SUGA'S POV :
Mag-aalas dos na ng madaling araw , Hindi parin ako makatulog . Nakatambay ako ngayon dito sa Apartment . Biglang nagising si Mom at tinabihan ako.
''Anak , Anong iniisip mo ?'' Tanong niya.
''Mom , Paano mo malalaman kapag mahal ka rin ng isang tao ?" Tanong ko nang paseryoso.
''Simple lang yun Anak . Kapag mahal ka rin niya , Hindi ka niya sasaktan o hahayaang masaktan , hindi ka niya hahayaang mag-isa sa problema mo , dadamayan ka niya , gagawa siya ng paraan para masolusyunan ang problema mo'' Sagot ni Mom.
''Eh Paano mo malalaman kung mahal mo nga ang isang tao ?" Tanong ko.
''Kapag mahal mo ang isang tao , Hindi siya mawala-wala sa isipan mo . Iniisip mo kung anong ginagawa niyo , kung kumain na ba siya , kung ayos lang siya , paminsan minsan nagseselos ka sa ibang nakakasama niya at nasasaktan ka rin sa tuwing malungkot siya'' Sagot ni Mom.
''Mom , Minahal niyo ba si Dad ?" Tanong ko.
''Sa totoo , Oo . Inaamin ko na minahal ko siya . Nagkamali ako'' Sagot niya.
''Eh yun pong tunay niyong asawa ?" Tanong ko.
''Mahal na mahal ko yun , Sadyang naging mahina lang ako para unawain siya . Hindi kami nagkaintindihan kaya't minabuti kong magpakalayo-layo'' Sagot niya.
''Mom , There was a girl na nagugustuhan ko kaso ...'' Sabi ko.
''Kaso Ano ?" Tanong niya.
''Kaso mukhang may iba siyang mahal eh'' Sagot ko.
''Mukha ? Suga , Hindi mo pa nasusubukan sumusuko ka na agad . Mas mabuti kung sa kanya mismo manggaling hindi yung nanghuhula ka . Tandaan ! Damdamin niya yun at hindi mo ramdam yun kaya't hindi ka nakakasigurado sa tunay na nararamdaman niya'' Sagot ni Mom.
''Anong gagawin ko Mom ? Paano ko sasabihin ?" Tanong ko.
''Basta sabihin mo lang nang masinsinan yun bang mula sa puso bawat salitang binibigkas mo'' Sagot niya.
Bigla akong napaisip . Mahal ko na nga kaya talaga siya ?????
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AERON'S POV :
Hindi na kami nag-uusap ni Jungkook . Nakapagdesisyon na ko . He's out of my life na . I'll try my best para makapagsimula ng bagong buhay without him . Kahit masakit at Kahit mahirap gagawin ko para sa kapayapaan ng lahat .
''Aeron , Mas mabuti kung sa America ka na mag-aaral'' Sabi ni Mom.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
AcakWhat is Love? Love is not just about your feelings for someone but it's also about forgiveness. Anong mangyayari kung biglang magkrus ang landas ng bawat isa ? Ano nang mangyayari kapag nagkagulo na sila ? Paano nila makakamit ang Happiness na inaa...