R

108 10 29
                                    

PRANK#3

 

April 1, 2009

Kasabay ng alarm ng relo sa gilid ng kama ko ang pag alarm naman ng cellphone ko na nasa ilalim ng unan.

Sa pagkakataon ngayon, hinding-hindi ko na makakalimutan ang birthday ni April dahil inilagay ko na iyon sa calendar na nasa cellphone ko. Para automatic na mag aalarm ito tuwing birthday ni April. At para mapag handaan ko na rin ang araw na ito.

Sisiguraduhin ko na hindi niya na ako mapagti-tripan ngayong araw na ito dahil ako ang mangti-trip sa kanya. Isinara ko na ang alarm ng relo na nasa gilid ko. Five-thirty pa lang ng umaga kaya sigurado akong mahimbing pa ang tulog ng mahal na prinsesa sa kabilang kwarto.

As usual, tinext ko muna ito ng good morning bago ako bumangon pero hindi ko siya binati ng happy birthday para isipin nitong nakalimutan ko ang birthday niya tulad dati.

Maingat akong lumabas ng kwarto at ingat na ingat ako na makagawa ng kahit mahinang ingay. Bitbit ang bagong bili kong marker ay patingkayad akong naglakad papunta sa kwarto ni April. Sana lang ay hindi naka-lock ang pinto nito para magawa ko ang maitim kong binabalak. *evil laugh insert here*

Pagkalapit ko sa pintuan nito ay pinakiramdaman ko muna kong gising na ito. Nang wala akong marinig kahit isang ingay sa loob ay sinubukan kong pihitin ang door knob ng pinto nito.

Hindi ko alam kong anong iisipin ng pumihit iyon para bumukas. Pasaway talaga ang babaeng ito. Talaga palang tinotoo nito ang lagi niyang sinasabi sa akin tuwing gabi bago ito pumasok sa kwarto.

FLASH BACK…

“Good night, hon!” binigyan ko ito ng isang smack sa labi.

“Good night, hon,” sabi din nito pagkatapos akong yakapin ng mahigpit.

Nakangiti na akong naglakad papuntang kwarto ko ng bigla ako nitong tawagin.

“June,” awtomatiko akong napalingon kay April na nasa pintuan na rin ng kwarto nito. Pilyo itong nakangiti sa akin.

“Ano ‘yon?”

“Ipapaalala ko lang,” sabi nito na hindi nawawala ang ngisi sa labi. “Hindi naka-lock ang pinto ng kwarto ko, para in case na… alam mo na! Hindi ka na mahirapang kumatok.” At humagikhik ito ng mahina at tuluyan ng isinara ang pinto ng kwarto niya.

…FLASH BACK END

Sa loob kasi ng mahigit na isang taon naming magkarelasyon, wala pang nangyayari sa amin pagdating sa sex. Hanggang kiss at yakapan lang kami. Pero hindi ibig sabihin noon na walang appeal sa akin si April pagdating sa ganoon.

Kaya nga pinili kong magkahiwalay kami ng kwarto kahit sa iisang apartment lang kami nakatira para makontrol ko ang sarili ko. Para kasi sa akin, hindi katulad si April ng mga babaeng natikman ko na dati.

Ako ang first boyfriend niya kaya gusto ko papakasalan ko muna si April bago namin gawin ang bagay na iyon. Kahit na lagi niya akong tinutukso tulad ng hindi nito pag lock ng kwarto niya, alam ko naman na ginagawa niya lang iyon dahil alam niyang hindi ko talaga siya gagapangin pag gabi. Nangako ako sa kanya dati at panghahawakan ko iyon hanggang sa ikasal na kami.

Iiling-iling ako habang dahan-dahang binuksan ang pinto nito na may ngiti sa labi. Kahit na papasok ako ng kwarto nito ngayon ng walang paalam, malinis naman ang konsensiya ko dahil iba ang plano ko.

Sumilip muna ako para siguraduhin na walang kahit na anong patibong ang naghihintay sa akin sa loob. Mabuti na ang sigurado, malupet pa naman kong mag-trip si April.

April fool's OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon