Naalala mo pa ba? Nung una tayong nagkita?
Tumatakbo kami nun ng kaklase ko, ng magkabangga tayo, "sorry" yan ang unang salita na binitawan natin nung nagkabangga tayo.
Naalala mo pa ba? Nung sabay tayong umuwi?
Malakas ang ulan, at nakita kita sa dulo ng hallway tinitingnan mo lang ang patak ng ulan sa lupa, pumunta ako malapit sayo at inalokan ng payong at ngumiti ka lang, at nung sabay tayo pauwi may tinanong ka, "uhh- kung may manligaw sayo? Anung gagawin mo?" feeling ko napalundag ang puso ko sa tanong mo, "na sana, matuto din ako mag mahal sa kanya" yan ang sagot ko, ngumiti ka naman at pinagpatuloy ang paglalakad. At nung gabing iyon, di na ako nakatulog, dahil sayo..
Naalala mo pa ba? Nung nasa park tayo?
Inalokan mo ako ng qwek-qwek at tinanggap ko naman yun, "may ibibigay sana ako sayo" sabi mo nun, tsaka may kinukuha sa bulsa, at nakita kong may maliit na box, binuksan ko yun at ang laman ay isang--------- kwintas. isinuot mo yun sakin at ang sabi mo "para sa pagiging magkaibigan natin" ngumiti naman ako, at inisip na hanggang dito lang pala tayo, magkaibigan lang.
Naalala mo pa ba? Nung di ka na nagparamdam ng 2 araw?
Unang araw, nag text ako ng 'kmusta?' ngunit di ka nag reply, kinalimutan ko na lang yun, at ang akala ko, susunduin mo ako sa bahay pag kabukas, naghintay ako ng nag hintay, ng tawag o text mo pero ni isa wala .
Naalala mo pa ba? Nung nag text ka sakin?
Nakatanggap ako ng text mula sayo, at ang sabi mo dun, "hintayin mo ko, sa tapat ng academy 5:30pm " at ang saya ko nun 3:58 pm pa lang nakabihis na ako, at nung pumatak ang 5 sa orasan ko, naglakad na ako papuntang academy, at dun kita hinintay, 6:15 na ngunit wala ka pa, naliwanagan naman ako ng nakita kita, may kasamang---- babae, magkahawak ang kamay nyo, "maxie, girlfriend ko si luna" pagpakilala mo, ang ganda niya ang kinis ng kutis at di ko na napigilan na maiyak, tinanong mo ako kung bakit, at ang sabi ko "masaya lang ako, para sayo" at kumaripas na ako ng takbo, papuntang--- hallway ng A-D, kung san tayo unang nagkita..
Naalala mo pa ba? Nung may sinabi ka sakin?
(now playing: all of me by: john legend) (the song is located at the multimedia, play the song, while reading this part)
Nakarating ako dito, sa mismong lugar kung san tayo nagkabangga.."maxie" tawag mo, lumingon ako sayo, at tiningnan lang "sorry" sabi mo. "bakit?" tanong ko na may basag na boses. "di mo ba alam? Nung una pa lang? Na may pagtingin na ako sayo?! Yang puchang ngiti at pagiging mapagmahal mo!" yinakap mo ako nun, at sinabi "mahal na mahal kita, hindi bilang kaibigan" napayakap ako sayo nang sobrang higpit, "ako din" sabi ko. Nagulat ako ng hinalikan mo ako, sa labi. At dun na nagsimula ang pagmamahalan nating dalawa.
Naalala mo pa ba? Ang biyahe mo?
Aalis ka papuntang batangas, para sa family busineSs mo, "mag-ingat ka" sabi ko. Hinalikan mo ang noo ko at ang sinabi mo , "mag ingat ka din ha?" at umalis ka na, makalipasang isang oras nanood ako ng balita, may na aksidente daw sa highway 5, may biglang tumawag sa akin, isang pulis at ang sabi "ms. Santiago, kayo ho ba, ang girlfriend ni mr. Gomez? Im sorry to say na..na aksidente siya, dito sa Apo Hospital" natigilan naman ako, kailangan ko magpakatatag para sayo..
Naalala mo pa ba? Ang huling salitang sinabi mo nung nasa hospital?
"i love you--" *toooooot* wala- wala ka na, wala ka na sa mundo, wala ka ng buhay, ngunit di ka mawawala sa puso ko.
you will always be my love, FOREVER..
***
my next story is 'P.S. i love you' i will update its first part, maybe next month so, i-check niyo na lang ang profile ko, if may na publish na ko!! salamat. lablots <3
follow / add me
facebook: @shakirakamil
twitter: @Shakira Kamil
instagram: @shakira_kamil_17