Wade's POV:
Walang tumanggap sa 'kin sa mga Hotel, kahit saan ako magpunta ay wala. Napapahilamos nalang ako sa mukha ko dahil talagang bagsak ko ay sa Martinez Building kung saan nandoon ang mga memorya. Pagod na pagod ako maghapon para lang makahanap ng hotel pero kahit anong pilit ko wala, kahit sinabi kong magbabayad ako ng sobra ay wala pa rin.
Kaya tinawagan ko kaagad si Kent para kamustahin kung natapos na ba ang renovation ng condo ko. Aniya natapos niya daw nung nakaraan pa, kasama ang pinsan niyang si Clyte. Sinabi ko na gusto kong baguhin lahat ng bawat sulok ng condo ko sa Martinez. Kaya wala akong choice kung hindi doon nalang tumira kasi saan ako pupunta kung sa bawat pupuntahan ko ay tinataboy ako?
I know she's ruthless when she's hurt. Gamay ko ang ugali ni Natasha, pero ngayon? Hindi ko na s'ya kilala. Nagbago na rin pati ang pag-uugali niya na parang dati ay kalmado lang at mapagpasensya. Alam kong galit lang s'ya, kaya ako naman ngayon ay magpapasensya sa kanya. Huhupa rin ang galit niya alam ko, kailangan kong lang gumawa ng paraan.
Kaya maghapon nang gabing 'yun ay naglinis ako ng condo ko, pinatanggal ko ang kwarto. Dahil isang kama lang ang pinagawa ko, pagpasok ko sa condo ay namangha na ako. Pagpasok ko ay nakita ko na ang hagdanan sa gilid papunta sa kama ko, kumpleto na rin ang gamit. Wala ring bakas ng memorya kaya alam kong magiging payapa ang ilang buwan ko dito.
Kulay white, gray, at black ang paligid. Magmula sa kusina hanggang sa itaas ay ganoon maski ang kama ko, mabuti rin dahil deretso kaagad ako sa kama ko. Naglinis ako at matapos nun ay pumasok ako sa trabaho para tapusin ang mga papeles na naiwan ko mabuti nalang rin ay hindi na dinagdagan ng chief ang gawain ko.
"Good Job, Ferrell. Mamaya send mo sa 'kin ang documents ng kaso nung anak ng Mayor. Tungkol sa Rape at Homicide," sambit niya nang mapadpad ako sa opisina niya.
"Sure, Sir. Malapit ko na rin naman matapos ang gawain ko sa araw na 'to," kalmadong sambit ko sa kanya.
He smiled a bit. "Maasahan talaga kita sa ganito, I appreciate your talent and being a hard-working police," kalmadong sambit niya kaya napangiti ako.
Wala akong inentertain na kahit na sinong babae, kahit si Faye na kababalik lang galing sa Madrid. Nagtatampo nga s'ya pero sadyang busy ako at siguro hindi muna ako magdadala ng babae sa kung saan. I need to be more focus on my work, may nagreport kasi na nagdadala ako ng mga babae. Kapag daw hindi ako nagpigil baka madamay ang trabaho ko kaya sumunod ako at ayokong magalit si Dad.
"Pinapatawag tayo ni Chief sa oposina niya. May raid na magaganap dahil natunton na rin ang mga sangkaterbang droga malapit sa Taguig," sambit ni Clever nang makapasok sa opisina ko.
"Sige, susunod nalang ako Clev," sambit ko sa kanya na tumango lang at umalis rin naman kaagad.
Huminga ako ng maraming beses at pakiramdam ko lalagnatin ako ng matindi, wala akong tulog simula kahapon. Tumayo ako at pinulot ang folder kung saan nakalagay ang impormasyon sa drugs syndicate. Lumabas ako at kaagad na pumunta sa meeting room namin at nakitang nandoon na silang lahat. Magalang akong pumunta sa puwesto ko at nilapag ang iilang mga printed papers sa kanilang lahat.
"Dalawang drug addict ang natikitan namin. Nandoon na rin ang iilang sundalo natin at kailangan lang natin na makuha ang hekta-hektaryang drugs na nasa liblib na lugar. Kaya ngayon natin pupuntahan ang lugar na 'yun at masiguro na madadala natin sila dito para maikulong," paliwanag ng Chief namin.
Sa larangan ng pagsusundalo ay kailangan naming maging mabusisi at maging matalino pagdating sa ganoong trabaho sa headquarters. Sa loob ng limang taon na nandito ako, masasabi ko na gamay ko na ang bawat kaso na binibigay sa 'min. Kaya hindi na rin mahirap sa 'kin na gawin ang tungkulin ko para sa bayan at mamamayanan. Marami na rin kaming nasagupa at marami na rin kaming naipasok sa kulungan para pagbayaran ang mga ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
ActionBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...