Prologue

1 0 0
                                    

Pagkagising ko ay parang pinokpok ng isang dosenang bato ang aking ulo.

Shit. Ano bang nangyari sa'kin kagabi?

Ang naalala ko lang nag inuman lang naman kami sa isang high-end na bar para mag celebrate.

Plano ko sanang bumangon ng maramdaman kong may nakadagan sa'kin. Mabigat. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at isang hindi pamilyar na kwarto sa akin ang bumungad.

“Nasaan ako?” wala sa sariling sambit ko. Inalis ko ang kamay na nakabalot sa aking bewang.

Ilang sandali pa ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa napagtanto. Mabilis kong nilipat sa aking tabi ang aking paningin.

Likod ng kung sino ang bumungad sa'kin. Agad akong napatayo at nanlaki ang aking mata nang makita kong wala akong damit nasuot kahit isa.

Potangina, Rina. Gaga ka.

Isang mahinang hikbi ang kumawala sa aking bibig at agad ko itong tinakpan.

Nilibot ko ang paningin ko at nagbakasakaling mahagilap ang aking mga damit.

Wala.

Hindi ko mahanap ang damit ko. Marahan akong naglakad ng makita kong may closet roon sa may bandang gilid. Napahinto ako at napaigik dahil sa kirot na naramdaman ko sa aking gitna.

Shit.

Agad kong hinalungkat ang gamit roon at nahagilap ko ang isang blazer.

Pwede na ito.

Ingat na ingat akong naglakad papuntang banyo upang hindi magising ang lalakeng mahimbing pa rin ang tulog sa may kama.

Pagkapasok sa banyo ay naghilamos ako ng mukha at dali daling sinuot iyong blazer. Hanggang tuhod ko ito.
Napakagat labi ako ng titigan ko ang aking sarili sa salamin. Magulo ang aking buhok at bahagyang mamula ang aking mukha.

Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari.

Kinalma ko ang aking sarili bago lumabas ng banyo. Nahagilap ko ang aking bag sa may sahig. Agad ko naman itong kinuha. Walang lingon lingon na tinungo ko ang daan palabas. Kailangan ko makaalis dito.

Ngunit bago ko pa man mabuksan ang pintuan ay isang napakalamig na boses ang siyang nagpatigil sa akin.

"Where do you think you're going?"

Boses iyon ng lalaking umangkin sa akin kagabi . . .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not A MistakeWhere stories live. Discover now