Sa dibdib," diretsong sagot ng isa kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Yandiel just stared at me confidently. "Hindi ko naman na kailangan patunayan pa sa'yo."
"Did I give you permission to do it on a woman's chest? Delikado ang gano'n, Yandiel. Baka may makuha 'yang sakit."
"You didn't forbid me to," pamimilosopo sa kanya niya Yandiel. "Sakit? Walang gano'n."
Napaawang ang bibig ko at saglit na yumuko dahil nawiwindang na sa kanilang dalawa. Nang makita kong mali pa ang pagkaka-butones niya sa suot ko at mabilis ko itong inayos, may puting t-shirt na suot naman ako sa loob. Hindi na ako muling nag-angat ng tingin dahil sa kahihiyan hanggang sa tuluyan nang lumabas si Ryker. Anong problema no'n?
"Go out and finish whatever you are doing. Chapter meeting na mamaya," pahabol niya at muli kong narinig ang pagsara ng pinto.
Binaling ko ang atensyon kay Yandiel at nahuli siyang nakatingin sa akin, hindi siya natinag o nagulat sa biglaan kong paglingon. I cleared my throat. "Salamat sa tulong. Aalis na rin ako," sambit ko sa normal na tono. Naroon pa rin ang kakaibang pakiramdam ko sa aking tiyan.
"Magpunta ka na do'n."
"Mmm." Tumango ako at hinawi ang kurtina para umalis.
Huminga ako nang malalim nang tuluyan na akong makalabas. Sa 'di malamang dahilan ay napatingin ako sa aking dibdib. Of all the body parts he has to lie about, why chest?
Napatalon ako nang may umakbay sa akin, pagtingin ko ay si Aiden na nakangisi at mukhang galing sa tawanan sa kausap niya kanina. Hindi na ako nagpumiglas dahil hindi ko naman iyon tinitingnan nang may malisya.
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spirituale2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...