Chapter 02
Maaga akong dumating sa school. Hindi talaga ako mahilig mag-aral dito sa library dahil feeling ko ay mas mape-pressure lang ako dahil sa tindi ng pag-aaral ng mga tao rito. Medyo naranasan ko na iyong lumindol habang nasa library ako. Nung college ako, nangyari din iyon tapos ang una naming reaksyon ay lumabas ng building. Samantalang dito sa bago kong school ay natigilan lang sandali ang mga tao tapos ay balik sila sa pag-aaral na parang walang nangyari. Sobrang... wow. Ang intense?
Habang naghahanap ako ng mauupuan ko ay nakita ko si Kitty na katabi si Jax. Good for her! Ako na iyong nahihirapan kapag palakad-lakad siya sa second floor para sumulyap sa crush niya. Kulang na lang ay magdala siya roon ng table at upuan tapos doon na rin siya magklase.
Naka-kita ako ng free na upuan doon sa may medyo bandang dulo. Inilagay ko roon iyong gamit ko tapos lumabas muna ako para bumili ng kape. Bawal talagang magdala ng food dito pero parang wala namang may pakielam? Dami kayang kumakain dito.
Bumili ako ng kape doon sa may cafeteria. Pwede na rin pag pangmabilisan na kape. Pinalagay ko iyong kape doon sa may hydroflask ko para hanggang mamaya na sana. Pagbalik ko sa may library, medyo napa-hinto ako nang makita ko na mayroong naka-pwesto doon sa tabi ng mga gamit ko.
"Grabe naman ata ako magmanifest..." sabi ko sa sarili ko habang naka-tingin ako kay Rhys Arevalo na naka-upo roon at isa-isang inaayos ang mga gamit niya. Inilabas niya iyong libro niya sa civil procedure at naglabas ng pen capsule.
Shet. 'Di ko alam kung ano ang gagawin ko. 'Di naman niya alam na ako iyong naka-pwesto doon sa kabila? Saka bakit ba ako kinakabahan? 'Di naman niya alam na nagstalk ako kagabi?! 'Di naman niya alam na alam ko na ang pangalan niya ay Rhys Arevalo ang ang meaning ay inspired by God, na third year law student siya, na legal management ang pre-law niya, na may kakambal siya na med student, na vice president siya ng frat nila, na mahilig siyang magtravel. 'Di naman niya alam na alam ko 'yan!
"Kaya mo 'yan, girl," bulong ko sa sarili ko matapos huminga nang malalim at naglakad papunta sa pwesto ko. Bakit ba? Ako kaya nauna doon? Bakit ako mahihiya?
Nang hatakin ko iyong upuan ay napa-tingin siya sa akin. Medyo kumunot iyong noo niya—he's probably trying to remember kung saan niya ako nakita. Grabe? Kagabi lang 'yon? Para sa top 1 ng batch nila, ang hina ng memory niya, if ever!
"Deanne," I said matapos kong ipunin iyong kapal ng mukha ko.
"I know," he replied.
Tangina ka, Deanne... Dalawang salita lang sinabi sa 'yo, kinilig ka na agad?!
"Ah... okay," sabi ko na kunwari ay cool girl ako kahit sa totoo lang ay bakit ba ako nandito?! Sure ako na hindi ako makakapag-aral dahil paano ako mag-aaral kung katabi ko ang crush ko? Mas mukhang pagpapanggap lang na nag-aaral ang mangyayari ngayon.
Ibinalik niya na iyong atensyon niya sa pag-aaral. Sobrang pasimple ako na sumisilip sa ginagawa niya. He was wearing his white headphones para siguro walang ingay siya na marinig. He was only using his pencil to write his notes at minsan ay mag-underline o magbilog sa binabasa niya.
Nagtry din naman ako na magreview dahil may class naman talaga ako sa crim mamaya! Gusto kong lumandi sa happy crush ko, pero may balak din naman akong grumaduate!
I was in the middle of reading the cases nang biglang mapa-tingin ako dahil nakita ko sa peripheral vision ko na tinanggal ni Rhys iyong headphones niya. Kanina pa kasi siya nag-aaral at nandoon lang talaga iyong focus niya kaya naman nung ginawa niya iyon ay napa-tingin ako.
'Siya na naman?!' I said inside my head nang makita ko na kaya tinanggal ni Rhys iyong headphones niya at para kausapin si Charisse Faith Viste—oo, alam ko ang complete name niya dahil one sided mortal enemy ni Kitty 'yan. Kaagaw na nga ni Kitty kay Jax, pati ba naman sa crush ko? Ano 'to, lahat na lang?
BINABASA MO ANG
Hate The Game (COMPLETED)
Storie d'amore(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan...