September 4, 2014

19 4 0
                                    

Dear Diary,

Ewan ko ba kung plastik talaga si Janssen o sadyang baliw siya. Like hello?

Diba nung Monday, pangiti-ngiti siya sakin na parang walang nangyari sa aming dalawa? Tapos ang kulit-kulit niya nung Friday. Kasi kung pigilan niya ako sa pag lipat sa Tagaytay, parang kami pa eh.

Pero kanina, ang sarap-sarap ng paglalakad ko sa corridor. Naghu-humming pa ako. Tapos nakita ko si Janssen na makakasalubong ko. Syempre ni-ready ko ang brightest and sweetest smile ko. Tinignan niya lang ako ng mga 2seconds, tapos lumihis lang ng tingin?! Ni-hindi man lang ngumiti?! Anong uri ng kabastusan yun diary?

Nakakaasar talaga. Ang sarap niya habulin para kalbuhin eh. Kasi ang ayoko sa lahat, yung mga snobbers. Bakit? Famous siya? Wala na talaga siya sa katinuan. Pati ako nawawala sa katinuan eh.

Ughh. Ewan basta. Badtrip talaga 'tong araw na 'to diary. Ughh.

-Aaliyah

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon