Chapter 35

19 1 0
                                    

"Asan si Ate Jem?" I asked Tay. "Nasa palawan kasama si Kail." Sagot nito.

Nagkabalikan na pala iyong dalawang iyon, engaged na din ngunit hindi pa ikinakasal.

Napangisi ako. Mabuti naman kahit papaano ay lahat ng pinag hirapan ni Ate Jem nung bata sya ay natapos na. Bumalik na ang taong hinihintay nya.

"Mama, nagugutom ako." Palambing na sabi ko.

Totoo naman kase, hindi ako kumain sa loob ng eroplano dahil inaantok ako. Napapansin ko nga nitong mga nakaraang linggo ay antukin ako, eh.

"Hindi ka na ba babalik sa New Zealand, Leeina?" Tanong ni Papa Dan. Napaisip ako. "Babalik pa ako, Pa. Kawawa kase yung farm doon, naghanap lang ako ng tatlong trabante na mag aasikaso nun habang wala pa ako." Sagot ko.

Ewan ko pero gustong gusto ko talaga ang trabaho ko doon. Para kaseng normal lang, masaya kahit ganun. Yung tipong gigising ka sa umaga mag aalmusal, at magpapakain ng mga kabayo, baka, manok, or baboy.

Totoo nga ang sabi nila. Masayang mamuhay ng payapang buhay.

"Sana naman tumagal ang stay mo dito." Sabi ni Tay Nathan. "Oo naman. Mga isang buwan." Biro ko kaya napangiwi silang lahat na ikinatawa ko.

"Kidding, itatry ko yung kompanya nila Cristy, baka kailangan nila ng magandang architect." Wika ko.

Naikwento nya kase sa akin na balak nyang magpatayo ng hotel sa cebu. Gusto ko sanang tumulong dahil baka mabagot din ako dito sa pilipinas.

"Leeina!!" Sigaw mula sa pinto kaya sabay sabay kaming tumingin doon. Nakita kong tumakbo si Ate Jem sa akin at mabilis akong niyakap. "I missed you." Naiiyak na sambit nya.

Ngumiti ako. 'Ako din. Araw araw nangungulila ako sa inyo.' sambit ko sa aking isipan.

Patuloy pa rin sa pagiyak si Ate Jem, napatingin ako sa likod nya. Kasama nya si Kail na pinagmamasdan din kami. Bahagya syang ngumiti ng makita ako ngunit sinamaan ko sya ng tingin.

Naalala ko ay madaming issue to dati, puro mga dating issue. Babaero amp.

Pero kahit ganun sya parin ang gusto kong makatuluyan ni Ate Jem. Sya lang.

ISANG LINGGO na akong nasa pilipinas at walang ibang ginawa kung hindi mag design ng bahay at nag babakasakaling may bibili lol.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang messenge ni Tim.

From: Tim
Balita ko nasa pilipinas ka na raw, bat hindi mo man lang kami niyayang uminom. Ano na? Sama ka ba sa inoman sa sabado? Reunion ng section natin.

Kahit ayaw kong sumama ay napilitan ako, papagalitan lang kase ako ni Cristy. Alam mo naman yun.

To: Tim
Sige sama ako.

Tanging suot ko lang ay casual black sling dress, and black high heels. Inilugay ko na din ang curly na buhok ko. Make up and then boom. Ready to party.

"Saan ang ponta mo?" Tanong ni Papa ng makita ako. Nanonood syang mag isa sa sala.

"Gala. Okay lang ba sa iyo?" Tanong ko din. Tinaasan nya ako ng kilay. "May asawa ka na at nagpapaalam ka pa din sa akin." Tumawa ako.

"Kapag hinanap ako ni Mama at Tatay pakisabi naghahanap ako trabaho. Bye." Paalam ko at lumabas ng bahay.

10pm na ng makarating ako sa bar na sinasabi nila, umakyat ako sa second floor dahil nandon daw sila. Kumaway si Tim ng makita ako kaya nakangiting lumakad ako papalapit.

Pero agad nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang kasama nila. Mahigit 20 kami dito ngayon, ang iba ay hindi nakaponta.

Hindi sya nakatingin sa akin bagkus ay nasa inumin lang ang tingin nya, among ginagawa nya dito? Hindi ko naman sya kaklase, ah?

Pinakiramdaman ko kung anong nararamdaman ko ng makita ko sya ngunit wala ng iba kung hindi pag kamuhi na lang.

Ngunit alam kong mawawala na rin naman ito dahil masyado ng matagal iyon, kailangan ko ng tuluyang kalimutan lahat.

Biglang may yumakap sa akin na babae. "Nice to see you again, Leeina. Do you remember me? I'm Lou. Class president ng section natin noon." Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin.

Ahh, I remember her now. Sya yung laging umiirap sa akin kapag nag tama ang paningin namin.

"By the way this is my boyfriend, Isaac." Pag papakilala nya sa katabi nya. Tumingin ako sa katabi nya ng seryoso saka inabot ang kamay ko. "Nice to see you, Engineer Heimz." Bati ko.

Tinanggap nya naman iyon at walang emosyong tumingin din sa akin. "Nice to see you too, Architect Lewis." Binigyan ko sya ng Isang tipid na ngiti.

Umupo ako sa tabi ni Cristy na may pag aalalang tingin sa akin. Hindi ko gusto ang mga tingin na binibigay nila sa akin lahat dito.

Na para bang kawawa ako dahil nakahanap na ng bago si Isaac kahit wala naman na sa akin iyon.

"Tuloy ang inuman!!" Sigaw ng isang kaklase namin at itinaas ang hawak nilang baso. Nagsalin ng isang baso si Tim at agad binigay sa akin.

Patingin tingin ako sa buong paligid. Naiilang ako. Maybe ngayon lang ulit all nakaponta dito. Hindi na kase ako madalas mag party, lagi ako sa farm kapag wala akong pasok.

"Kamusta ang New Zealand, Leeina? Ang tagal mong bumalik, ah. Akala namin wala ka ng plano bumalik." Ani ng isa kong kaklase.

"Nasayahan kase akong tumira doon, eh. Lalo na yung trabaho ko." Nakangiting Sagot ko. "Ano bang trabaho mo?" Tanong ni Lou na nakikinig din pala.

Tumingin ako sa kanya. "Uhmm, farm. Part time job ko na dati pa iyon hanggang sa maka graduate ako ay iyon pa din ang trabaho ko." Sagot ko.

"Wow, masasarap daw ang gatas doon sa New Zealand."

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Anong gatas ba?"

"Gatas ng baka malamang! Gago to dumi ng utak."

Kinuha ko ang phone ko ng maramdaman na nag vibrate ito. Nagtext sa akin si Zenth.

From: Zenth
Where are you? Kasama ko si Jem at Kail, umuwi sila at wala ka dito.

Nagtipa agad ako ng isasagot.

To: Zenth
I'm with my friends, I'm here at the bar in BGC. Yung sinasabi ko sayong masarap ang mga alak nila.

"OMG!!!" Napatingin ako ng biglang sumigaw si Cristy. Nakatingin sya sa mga kamay ko kaya nanlaki ang mata ko.

Nakita nya ang diamond ring ko, ganun din ang mga kaklase ko nakatingin na din doon.

"Kasal ka na?" Nakakunot na tanong ni Lou.

Bigla kaming nagkatinginan ni Tim. Alam kong may alam din sya ngunit hindi na sya nakialam.

"Kasal ka, Leeina?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cristy. "Bakit hindi mo ako ininvite sa kasal mo?" Naiiyak na tanong ni Cristy.

Kunyaring natawa ako. "Biglaan lang eh." Naiilang na sagot ko. "Kailan ka pa ikinasal?" Tanong ulit nito.

Hindi ko alam bakit biglang nagtama ang mata namin ni Isaac. Nakatingin sya sa akin at kita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya. Bakit?

Hindi dapat sya masaktan dahil may girlfriend na sya.

"7 y-years ago." Napasinghap ang lahat.

How My Life Play with Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon