Reason To Smile (CHAPTER I)

36 0 0
                                    

Baliw!!!

Ganito kung mag asaran ang magkaibigang Yam kay Gregg na bagamat sa chat lamang nagkakausap ay nagkapalagayan na ng loob. Si Yam ay isang simpleng babae na bagamat simple ay mararamdaman mo ang lalim sa pagkatao, samantalang si Gregg naman ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa chat nagkakilala ang dalawa, magkaiba sila ng mga hilig pero nagkakasundo sa maraming bagay. Mag kabila man ang kanilang mundo, nakakuha naman sila ng instrumento para paglapitin ang kanilang mga imahinasyon.

"Kumusta naman ang Pilipinas?" Tanong ni Gregg.

"Ito Pilipinas pa rin." Pagbibiro naman ni Yam "Kumusta ang Lovelife?"

"Anung klase bang tanong yan? Alam mo naman ang sitwasyon ko di ba?" May pait na sabi ni Gregg.

"Ikaw naman masyado kang seryoso, ngumiti ka naman dyan, nawawala na yung face mong mukhang 17 years old.. tatanda ka agad nyan" Pagbibiro ni Yam.

"Pwede ba iba nalang ang pag usapan natin? Magkwento ka nalang" suggestion ni Gregg.

"Cge na nga may kwento ako sayo..." at sinimulan ni Yam ang kanyang kwento.

Di namamalayan ng dalawa na sa mga lumilipas na oras nalilimutan nila ang mga problema at napapalitan yun ng mga ngiti.. Ngiti na kahit mga office mate nila ay nakakapansin, di nila mapigilang itago ang mga ngiti na ito na nagpapaiba sa kanilang pakiramdam.

Lumipas ang mga araw ng halos araw araw na pag uusap ng magkaibigan, lumalim ang pagsasamahan at mas nakilala nila ang isa't isa, mas nalaman nila na marami pala silang common interest at di na nila maipaliwanag ang kanilang nararamdaman.

"Malapit na akong umuwi ng Pilipinas" Sabi ni Gregg.

"Ah ganun ba? Di mabuti magkikita na kayo" sagot naman ni Yam.

"Maari kaya tayong magkita pag uwi ko dyan?" Tanong ni Gregg.

"Malay natin" pasaring naman ni Yam.

Makalipas ang ilang sandali:

"Yam what if kapag umuwi ako dyan at di na namin maayos ang relasyon namin, Kaya mo ba akong tanggapin?" may pag aalinlangang tanong ni Gregg.

"Di ko alam, sa ngayon di ko pa masasagot yan" ani Yam.

"Cge okay lang.. alam ko mahirap, pero Yam salamat ha? Sabi ni Gregg.

"Para saan" Tanong ni Yam.

"Sa lahat lahat, for making me feel that I am not alone, for letting me feel I'm special and for being a good advisor" sagot ni Gregg.

(Itutuloy)

Reason To SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon